04

8 0 0
                                    

Friends

Umuwi agad ako dahil pina sundo agad ako nila daddy. Walang nagawa sina Jessa at Kristel dahil kahit sila rin ay takot sa Daddy ko.

Pagkarating ko ng bahay ay wala ako naabutan kundi si Lola Rosel lang na nagluluto sa kusina.

"Lola, Nasan po sina Mommy?" I opened the fridge para maka kuha ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw.

"Ah, Pinapa sabi nga pala sa'kin ng Mommy at Daddy mo ay hindi sila uuwi ngayon. Lumuwas ulit sila ng Maynila dahil nagkaroon daw ng ka unting problema sa business nila do'n"

"Kailan daw po sila uuwi?"

"Nako, Walang sinabi sa'kin Nathalia"

"Sige po, Akyat napo muna ako sa taas magpapalit lang po ng damit"

"Sige, Neng. Bumaba kana rin dito para maka kain ka ng niluluto kong meryenda"

Umakyat na ako para makapag palit. Nag desisyon ako na maligo muna dahil feel ko sobrang lagkit ng katawan ko dahil sa sobrang pawis kanina. Halos 20 minutes akong naligo at pagkatapos no'n ay nag bihis na ako. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay tumunog ang cellphone ko.

Noah Alejandro sent you a friend request

What the hell? Bakit nag add sa'kin 'to? Dahil ba iniisip niya na crush ko talaga siya? In his dreams!!

Hindi ko na lang pinansin at pinag patuloy ko na lang ang ginagawa ko. Maya-maya pa ay tumunog ulit ang cellphone ko.

Noah Alejandro sent you a message request

Noah: Hey

Me: What do you want ba?

Noah: Wow, Taray mo naman sa crush mo

Me: Hindi nga kita crush! Ang kulit mo!

Noah: Hindi ako naniniwala

Me: Okay, Hindi naman kita pinipilit maniwala sa'kin. Bye na nakaka istorbo ka sa ginagawa ko.

After nun ay hindi na nga siya nag reply. Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at maya-maya pa ay bumaba na rin ako dahil tinatawag na rin ako ni Lola Rosel.

Kinabukasan ay nag ready na ako para sa pag pasok sa school. I'm wearing maong ripped jeans with white v-neck tshirt tsaka nag suot ng white shoes.

Pagkarating ko sa school ay kokonti pa lang ang mga tao. Dito ako nag-aaral  sa San Pablo Colleges. Maliit na probinsya lamang ang San Pablo Laguna. Dito na rin ako lumaki dahil dito nagka kilala ang parents ko.

Dahil napaaga ako ng pasok ay napag desisyunan ko muna na pumunta sa likod ng school namin. Ang aming favourite tambayan.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Noah na naka upo sa may ilalim ng puno. Naka suot na ito ng Maong pants at plain white t-shirt tsaka rubber shoes.

Napalingon siya sa'kin at ngumisi. Hilig niya talaga siguro ang ngumisi 'no?

"Ikaw dapat ang tinatanong ko, Stalker ka 'no?" Sagot nito

"Wow, Ang kapal naman talaga ng mukha mo. Matagal na kami na tambay dito nila Jessa. Pumunta lang ako dito dahil dito ko sila hihintayin"

"Tsk, Oo na. Dami mo sinasabi" Sagot nito.

Nakatayo lang ako dahil ayoko naman tumabi sakanya. Walang naimik samin dalawa, tanging kaluskos lang ng mga insekto ang maririnig mo.

Lumingon siya sa'kin at kumunot ang noo.

"Hindi kaba uupo? Wala naman ako virus 'wag ka mag-alala"

"No thanks, Okay na ako dito"

"Tsk, Iba talaga kapag anak mayaman 'no? Ang arte mo"

"Excuse me? Tama ba yung narinig ko? Sinabihan mo akong maarte?" singhal ko dito.

"Oo" maikling sagot nito sabay ngising aso ulit.

Rold, nag iinit ulo ko dito! Jusko po!

"Oo nga pala, 'di mo pa ako ina-accept sa facebook ah?" sabi nito.

"Bakit kita i-aaccept? We're not even friends nga eh!" sagot ko naman

"Sige, kailangan ko pala muna makipag friends sa'yo 'no?"

Tumayo siya at lumapit sa'kin. Napaatras ako sa ginawa niya.

"Oh ano gagawin mo?" Tanong ko rito.

Nagtaka ako dahil nagpunas siya ng kamay at nilahad sa'kin.

"I'm Noah Alejandro, Pwede ba makipag friends?" Tanong nito.

Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko alam kung i-aabot ko ang kamay ko.

"Ano na? nangangalay na ako dito" reklamo nito.

Wala ako nagawa kundi i-abot sakanya ang kamay ko.

"Friends" maikling sagot ko.

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon