Prologue

1.5K 110 10
                                    



Nasa labas ako ngayon ng Yolo Hospital, isang Hospital na naging tahanan ko na rin. Pumasok ako sa loob at kanya-kanyang bati ang mga natatanggap ko mula sa mga taong matagal ko ring nakasama.



"Welcome back Miss Penful," Bati ni Manong Alfred sa akin, isang Security Guard.



"You look gorgeous Ma'am Aqua," Bati naman ng isang Nurse sa akin.



Patuloy lang ako sa paglalakad habang nginingitian ang mga taong bumabati sa akin. Nakita ko pa nga si Manang Lilia na may inaasikasong isang pasyente na kaagad din namang kumaway sa akin ng makita ako nito. Kinawayan ko nalang din ito hanggang sa malagpasan ko na siya.



"Iba nga naman talaga kapag nanggaling sa ibang bansa," Natawa ako dahil sa sinabi ni Hattie, isa sa mga taong naging malapit din sa akin dito.



"Ganda naman, may jowa ka na ba ngayon Miss?" Natatawang napailing nalang ako dahil sa tanong ni Kuya Henry, isang Janitor dito sa Yolo Hospital.



"Hi Ma'am Penful," Tinanguan ko nalang si Kuya Willard, isang Janitor din at kaibigan ni Kuya Henry.



"Bakit wala? Hindi ka parin ba nakapagmove-on kay Si—" Napatigil ito ng siniko siya ni Kuya Willard.



"Nakapagmove-on na po ako Kuya Henry," Nakangiting saad ko sa kanya.



Nagpaalam nalang ako sa kanilang dalawa at pumasok na sa isang Room na sobrang familiar sa akin. Simula noong nawala siya hindi na pinagamit pa sa ibang mga pasyente ang kwartong ito dahil din sa kagustuhan ng pamilya nito. Isang butil ng luha ang lumandas sa aking pisngi ng makita ko ang mga picture namin na nakadikit pa sa kulay asul na dingding nito.



"Miss na kita, sobra," Naiiyak kong saad habang nakahawak pa sa litrato naming dalawa.


We look so happy in this picture, and how I wish na mangyari ulit ang ito.


Nang matapos ako sa pagtingin-tingin sa mga litrato namin wala sa sariling napatingin ako sa Hospital Bed na dati-rati pa ay hinihigaan pa nito. Pumatak na naman ulit ang luha ko at dahan-dahang hinakbang ang paa ko palapit dito, umupo ako at bigla nalang bumalik sa aking alaala ang huling pag-uusap naming dalawa, dito sa mismong kwarto na 'to, dito sa mismong inuupuan ko.



[Flashback]



"Pleaseee.. Don't waste the 60 words left," Naiiyak kong saad ng sinubukan na naman nitong magsalita.



"I-I'm sorry, p-pero hindi k-ko na t-talaga kaya," Hinang-hina na saad nito.



"Kayanin mo pleasee.. I'm begging you, I can't live without you Aphie," Pagmamakaawang saad ko.



"Y-You can," Bakas ang hirap sa mukha nito dahilan para mas maiyak ako dahil ako ang mas nasasaktan para sa kanya.



Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, sobrang pumayat siya, hindi ko na namalayan iyon dahil masyado akong nawala sa sarili ko noong mga panahong sobrang down na down ako dahil sa pag-iisip na baka mawala siya. At ngayon ko lang napagtanto na sobrang selfish ko pala, sobrang selfish ko to the point na pinipigilan ko na pala siyang magsalita para hindi lang mabawasan ang natitira niyang mga words.



"Pagod ka na ba talaga?" Tumango ito.



Napayuko ako habang patuloy parin sa pag-iyak, masakit mang isipin na mawawala na siya ay wala akong magagawa kundi ang kayanin nalang ang lahat ng ito. And I think this is the perfect time para pagpahingahin na siya sa mga bagay na patuloy na nagpapahirap sa kanya.



"Then, I'm letting y-you go n-now, go to t-the destination w-where you c-can feel safe, where y-you can feel l-love, where you can't n-no longer feel that pain," Umiiyak man ay pinilit ko paring ngumiti para sa ikakagaan ng loob niya.



"T-Thank you..." Naluluhang saad narin nito.


42 words left.


"M-Matagal ko n-na gustong s-sabihin s-sayo ito Penful,"


30 words left.


"W-What is it?" Puno ng pagtatakang tanong ko.



"K-Keep fighting, you're a s-strong woman.. I k-know that y-you can l-live without me.." Nahihirapang saad nito. Ibinuka niya ang bibig para siguro ipagpatuloy pa ang dapat na sasabihin pero masyado na ata siyang nahihirapan na kahit ang pagsasalita ay nakakasakit para sa kanya.



Oo, kaya ko ngang mabuhay nang wala ka, pero hindi nga lang masaya.



Nakatingin lang ako sa kanya waiting for his 11 last words. Napatingin ako sa kamay ko ng maramdamang pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Napabalik ulit ang tingin ko sa kanya ng marinig kong umubo ito.



"You o-okay? Rest n-now mahlab, I'm s-sorry for forcing you to be alive kahit na alam kong nahihirapan kana. I'm sorry for being selfish. Today is June 21, 2020 and I'm setting you free... I love you so much Ausvein..."



"I-I love you too Penful... S-See you a-around..." That was his last words before he slowly close his beautiful eyes that i'll never see again.



Iyak lang ako ng iyak hanggang sa naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin sa likuran.


"Shhh, you did a very good decision honey, thank you for letting my son go, alam kong masakit, pero kayanin mo, para sa anak ko," Hinahaplos-haplos pa ni Tita ang buhok ko.



"T-Tita, Ausvein is n-no longer alive, I really love him to the point that I'm setting him free just to be happy," Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at maya-maya lang ay narinig ko na rin ang munting hikbi ni Tita.



"Even t-though my one and o-only son is n-not here a-anymore, always remember that Tita Naomi is always here for you, forever and ever," Mahigpit kong niyakap si Tita at sa huling pagkakataon ay tiningnan ko ulit ang lalaking nagmahal sa akin at tumanggap sa totoong ako.



"Ausvein Aphie.. Fly High... See you to the next journey of my life..."



[End of Flashback]


Hindi na matigil-tigil ang luha ko ngayon, isa iyon sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko, pero kahit papaano ay naging masaya naman ako. Biglang humangin ng malakas kahit na nakasarado naman ang pintuan at bintana at kahit hindi rin naka-on ang aircon.



And when I closed my eyes, thousands of memories that happened from the very beginning, reminisce in my mind.

3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon