Date
The next morning, I decided to take a quick jog. Today is saturday kaya wala kaming school ngayon. Pagkababa ko ay nagpaalam na din agad ako kay Lola tsaka lumabas.
30 minutes akong tumakbo kaya nagpahinga muna ako saglit sa isang court dito sa may village namin. Naupo ako sa may isang upan dito. Lumalabas na rin ang araw na tumatama na rin sa balat ko. Maya-maya pa ay napalingon ako sa gilid ko dahil may aso akong nakita, inaamoy-amoy nito ang damo. It's a Golden Retriever!
"Ang cute mo naman! sinong kasama mo?" tanong ko dito
"That's my dog" napaangat ako ng tingin sa lalaki na nasa harapan ko.
Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko si Noah sa harapan ko at naalala 'yung kilig na naramdaman ko kagabi. Kumunot ang noo niya at nagtaka sa reaction ng mukha ko. Napa iwas na lang ako ng tingin. Nakakahiya ka Nathalia, my gosh.
"Bakit ka napunta dito?" Tanong ko
"Dito nakatira yung Tita ko, bumisita kami kaya naisipan ko na mag lakad-lakad kasama si Coffee" paliwanag nito
"Oh, okay" maikling sagot ko
"Nathalia.."
"Yes?"
"Do you want to eat?"
"Why?"
"Let's eat.."
"Wait, niyayaya mo ba ako makipag date sa'yo?" tanong ko dito
"Ikaw bahala. Kung gusto mo isipin na date 'to, edi date pero kung hindi, edi hindi"
Wow, ang galing niya sumagot ha? Tutal nakaramdam din naman ako ng gutom ay pumayag na rin ako. Bumalik muna ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit. I'm wearing high waisted shorts with white crop top and simple black vans. Nag pony tail na lang ako para mas simple.
Pagkababa ko ng hagdanan ay nakita ko sina mommy at daddy na halatang kakadating lang.
"Oh Hija, Where are you going?" Dad asked
"May kailangan lang po ako bilhin sa mall dad, for my school project" pagdadahilan ko.
Hindi ko puwede sabihin sa kanila na kakain kami sa labas lalo na't kasama ko lalaki. Hindi nila ako papayagan.
"Oh okay, magpapahatid kaba kay manong?" tanong naman ni mommy
"No need, Mom.Puwede ko ba dalhin yung car?"
Nagkatinginan muna sila bago tumango.
Yes! Pinayagan din ako!
Nagpaalam na ako sakanila tsaka umalis. I messaged Noah kung sa'n kami magkikita. My gosh! feel ko tuloy may relasyon kami ni Noah na kailangan namin mag tago sa parents ko.
Me: Where are you? I have my car with me.
Noah: Nandito ako sa court
Dumiretso ako sa court at nakita ko na agad siya. He's wearing gray sweat shorts with white t-shirt tsaka naka rubber shoes. Naka suot din siya ng black adidas cap.
Bumusina ako para malaman niyang nandito na ako. Nang makita ako ay pumasok agad siya. Amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango. Ang bango niya ha tsaka ang linis linis niya sa katawan.
"Where's coffee?" I asked habang inaatras ang sasakyan.
"Iniwan ko muna sa bahay nila tita, sa'n ba tayo kakain?" tanong nito.
"Ikaw ang nag-aya sa'kin ha? bakit ako tinatanong mo?"
We decided na sa Melbas na lang kami kakain. Hindi pa ako nakaka kain do'n pero sabi naman ni Noah masarap daw dun.
Mabilis lang kami nakarating dahil hindi naman ganun kalayo. Medyo maraming tao pero buti na lang meron isang table na walang naka upo.
My gosh, feel ko nag da-date kami? Kinakabahan ako na ewan. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon dahil first time ko makipag date sa isang guy. Never pa ako nagka boyfriend dahil nga kapag nalalaman ng mga manliligaw ko na pamilya Mercedes ako ay umaatras agad sila. Takot sila sa pamilya namin. I don't why.
Pagkarating ng order namin ay nag kwentuhan lang kami about school.
"So? Gusto mo talaga mag medicine?" I asked
"Yeah... gusto ko na talaga siya bata pa lang ako. How 'bout you? Anong gusto mong i-take sa college?"
"Baka mag Accounting and Business Management na lang ako, since, ako din naman hahawak ng business ng parents ko"
"Ano ba talagang gusto mo?" Tanong nito habang nilalagyan ng tubig yung baso ko.
"Well, I like modeling. Alam ko naman na hindi ako papayagan ng parents ko kaya.." Nagkibit balikat na lang ako
Napabuntong hininga na lang siya. Sinusuri ang mata ko. Napa iwas na lang ako ng tingin.
"Magiging masaya kaba?" Tanong nito
"Yes..I guess?"
![](https://img.wattpad.com/cover/224611443-288-k140382.jpg)