Coffee
Ang haba ng usapan namin ni Noah kaya habang magka usap kami ay nagawa din ako ng project. Umabot siguro ng dalawang oras ang usap namin. Nag kuwento lang siya kung ano nangyare sa exam nila. Nang nakaramdam ng antok ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa.
Kinabukasan ay medyo na-late ako ng gising dahil nakalimutan ko mag alarm. Dali dali na ako nag ayos.
"Good morning! Kumain ka muna" Mom said habang naglalagay ng food sa plate niya.
"No, mommy. Late na po ako eh" Sabi ko habang nagpapalaman ng tinapay. Sa sasakyan ko na lang kakainin.
"Hmm, Sige. Mag ingat ka hija" sabi ni mommy sabay halik sa aking pisngi.
Siya pa lang ang nandito. Wala si Daddy, siguro ay hindi pa gising o may pinuntahan.
Pagkadating ko ng school ay tumakbo na ako papuntang room. Buti na lang late din yung prof namin, Thank God! ayoko ma-late. Nagdaan ang mag hapon na wala masyadong nangyare. Nagtext ako kay Noah, tinanong ko kung sa'n at anong oras kami magkikita.
Me: Hey? Where tayo magkikita? Tsaka what time?
Agad din naman siya nag reply.
Noah: 6pm na. Sa vet na lang siguro.
Hindi na ako nag reply dahil nag ayos na ako. It's already 5pm. I decided na mag shower ng konti. Sobrang init kasi feel ko ang baho ko na. After maligo nag bihis na rin agad ako. I'm wearing Black High waisted pants with adidas cropped top tsaka nag vans na lang ako. Nag pony tail na lang din ako. Pagkatapos ko mag ayos ay bumaba na din agad ako kaya naabutan ko sina mommy na nanonood habang si daddy na nagbabasa ng newspaper sa may sala.
"Sa'n ka pupunta, Nathalia?" Tanong ni daddy
"Uh Dad..sasamahan ko po sana si Jessa, may bibilhin daw po siya" Paalam ko
Shit! sorry Jessa! babawi na lang ako sakanya bukas.
"Okay, Mag-iingat ka. Umuwi ka kaagad pagkatapos niyo"
Dinala ko na rin yung sasakyan ko dahil hindi na rin naman nagalit si Daddy.
Ilang minutes lang ay nakarating na ako sa vet. Nando'n na siya sa labas habang inaamo si coffee. Nag park lang ako katabi nung sasakyan niya.
"Kanina kapa ba?" Tanong ko
"Hindi naman..kakarating ko lang din" sagot nito
Pumasok na kami sa loob at may lumapit agad sa amin isang babae. Siguro mga nasa age 25 siya. Maganda at makinis ang balat tsaka maganda ang katawan. Nakatingin ito kay Noah at ang laki ng ngiti.
"Oh, Noah! napabalik ka?" Tanong nito sabay tingin sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi siya ngumiti pabalik.
"Nagkasugat siya sa may bandang tiyan, hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yun" Paliwanag naman ni Noah
"Sige, Dalhin na natin sa loob. May inaasikaso pa si Doc eh" Paliwanag nito
Naupo na lang ako sa may upuan. Hindi na lang ako sumama. Hihintayin ko na lang siguro siya dito. Maya maya pa ay lumabas na din agad si Noah.
"Tara muna Kumain. Balikan na lang daw natin mamaya" Sabi nito
Tumayo na lang ako at nagpasyang lumabas na lang din.
"Sino yung babaeng kausap mo kanina?" Tanong ko
"Siya yung may ari nung vet. Natandaan niya din ako dahil dun ko dinadala lagi si coffee" Paliwanag nito
Tumango na lang ako at hindi na umimik. Nagpasya kami na kay Noah na sasakyan na lang ang dalhin. Iiwan ko muna ang sasakyan ko dito dahil babalik din naman kami mamaya. Nagpasya kami na sa may Sampaloc Lake na lang kumain. Masarap kumain do'n dahil madaming kainan at sariwang hangin.
"What do you want to eat?" Tanong nito
"Uh, Salad na lang" sagot ko
Tumango na lang ito at umorder na. Kukuha na sana ako ng pera sa bag ko nang nag abot na agad siya ng bayad.
"Hey, let me pay for my food" sabi ko habang inaabot sakanya ang pera ko.
"Huwag na, Ako naman nag-aya sa'yo dito" sagot nito
Wala rin ako nagawa kaya tinago ko na lang ulit yung pera ko. Nagkwentuhan lang kami habang inaantay yung order namin. Maya maya pa ay may lumapit sa amin dalawang babae.
"Noah? Ikaw ba 'yan?" Tanong nung babae. Maganda ito tsaka medyo matangkad. Nakangiti ito kay Noah habang yung kasama niya ay parang kinikilig.
"Hey, Isabel" Sagot naman ni Noah
"Grabe! ngayon na lang ulit tayo nagkita! kumusta na?" Tanong nito
"Okay naman...Ikaw ba?" Sagot ni noah sabay tingin sa'kin kaya napatingin sa'kin yung babae. Ngumiti ako dito at ngumiti din siya pabalik. Fake.
"Okay lang din naman...Girlfriend mo?" Tanong nito kay noah sabay tingin sa'kin.
"Uh..Kaibigan ko lang" mahinang sagot nito
Maya maya pa ay dumating na yung order namin kaya napilitan umalis yung dalawang babae. Tahimik lang ako habang hinahalo yung salad ko.
"She's my friend" Biglang sabi ni noah
"Oh, really?" sagot ko naman
"Yes, ngayon na lang ulit kami nagkita" sabi naman nito
"Well, that's good na nagkita ulit kayo" sabi ko
Si noah lang yung masyado naimik sa amin dalawa ngayon. Kapag may tinanong siya ay sumasagot lang ako. Natapos kami ng ganon. Bumalik na rin agad kami sa vet dahil okay na ata si coffee.
Pagkakuha namin kay coffee na medyo matamlay pa rin siya pero compare kanina mas nagmukhang okay siya ngayon. Nilagay muna ni Noah si coffee sa sasakyan tsaka humarap sa'kin.
"Thanks for coming with me" sabi nito
"Welcome, at least okay na si coffee, I need to go. Madilim na rin eh baka hinahanap na ako" sabi ko sabay ngiti
"Sige..Ingat ka. Text mo ako kapag naka uwi kana.." sabi nito na parang may gusto pa siyang sabihin.
"Yeah, Sure" sabi ko na lang at pumasok na sa loob ng sasakyan.
Pinaandar ko na ang sasakyan at pinatunog ko muna ito tsaka diretsong umalis. Tumingin ako sa side mirror at nakatayo parin siya dun habang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at mas nag focus sa pagmamaneho.
MyGosh! Nathalia! Bakit ka ganyan maka react? Eh tunay naman yung sinabi niya 'diba? Friends lang kayo! Wala naman mali sa sinabi niya! Nakakahiya! 'wag ka umakto ng ganyan. Sa susunod hindi na ganito yung ipapakita ko!
