Chapter 6

241 71 1
                                    


Kinabukasan, maaga akong nagising para puntahan si Tita Naomi sa office niya para tanungin ang tungkol sa Papa ni Ausvein. Alam kong wala ako sa lugar para magtanong pero masyado talaga akong nacucurious eh. Saka kagabi noong sinabi ni Ausvein sa akin ang tungkol sa Papa niya, hindi na siya tumigil sa pag-iyak kailangan ko pa tuloy magpakatanga para lang mapatawa ko siya. Bakit kaya hindi niya alam kung nasaan Papa niya? May rason kaya kung bakit hindi sinabi ni Tita Naomi sa kanya?


"Pasok," Saad ng nasa loob.


Pinihit ko ang doorknob at bumungad sa akin si Tita Naomi na nakaupo sa swivel chair at may hawak-hawak na mga papel. Parte ata 'yon ng trabaho niya kase tutok na tutok talaga siya dun hindi niya pa nga sana ako mapapansin kung hindi ako nag 'Good Morning' sa kanya eh.


"Good Morning din, ikaw pala Penful, upo ka," Saad niya saka ibinalik ulit ang tingin doon sa mga papel.


Tatanungin ko kaya? Mukhang busy siya ngayon eh, bukas nalang kaya? Kaso baka maging mas busy pa siya eh, nga—


Naputol iyong pag-iisip ko ng magsalita si Tita Naomi dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Penful, may sasabihin ka ba? Sabihin mo lang, makikinig ako," Nakangiting saad niya.


Sasabihin ko na ba? Bahala na!


"Ahmmm... Tatanong ko lang po sana 'yong tungkol sa Papa ni Ausvein. Kung okay lang po?" Parang natatae na 'yong mukha ko dahil sa kaba, paano kapag nagalit siya? Wag naman sana.


"Ano ba ang tungkol sa Papa niya? Magtanong ka at sasagutin ko," Saad niya.


Hala! Ang bait, buti nalang talaga hindi siya nagalit. Maitanong nga lahat sa kanya.


"Kagabi po kasi Tita Naomi napag-usapan namin ni Ausvein 'yong Papa niya, tapos sabi pa niya asan na raw 'yong Papa niya kasi wala siyang alam, bakit hindi niya po alam Tita Naomi?" Diretsahang tanong ko.

Napatigil naman ito sa ginagawa at seryosong humarap sa akin. Hala, mali ata 'yong pagkakasabi ko? Wag ka namang magseryoso dyan Tita! Nagtatanong lang naman po ako eh. Kinakabahan tuloy ako.


"Sa Canada nagtatrabaho 'yong Papa niya, Penful. Hindi naman sa ayaw kong sabihin sa kanya kung asan 'yong Papa niya ang kaso siya kasi ang ayaw makinig dati eh, ewan ko nga ba at nakalimutan na niya 'yon ngayon," Nagtatakang saad ni Tita Naomi.


Tingnan mo! Siya lang din naman pala ang ayaw makinig sa sasabihin ng Mama niya eh, pero bakit kaya ayaw niya? Galit ba siya noong mga panahon 'yon? Nakakacurious naman.


"Saka alam niyo po ba Tita Naomi, umiyak po kagabi si Ausvein dahil sabi niya na mimiss niya na raw 'yong daddy niya," Dagdag ko pa.


Ngumiti naman ito. Kanina lang seryoso tapos ngayon nakangiti? Baka may saltik na sa utak itong si Tita Naomi ah, biro lang.


"May sasabihin ako sa'yo Penful," Mahinang sabi niya.


Ano kaya 'yon? Bakit kailangan niya pang hinaan 'yong boses niya eh kami lang naman ang tao dito. Siguro may pasabog siyang sasabihin.


"Ano po 'yon Tita Naomi?" Kinakabahan kong tanong.

Sana naman maganda 'yong sasabihin niya, sawa na ako sa puros pasakit na naririnig eh.


"Uuwi na 'yong Tito Harvey mo bukas, pero wag mong sasabihin 'yon kay Ausvein ah, sikreto lang dapat natin 'yon," Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

Seryoso? Ede makikita ko na 'yong daddy ni Ausvein na si.. Ano nga ulit 'yong pangalan niya? Haymie ba 'yon? O baka naman Henry? Ay basta ewan. Excited na ako bukas! Ano kaya magiging reaction ni Ausvein kapag nakita na niya 'yong Papa niya? Maiiyak kaya siya dahil sa tuwa? Kailangan bukas maaga pa akong magising para tumulong sa pagsurprise kay Ausvein. Pero wait— may surprise party bang magaganap bukas?


3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon