Not my type
"Mom! I need to buy new clothes, Mayroon upcoming event na gaganapin sa school namin and hindi ko na puwede suotin yung damit na 'yun na binili ko last week dahil nagamit ko na siya"
We are having a breakfast right now and of course kinuha ko na 'tong chance na 'to sabihin sakanila na may bago akong kailangan dahil masyado silang busy sa work nila para mag usap sa mga ganitong bagay. Sanay na naman ako na lagi silang wala dito sa bahay, Pabalik-balik sila sa Manila dahil sa work nila. Iisang anak lang ako nila mommy kaya minsan ako lang tsaka si Lola Rosel lang ang nakakasama ko ng madalas dito sa bahay. Si Lola Rosel lahat ng nagawa ng gawain dito sa bahay, bata pa lang ako ay siya na ang madalas na nag-aalaga sa'kin kaya napamahal na rin ako sakanya.
"Sure, Hindi mo naman kailangan magpaalam pa Hija. Nagtatrabaho kami ng Dad mo para mabigay namin lahat ng pangangailangan mo"
"I know Mom kaya nga sobrang swerte ko sainyo ni Dad eh" sabi ko sabay ngiti sakanila.
"Liah, May susuotin kana ba sa upcoming event?"
Nandito kami ngayon sa likod ng school, favourite tambayan namin 'tong magbabarkada kapag breaktime namin dahil tahimik lang at wala masyadong tao.
"Wala pa, kaya Jessa samahan niyo ako sa mall mamaya ha" sagot ko dito.
"Hindi ako Puwede mamaya" sabi ni Spencer sabay hithit ng sigarilyo.
"Wow, sino na naman kaya 'yang babae pinagkaka abalahan mo, Spencer?"
"Gago! Hindi babae 'to, pupunta akong bayan mamaya may kailangan lang ako bilhin"
"Ulol, Wala ka maloloko dito eh kanina lang usap-usapan na sa buong school na nag da-date daw kayo nung transferee" sagot ni Kristel.
"Wtf Spencer! Ang bata pa nun ah?" Tanong naman ni Coby na kasama pala namin, hindi kasi namin minsan namamalayan na nandyan pala siya dahil sa sobrang tahimik niya.
"Oh, nandyan ka pala Coby? Kanina kapa ba diyan? Kakadating mo lang ba?" Tanong ni Spencer na parang gulat na gulat na kunyare hindi alam na kasama namin si Coby.
"Fuck u man, kanina pa ako nandito" sagot naman ni Coby.
Nagtawanan na lang kami at napag desisyunan na bumalik na lang sa klase.
"Jess, Ano tara mamaya sa building ng college?" Yaya ni Kristel. Sa aming tatlong babae si Kristel ang pinaka maraming kilala dito sa school namin halos pwede na siyang tumakbong senador sa sobrang dami niyang kilala dito.
"Gaga! Hindi, Ipapakilala ko kayo dun sa mga kaibigan ko"
"Guwapo ba?" Tanong agad ni Jessa
Napailing na lamang ako sa pinag-uusapan nila. Hindi naman sa hindi ako interesado sa mga lalaki sadyang mas gusto ko lang mag focus sa pag-aaral ko ngayon, Hindi ko kaya ma-disappoint ang parents ko sa'kin. Lahat gagawin ko maging proud lang sila sa'kin para kahit papaano makuha ko atensyon nila.
"Girls, Erick and Noah mga kaibigan ko" Pakilala ni Kristel sa amin. Napatingin ako dun sa Erick na meztiso na sakto ang katangkaran at laki ng katawan samantalang yung Noah naman ay moreno na matangkad din at mas maganda ang katawan nito kesa dun sa Erick.
"Nice to meet you girls, hindi mo man lang nasabi sa'kin na may kaibigan ka pa lang maganda, Kristel" sabi nung Erick sabay tingin samin ni Jessa.
I rolled my eyes at napansin kong nakatingin sa'kin yung Noah. Naka kunot ang noo niya na parang hinuhusgahan ang buong pagka tao ko. Tumaas ang kilay ko at umirap na lang.Kung ayaw niya sa'kin, ayaw ko din sakanya.
"Ano may gusto ba kayo dun sa dalawa? Tanong agad ni Kristel.
Nasa mall na kami ngayon tatlo habang si Spencer at Coby ay wala. Kung hindi naman daw sasama si Spencer ay hindi na lang din sasama si Coby. Ewan ko kung pano nagkaka sundo yung dalawa dahil si Spencer makulit at madaldal samantalang si Coby naman sobrang kabaliktaran kay Spencer.
"I like Erick! Sobrang friendly niya tsaka sobrang guwapo" sabi ni Jessa na parang kinikilig.
"Eh ikaw Lia?" tanong naman sa'kin ni Kristel.
"Haynako, Huwag mo na tanungin 'yan Kristel. Alam mo na sagot diyan" Sagot naman ni Jessa habang tumitingin ng damit.
"Lia, Wala ka pa nagiging boyfriend. Kailan ka uunlad niyan?" sabi ni Kristel habang natatawa.
"I hate the moreno guy" sagot ko
"Oh, Si Noah ba? Medyo masungit talaga 'yun pero mabait naman kaya madami din nagkaka gusto na babae dun dahil sobrang guwapo na masipag pa mag aral! Actually he's a medtech student" sabi ni Kristel.
"I don't care. He's not my type, Kristel" sagot ko dito.
"Sus, Hindi raw type! Ang gwapo kaya nung tao!"
Napailing na lamang ako sa sinasabi nilang dalawa at naghanap na lamang ng damit na babagay sa'kin.
