Call
After namin kumain ni Noah ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Wala naman nangyare nitong nakaraan linggo. Dumaan ang isang linggo na hindi ko na ulit nakita si Noah. Busy daw mga higher batch dahil exam daw nila ngayon.
"Nasa'n si Jessa?" Tanong ko kay Kristel habang umo-order kami ng pagkain dito sa canteen.
"Kasama ata niya yung nanliligaw sakanya? Nagpaalam kanina na hindi daw siya sasabay sa'tin kumain eh" Sagot nito.
"What? May manliligaw siya?"
Wala naman siya nakukwento sa amin na may nanliligaw na sakanya? Walangya talaga 'to si Jessa! Tatanungin ko nga 'yun mamaya.
Pagka order namin ay humanap na kami ng mauupuan.
"Nandito lang pala kayo!" sabi ni Spencer na nakangisi. Kasama niya si Coby na parang walang pakielam sa mundo.
"Oh? Bakit? Teka kumain naba kayo?" Tanong ni Kristel.
"Hindi pa nga eh, Tara na muna umorder Spencer. Kanina pa ako gutom" sabi naman ni Coby.
Iniwan muna kami nung dalawa kaya hindi muna kami kumain, syempre hihintayin namin sila. Pagkarating nung dalawa ay nag kwentuhan lang kami.
"Tapos niyo naba yung project na pinapagawa ni Ms. Valderama?" Tanong ni Kristel
"Syempre...." sagot ni Spencer
"Oh talaga tapos kana? Wow naman? Bagong buhay ba Spencer?" Hindi ko na siya pinatapos magsalita kaya nagtanong na ako habang natatawa
"Hindi pa.." dagdag nito at nag peace sign
Sinamaan ko na lang siya ng tingin at kumain na lang.
"Jusko, Wala ka ata balak mag bago beh?" Tanong ni Kristel
"Hoy! Grabe naman kayo sa'kin? Bakit hindi niyo pinapansin si Coby? Lagi na lang ako pinag iinitan niyo" sabi ni Spencer na may halong kunyare nasasaktan
"Wow! ang mature mo ha" sagot na lang ni Kristel
After namin kumain ay bumalik na kami sa aming klase. Medyo na-late pa ng dating si Jessa dahil hinihingal pa siya pabalik ng classroom na halatang tumakbo papunta dito. Pagkatapos ng mahabang klase ay agad akong lumapit kay Jessa.
"Hoy, ba't ka na-late ha? Sa'n ka galing? Sino kasama mo?" Sunod sunod na tanong ko
"Oh chill, Lia. Para ka naman nanay ko kung makapag tanong ka ha!" sagot ni Jessa habang natatawa na nag aayos ng kanyang gamit.
"Alam mo naman 'yan si Lia, mahal na mahal ka nan, oh kumusta date niyo? singit ni Kristel
"Well, lumabas kami kanina! kumain gano'n tsaka ko na siya ipapakilala sa inyo kapag boyfriend ko na siya" masayang sabi ni Jessa.
"Siguraduhin mong matinong lalaki 'yan, Jessa!" Sabi ko naman dito
"Yes, Mama" sagot nito
Pagka labas namin ng school ay napansin ko na madaming mga college ang nasa labas. Siguro ay tapos na ang kanilang exam. Iginala ko ang tingin ko nang mapansin ko si Noah kasama mga kaklase niya. Kumakain mga kasama niya ng fishball habang siya ay may hawak na reviewer pero halata mong hindi siya makapag focus dahil ang ingay ng mga kasama niya.
