10

1 0 0
                                    

Date

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin akong aakyat na ako. I did my night care and sat to bed. Tumunog ulit ang phone ko hudyat na may nag chat.

Noah: You still there?

Noah: Are you mad?

Noah: Nathalia?

Noah: Okay, sorry for bothering you

Am i mad? Wala naman ako dapat ikagalit 'diba? I mean, ano naman kung may kasama siyang babae 'diba? Ano naman sa 'kin 'yun?

Me: Hey, sorry. Hindi ko napansin  yung messages mo. Iniwan ko kasi phone ko dito sa kwarto.

Maya maya pa ay tumunog ulit ang phone ko hudyat na nag reply na siya.

Noah: It's okay, can i call?

Me: Yeah..

Noah's calling....

Huminga muna ako ng malalim tsaka ito sinagot.

"Hey..." Binuksan ko ang pintuan para maka punta sa balcony ng kwarto ko. Madaming stars ngayon tsaka medyo mahangin din.

"Hey, how was your exam?" he asked in a deep tone.

"Hmm..okay naman, i guess?"

"Buti naman. Ilang araw akong nagtiis na hindi ka abalahin para lang makapag focus ka sa exams mo, Nathalia"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. So, sinadya niya talaga hindi magparamdam sa'kin para hindi niya ako maistorbo? pero hindi naman siya istorbo eh?

"Hindi ka naman nakakaabala..." sagot ko sa nanliliit na boses.

"Kahit na..why did you ignore me kanina?" he sounds like nagtatampo

Wow, conyo huh?

"I didn't ignore you...hindi lang kita napansin" pagdadahilan ko

"Hm, Okay. Let's meet tomorrow. Are you free?" He asked in a deep tone. Ang sarap pakinggan ng boses niya. Halata mo ang tikas nito.

"Of course,wait, is it a date?" I asked. I don't know kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko. Agad ko rin itong pinagsisihan but I guess, hindi ko na rin 'to mababawi dahil nasabi ko na. Matagal siya sumagot kaya medyo kinabahan ako. Ayan kasi, Nathalia! masyado kang assumera d'yan eh.

"Yes, Nathalia. I'm asking you to date me"

Omygosh! Is this for real?

"Wow! hahaha! sabi ko na eh you really like me! don't deny it!" I tried to speak normally. Parang hindi halata na kinikilig ako.

"So, what time tomorrow?" I asked.

"After your class. I'll pick you up in your room, Is that okay with you?"

"Of course! bakit naman hindi? hahaha" sagot ko naman dito

"I thought you don't like people to see us together"

Hindi ko akalain na ganun iniisip niya ngayon. Okay lang naman sa 'kin kung makita kaming magkasama ng mga tao. Wala naman kami gagawin masama.

"Hindi ah, It's fine with me" Sagot ko rito

"Okay, then, see you tomorrow" sagot naman nito.

The next morning, I woke up with a big smile on my face. I went to the bathroom to do my morning routine. Nahirapan ako mamili ng susuotin ko. Kailangan maganda ang ayos ko. After a long minutes, I've decided to wear a Bodycon black dress partnered with white shoes. Nag ponytail na lang ako tsaka naglagay ng silver hoop earrings.

Pagkababa ko ay naabutan ko sina mom and dad na nag uusap na naman tungkol sa business nila, kaya hindi rin nila napansin ang presensya ko. Naglagay na lang ako sa pinggan ko ng pancakes and bacon with a cup of coffee. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako sa kanila.

"Wow, ang ganda mo ngayon Nathalia ah? don't get me wrong, maganda ka pero mas lalo ka gumanda ngayon? blooming natin!" sabi ni Spencer. Nandito kami sa canteen ngayon dahil lunch break na namin.

"Tapos na kasi ako sa project ko kaya blooming ako" Pagdadahilan ko na lang.

Bakit pakiramdam ko sobrang bagal ng oras ngayon? kanina pa ako tingin nang tingin sa orasan habang nagka klase 'tong professor namin. After the third bell rang. I quickly fix my things. Baka kasi nasa labas na siya naghihintay.

"Nagmamadali ka ata, lia? May lakad kaba?" tanong ni jessa na napansin ang pagmamadali ko. Bago pa ako makasagot sa tanong ni Jessa ay narinig kong tinawag ako ng kaklase ko.

"Nathalia! may naghahanap sa 'yo sa labas!" sigaw ng kaklase kong nasa may pintuan.

Agad kumunot ang noo ng mga kaibigan ko at agad silang sumilip sa may labas. Alam kong aasarin nila ako. 'Tsaka ko na lang siguro ikukwento sa kanila kapag may time na ako. Makahulugan tingin ang binigay nila sa akin kaya inunahan ko na agad sila.

"Next time ko na lang ikwento, okay lang ba? Promise! magkukwento ako!" sabi ko sabay labas, hindi na hinintay ang sasabihin nila. Pagka kita ko kay Noah ay agad akong kumaway dito. He's wearing a pants with white plain t-shirt.

"Kanina kapa ba?" Tanong ko rito.

"Hindi naman, kakarating ko lang din" sagot nito. Habang naglalakad kami ay pansin ko ang mga taong nakatingin sa amin or baka naman sa lalaking katabi ko? Hindi ko naman maitatanggi na sobrang lakas ng dating ni Noah, kaya hindi na ako magtataka na halos lahat ng babae na napasok dito ay may paghanga sa kanya.

Dala niya ang sasakyan niya kaya dumiretso kami sa parking lot ng school.

"Sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ko dito. Hindi ko pa rin kasi alam kung sa'n kami pupunta dahil hindi rin naman ako nagtanong. Hindi niya muna sinabi dahil secret daw muna. Ano ba naman 'to daming pakulo! Hindi ko na rin pinilit at hinayaan ko na lang siya mag drive. Naglaro na lang ako sa phone ko pero nang medyo nainip na ay napansin kong papunta kaming tagaytay.

"Omygosh, papuntang tagaytay 'to 'diba?"

"Yes, we are going to tagaytay" Sabi niya sabay ngiti sa akin. Grabe, first time may nagdala sa 'kin dito. Nakapunta na ako dito pero fam ang kasama ko. Ngayon na lang ulit, si noah pa ang kasama ko. Pagkarating namin sa tagaytay ay naghanap agad kami ng makakainan. Binigay niya sa 'kin yung extra jacket niya sa sasakyan dahil medyo malamig.

"I never thought na makakasama kita dito. This is our first date, dito mo agad ako dinala. Thank you, noah" sabi ko dito. Nandito kami sa Starbucks ngayon habang nakatingin sa tanawin. Kitang kita mo kasi dito ang city lights.

"Gusto ko lang makitang masaya ka sa first date natin. Hindi ko ito ginagawa sa ibang babae, sayo lang" sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon