Nasa labas kami ng ER ngayon ni Ausvein para alamin kung okay ba ang operasyon. Kinailangan kasi nilang operahan si Tito Harvey dahil may kung anong bagay ang natusok sa tagiliran nito. Napatayo ako ng lumabas si Doc Andrew habang si Ausvein naman ay nanatiling nakaupo. Bagsak ang balikat ni Doc Andrew ng makalapit siya sa amin."Tito? Kumusta po si Papa?" Umiiyak na tanong ni Ausvein.
Hinagod ko ang likod nito dahil hindi na siya tumitigil sa pag-iyak, magsasalita na sana si Doc Andrew ng biglang sumulpot ang umiiyak na si Tita Naomi.
"Andrew, ako na ang magsasabi," Saad ni Tita sa kalagitnaan ng kanyang hikbi.
"Ano po ba ang nangyari? Sabihin niyo naman sa akin oh!" Saad ni Ausvein.
Niyakap ko ito para kahit papaano ay kumalma siya. Sinenyasan ako ni Tita Naomi na sumunod sa kanya kaya ang ginawa ko kumalas muna ako sa pagyakap kay Ausvein at agad na tinulak ang wheelchair na inuupuan nito. Nang makarating kami sa office ni Tita Naomi ni lock niya ito at agad na lumuhod sa harap ni Ausvein.
Umiiyak man ay pinilit niya paring magsalita. "A-Anak.. Ginawa n-na nila ang lahat lahat.. Pero hindi na n-n-nakayanan pa ng P-Papa mo.." Saad ni Tita Naomi saka isinandal ang ulo sa mga hita ni Ausvein.
Tinakpan ko ang bibig ko para sana pigilan ang paghikbi pero nabigo ako. Tiningan ko si Ausvein na nakakunot ang noo pero ang mga mata niya ay walang tigil pa rin sa pag-agos ng luha rito.
"M-Ma? Ano bang i-ibig m-mong sabihin?" Tanong niya rito.
Tumingin sa kanya si Tita Naomi sabay sabing, "W-Wala na ang Papa m-mo Ausvein.." Nahihirapang saad niya dahil sa kakaiyak. "H-Hindi niya nakayanan a-ang operasyon.. M-Masyadong maraming d-dugo ang nawala s-sa Papa mo, Ausvein.."
"ANO?! HINDI! HINDI TOTOO 'YAN! MAAA! SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI PA PATAY SI PAPA! SABIHIN MO MA! PLEASEEEE!" Sigaw ni Ausvein saka pinagsusuntok ang ulo niya.
"A-Ausvein.. Tigilan mo 'yan.." Umiiyak na sabi ko bago niyakap ang ulo niya para hindi na niya ito masuntok.
Mahigpit ko siyang niyakap dahil nagwawala na siya samantalang si Tita Naomi naman ay niyakap ang mga binti nito.
"M-Ma.. Hindi pa naman patay si Papa diba?.. Sabihin mo naman oh! Baka nagkamali lang sila.. Baka buhay pa talaga ang Papa ko.."
"W-Wala na tayong m-magagawa pa.. Tanggapin n-nalang natin na wala na s-siya.." Saad ni Tita Naomi.
Nagulat ako ng makakalas si Ausvein mula sa pagkakayakap namin. Nanginginig ang katawan nito habang nakatayo. Wala akong nagawa kundi ang dahan-dahang mapaupo dahil sobrang nanghihina na talaga ang mga tuhod ko. Napapikit ako ng marinig ang sigaw ni Ausvein.
"AKALA MO BA GANOON LANG KADALI NA TANGGAPIN AH? ANG HIRAP MA! SOBRANG HIRAP!!" Sigaw ni Ausvein saka dinuro-duro pa si Tita Naomi.
Nanghihinang tumayo si Tita Naomi mula sa pagkakaluhod. "OO MAHIRAP! PERO HINDI LANG IKAW ANG NAWALAN! NAWALAN DIN AKO AUSVEIN! Nawalan ka lang ng Ama, samantalang ako.. Nawalan ng Asawa na makakasangga ko sa kahit anong oras.." Nang matapos niyang sabihin 'yon ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa sahig.
Mabilis akong tumayo at agad na lumapit kay Tita Naomi na bakas ang panghihina sa buong katawan nito. Niyakap ko ito habang patuloy pa rin siya pag-iyak. Titingala na sana ako para tingnan si Ausvein ng maramdaman kong may yumakap sa likuran ko. Nakayakap ako kay Tita Naomi habang yakap yakap naman ako ni Ausvein.
"P-Penful.. Wala na si Papa.. A-anong gagawin ko?" Rinig kong saad niya.
Napaiyak ako dahil sa mga oras na 'to ay hindi ko alam ang isasagot ko. Sa araw na ito dalawang tao ang nawala. Dalawang tao na naging parte na rin ng buhay ko. Dalawang taong minahal ko na rin kahit papaano.
BINABASA MO ANG
3000 Words From You
Teen FictionPenful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who have Stage 4 Prostate Cancer. Ngunit sa kabila ng sakit nito pinaramdam ni Ausvein sa kanya ang mga bag...