Chapter 11

193 62 2
                                    



"Ausvein, ako na nga dyan," Saad ko saka lumapit sa kanya.

Kinuha ko ang kulay puting damit na hawak-hawak niya at ako na mismo ang nagpasuot nito sa kanya dahil nahihirapan siya. Nang masuot ko na ito sa kanya kinuha ko ang suklay na nakapatong sa mesa malapit sa akin at sinuklay na rin ang gulong-gulo niyang buhok.

"Penful," Saad niya sa kalagitnaan ng pagsusuklay ko sa kanya.

"Hmmmm?"

"Kapag ba nailibing na si Papa andyan ka pa rin sa tabi ko?" Rinig kong sabi niya.

Tumigil na ako sa kakasuklay sa kanya at ipinatong na ulit ang suklay sa mesa. Lumapit ako rito para makita ko siya ng harap-harapan.

"Kailan ba ako nawala sa tabi mo?" Nakangiting tanong ko.

"Oo nga naman, pero Penful. Natatakot ako," Malungkot na saad niya.

Natatakot siya? Saan? At bakit siya natatakot? Pero kung ako ang tatanungin, takot din ako. Takot na takot na akong mawalan na naman ng mahal sa buhay, tama na 'yong si Papa ko at Papa ni Ausvein at pati si Francis ang nawala, wag na sanang madagdagan pa. Kasi hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko pag may nawala na naman, sana hindi mawala si Ausvein sa akin. Sana!

"Natatakot? Saan?" Tanong ko rito.

Bumuntong hininga naman ito. "Natatakot ako na baka isang araw, ako naman ang mawala, na ako naman ang kunin ni God," Maluha-luha niyang sabi.

Lumapit ako rito at niyakap siya. Umiiyak na rin ako ngayon pero agad ko rin namang pinunasan, hindi ako dapat maging mahina sa oras na 'to, pero paano ko magagawang lumakas kung ang taong pinagkukunan ko ng lakas ay ngayon ay hinang-hina? Kung mawawala si Ausvein, dapat tanggap ko na 'yon eh! Pero hindi ko magawang tanggapin kasi ang hirap, sobrang hirap! Si Ausvein ay parang ginto, 'yong hinukay ko ng hinukay, 'yong pinagpuyatan ko buong araw, at nung natagpuan ko na, sobrang saya ko, pero agad na napawi 'yon kase kailangan na ibigay 'yon sa mas nakakataas. Pero paano ko magagawang ibigay ng ganun ganun ang ginto sa kanila? Diba ang hirap? 'Yong ikaw 'yong nagpakahirap pero iba ang nakinabang.

"Hindi ka mawawala, ano ka ba!" Saad ko saka iniwas ang paningin ko para punasan ang luha ko bago nakangiting tumingin ulit dito.

Magsasalita pa sana 'to ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Tita Naomi. Nakasuot siya ng white sheath dress at naka black shades pa siya. Siguro kung hindi namatay si Tito Harvey at hindi ngayon 'yong libing niya, iisipin ko talagang may pupuntahan si Tita Naomi dahil sa suot niya. Para siyang isang diwata dahil sa sobrang ganda niya.

"We need to go now," Seryosong saad ni Tita Naomi.

Saka nga pala, dalawang araw na simula ng mamatay si Tito Harvey at ngayon ang araw nang libing niya, ayaw kase ni Tita Naomi na patagalin pa kase may trabaho pa sila ni Tito Philip at Doc Andrew sa Hospital. Kay Francis naman bukas pa, at pupunta rin kaming lahat doon para makiramay. Saka nakauwi na rin ang mga Lola at Lolo ni Ausvein ang kaso lang hindi na naganap ang dinner. Dito rin kami nanatili sa bahay nila Ausvein ng dalawang araw, at sa dalawang araw na 'yon, lahat ng kasama ko sa bahay parang mga lantang gulay, walang kabuhay buhay.

"Susunod po kami Tita Naomi," Nakangiting saad ko at tinanguan lang ako ni Tita Naomi bago umalis.

Saka nga pala, simula noong namatay si Tito Harvey hindi na pala ngiti si Tita Naomi, palagi na siyang seryoso, pero mabuti nalang at hindi mainitin ang ulo. Namimiss ko na nga 'yong dating si Tita Naomi eh, kailan pa kaya siya babalik sa pagiging masiyahin? Alam kong higit sa aming lahat, siya ang mas lalong nasaktan, siya ang pinaka mas apektado. Naalala ko tuloy si Mama noong namatay si Papa, ganitong ganito rin siya eh, kaso lang naging mainitin ang ulo niya, maliit na pagkakamali lang grabe na siya kung magalit.

3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon