Epilogue

379 67 9
                                    


It's been a year simula noong nakauwi ako sa Pilipinas, noong namatay kase si Ausvein isinama ako nila Tita Naomi at nila Lolo at Lola sa America para doon mag-aral, doon ko tinapos ang pag-aaral ko hanggang sa makuha ko na talaga ang kurso, lahat ng gastos para sa tuition fees sinagot lahat ni Tita Naomi, samantalang ang para naman sa baon ko ay sinagot 'yon ni Tito Andrew, at sa ibang bagay naman, katulad ng kung may project, field trip si Tito Philip naman ang gumagastos para roon. Sa ilang taon kong pamumuhay kasama sila ni kahit isa ay hindi ako naging malungkot, ni hindi ko nga na feel na hindi ako part ng pamilya nila kase sa totoo lang parang anak na ang turing nila sa akin, at ramdam na ramdam ko 'yon.

"Penful, uuwi ka pala ng Pinas?" Binalingan ko ng tingin si Tita Naomi at nginitian ito.

"Opo Tita, nakapagpaalam na ako sa'yo noong nakaraan pa diba? Nakalimutan niyo po ba?" Natatawa kong tanong sa kanya.

Noong magkaedad-edad si Tita Naomi naging makakalimutin na siya sa mga bagay-bagay kailangan mo dapat ulitin para hindi niya na ito makalimutan. Napatampal naman siya sa noo niya at natatawang lumapit sa akin at tinulungan din ako sa pag-iimpake.

"Oo nga pala, gusto mo samahan kita?" Tanong pa nito habang maayos na tinutupi ang damit ko.

"Wag na po Tita, mabilis lang naman ako roon eh, pupuntahan ko lang si Ausvein at kakamustahin ko lang din si Mama," Nakangiting saad ko sa kanya.

Tumango naman ito at hindi nalang nagsalita. At syaka nga pala, bago ko makalimutan sabihin sa'yo, natatandaan niyo pa ba si Mr. Fridie Yanson? Siya lang naman 'yong teacher kong sumira ng kinabukasan ko, ng pangarap ko, pero alam ko rin namang may kasalanan din ako, kung hindi ako nagpauto sa kanya, edi sana noon pa man ay nakapagtapos na ako. Pero okay lang 'yon, at least ngayon ay nakapagtapos na ako sa kursong gusto ko talaga, ang pagdodoctor. Nalaman ko mula kay Tito Philip na hinuli si Sir Yanson ng mga pulis dahil sa ginawa niya sa akin noon at sa ibang mga estudyanteng nabiktima niya rin ngayon, inutusan pala noon ni Ausvein si Tito Philip na ilabas ang lahat ng baho na ginawa ni Sir Yanson para mahuli ito at para mabigyan hustisya ang ginawa nito noon sa akin, wala akong alam dito, nalaman ko nalang noong sinabi na lahat sa akin ni Tito Philip. At may nalaman din ako na nagpaiyak sa akin.

[Flashback]

"Penful, come here to your Tito, siguro panahon na para sabihin ko 'to sa'yo," Saad niya habang tinatanggal ang makapal na fur coat na suot-suot niya.

Umupo naman ako sa tabi niya. "What is it Tito? Good news or bad news?" Natatawa kong tanong sa kanya.

"Don't worry it's a good news,"

"Then what is it? Tell me,"

"Do you still remember noong mga panahong umaalis-alis ka dahil ayaw mong mabawasan ang words niya?" Tumango naman ako dahil sa tanong niya.

Lahat ng nangyari noon ay tandang-tanda ko pa rin ngayon, at sa tingin ko ni kahit isa ay wala akong nakalimutan. Teka ano bang meron?

"Nagusap kami ni Ausvein noong mga panahon na 'yon," 'Yon palang ang sinabi niya pero tumulo na kaagad ang luha ko.

Pinunasan ko ito at nakinig nalang ulit sa kay Tito Philip.

"Nahuli na ng mga pulis si Mr. Yanson dahil hinalukay ko talaga ang lahat ng baho niya noon, pina-imbestigahan ko rin siya sa totoo lang, at dahil 'yon sa utos ni Ausvein. Gusto niya kahit mawala man siya ay mabigyan man lang niya ng hustisya ang ginawa ng gagong 'yon sa'yo, at hindi lang 'yon ang mga sinabi niya, may hinabilin din siya sa amin," Seryosong saad nito.

3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon