05

6 0 0
                                    

Lunod

"Hoy! ano 'yan ha?" sabay kaming napalingon ni Noah kay Jessa at Kristel na kakarating lang. Kasama din nila sina Spencer at Coby na nasa likuran nila.

Agad kong tinanggal ang kamay ko at tinago ito sa likuran ko. Nag ngising aso sila na parang nang-aasar. Mygosh nakakahiya! Baka kung ano isipin nila!

"Wala naba kayong game, Noah?" Tanong ni Spencer.

Mas matanda samin si Noah ng dalawang taon. Kami ay nasa Grade 12 at siya naman ay 2nd year college na.

"Wala na, Tinapos na kahapon yung laro eh" Sagot naman nito.

"Ba't kayo magkasama ni Nathalia? Ikaw ha? Pinopormahan mo ba 'tong tropa namin?" sabi naman ni Jessa na may halong pang-aasar.

"Hoy! Nagkataon lang na nandito siya 'no! Dito lang din kami nagkita!" Depensa ko naman.

Nagpaalam na si Noah dahil may kailangan pa daw siya ayusin. Pagkaalis nito ay agad nila akong kinulit. Wala naman masyado nangyare sa school namin. Mayroon lang pageant pagkatapos noon ay uwian na rin naman.

"Ano? Tara sa Pandin Lake mamaya!" yaya ni Spencer.

"Ano tara? Sama ka lia?" sabi naman ni Coby.

"Tara na lia! Wala naman parents mo" singit naman ni Kristel.

Wala naman parents ko kaya napag-isipan kong sumama na rin. Pagka uwi ko ng bahay ay agad ako nag-ayos ng pamalit ko at mga pag kain namin na kakainin din mamaya.

Around 3pm ako nakarating do'n. Nakita ko sina Jessa na naghihintay sa'kin. Kasama din sina Spencer at Coby na gustong-gusto na rin maligo.

"Ano? Tara na maligo!" Aya ko sakanila.

"Teka, may hinihintay pa tayo" Jessa said while looking at her phone.

"Huh? Sino paba kasama natin? I thought tayo tayo lang ah?"

"Oh, ayan na pala sila!" Turo ni Kristel sa likuran ko.

Agad ako nagulat nang makita ko si Noah at Erick na nakapang ligo rin.

"Sorry, late naba kami?" Tanong ni Erick

"Hindi naman, kakarating lang din ni lia eh! Ano tara na! naghihintay na daw yung bangka dun"

My gosh hindi man lang sila nag sabi sa'kin na kasama pala 'tong dalawa! Habang naglalakad kami patungo roon ay kinuha ni Noah yung dala-dala kong bag.

"Ako na, mukhang hirap na hirap ka diyan eh" sabi nito

Naabutan kong makahulugan tingin sa'kin nina Jessa na parang nang-aasar na naman.

Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makarating kami doon ay sumakay kami sa bangkang kawayan. Nilapag na namin ang mga gamit namin roon.

"Grabe! ang ganda ng panahon! saktong-sakto ang pag punta natin dito!" sabi ni Spencer sabay hubad ng kanyang damit.

Si Noah at Coby ang nagtutulak ng bangka. Habang si Erick at Spencer naman ay naglalagay ng sun screen sa kanilang balat. Takot na takot umitim ang mga 'to!

Nang makarating kami sa gitna ay tumalon na sina Spencer, Erick at Coby.

"Ano, lia? Magpalit kana diyan!" sabi ni Kristel na naka two piece lang. Kitang kita ang hubog ng katawan nito. Sa amin tatlo, Si Kristel talaga ang may pinaka magandang katawan.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon