Crush
I woke up around 8 am dahil ngayon gaganapin ang Intramurals. Agad ako naligo at nag ayos. I'm wearing brown jeans skirt and black crop top with LV Star Strail Ankles Boots. I put light make up on my face tsaka nilugay ang buhok ko.
"What are you wearing, Hija?" Tanong agad ng daddy ko pagka kita sa'kin.
"Uh Dad ngayon po kasi gaganapin yung event" mahinang sabi ko.
"Oh really, How's your grade nga pala?"
"It's good naman po dad. Nag-aaral naman po ako ng mabuti"
"Mabuti naman kung ganon, nakakahiya sa mga ibang kamag anak natin kung hindi ka nag-aaral ng maayos Nathalia"
"Alejandro, Don't pressure your daughter" sabi naman ni mommy sabay ngiti sa'kin.
"I'm not pressuring her, Leana. Gusto ko lang sabihin sa anak natin na mag aral siya ng mabuti dahil hindi maganda sa Pamilya Mercedes na walang pinag aralan"
Ngumiti na lamang ako at sumang ayon sa sinabi ni dad. Halos kasi lahat ng mga pinsan ko ay nakapag tapos ng Cum Laude.
Pagkatapos noon ay business na ang kanilang pinag usapan. Tahimik na lamang ako kumakain dahil wala naman ako alam sa field ng business. Modeling ang gusto kong pasukin na mundo pero alam kong hindi papayag ang mga magulang ko dahil gusto nila kapag tumanda na sila ay ako na ang mag manage ng business. Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagpaalam. Hinatid ako ng aming driver sa school. Sa labas pa lang ay halata mo na busy ang mga tao sa loob at rinig mo ang mga hiyawan ng mga studyante.
Pagkababa ko ng sasakyan ay nakita ko na agad sina Jessa sa may waiting shed na halatang ako ang hinihintay. Pumasok na kami sa loob ng gymnasium at naghanap ng mauupuan. Medyo marami na din tao at kanya kanya silang dala ng banner nila.
"Nakita niyo naba si Spencer at Coby?" Tanong ko sa dalawa.
"Nakita ko sila kanina eh siguro nag stretching na sila ngayon" Sagot ni Jessa na tingin ng tingin sa paligid.
Maya maya pa ay nagsimula na ang laro. Grade 11 and 12 pa lang ang magka laban ngayon kaya medyo chill pa yung mga tao. Nang makita namin sina Coby at Spencer ay agad kaming sumigaw. Syempre supportive friends kami. Nang maka shoot si Spencer ay todo tili ang mga babae sa tabihan namin. Sanay na kami sa mga babae ni Spencer kaya wala ng bago sa amin. Pagkatapos ng laban nila ay nagpasukan na ang mga College students. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao.
Nagulat ako nang makita ko si Noah na naka suot ng Jersey number 18. Wow, naglalaro pala siya?
"Kristel, naglalaro pala si Noah?"
"Wow! Sabi ko na nga ba eh may crush ka kay Noah! Nako madami ka kaagaw diyan! Halos kalahati ng babae na napasok dito sa school natin may gusto sa kanya!"
"Tinatanong ko lang Kristel! Crush agad?" Sagot ko dito.
"Wushu! 'wag nga kami! aminin mo na kasi Nathalia Mercedes na attracted ka kay Noah" Singit naman ni Jessa.
"Ewan ko sa inyo" Sagot ko na lang dito.
Nanood na lang ako at masasabi kong madalas maka shoot si Noah, magaling siya actually. Sa huli ang nanalo ay ang team nila Noah.
"Tara! Puntahan natin sila! i-congrats natin" Yaya ni Jessa.
Agad naman sumang ayon si Kristel kaya wala na rin ako nagawa. Pagkarating namin sa baba ay agad lumapit 'yung dalawa kay Noah habang ako ay nasa likod lang nila.
"Uy, Lia Halika nga dito, Ba't hindi ka naimik diyan? Ayaw mo ba i-congrats 'tong crush mo?" Sabi ni Kristel na may halong pang-aasar.
Agad na nanlaki ang mata ko at napailing.
"He's not my crush, Kristel!" depensa ko.
What the fuck? Isipin pa nitong Noah na 'to na may gusto ako sakanya? Really? Baka mas lalo lumaki ulo nito.
Tumingin ako kay Noah na nakangisi sa 'kin at naka taas na ang kilay. In short, nang-aasar na mukha.
"Huwag ka maniwala sa mga 'yan! Hindi kita crush! Hindi kita type!" Sabi ko dito.
"Really" tanging sabi nito habang nakangisi pa din.
What the hell?
