Tita Naomi POVTiningnan ko siya ng seryoso habang nakatingin din sa akin ng masama dahil siguro sa pagsampal ko sa kanya. Well, hindi naman ako nagsisising ginawa ko 'yon, matagal na akong nagtitimpi sa kanya dahil sa lahat ng ginaga niya kay Penful at ngayon kung saan ililibing ang Asawa ko ay babastusin pa niya ako? Walang galang! Tumayo siya at bigla nalang nagsigawan ang mga tao ng may inilabas na patalim ito dahilan para mas lalo siyang matuwa.
"Yes! Gusto ko 'yan! I want your attention!" Parang baliw na saad nito habang nakatingin pa sa taas na wari mo'y naglalanghap ng hangin.
"Ate, hindi na ba kita mapipigilan?" Bulong sa akin ni Philip.
"Hindi na, gusto ko ng turuan 'to ng leksyon," Saad ko rito habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa Mama ni Penful.
Hindi ko alam kung baliw ito, o nag babaliw-baliwan lang. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit ang layo-layo ng ugali ni Penful sa kanya. Tiningnan ko sila Ausvein at mabuti nalang ay malayo layo sila sa kinaroroonan ko. Napabalik ang tingin ko sa Mama ni Penful ng magsalita ito.
"Dito ba tayo mag-aaway? Kasi kung ako tatanungin mo, okay lang naman, mas marami, mas masaya!" Saad nito saka tumawa na naman.
Habang tumatawa siya pinapaikot-ikot niya ang patalim sa daliri niya na wala man lang kahirap-hirap. Paano kaya siya nakapasok na may dalang ganito? Pero bahala na, gusto ko na ring matapos ito para masimulan na namin ang seremonya. Nang tumigil na ito sa kakatawa mabilis akong umilag ng hinagisan niya ako ng upuan at napaliyad ako para iwasan ang kutsilyong tatama sana sa balikat ko. Nang maiwasan ko ito mabilis kong hinawakan ang braso niya at pumaikot ako dahilan para mapasigaw siya at dahilan para mabitawan niya ang kutsilyong hawak-hawak, at ng mapaluhod ko siya ay pinatong ko naman ang isang tuhod ko sa likod niya habang hawak-hawak pa rin ang braso niya.
"Ang galing mo sa pakikipagchukchakan, pero sa ganitong larangan ng sports, mahina ka," Mahinang saad ko sapat lang para marinig niya.
Nang makita kong may pinulot siya gamit ang isang kamay niya ay mabilis ko itong pinalo dahilan para magsilabasan ang hawak niyang damo na may kunting buhangin pa at inapakan.
"Paano ba 'yan, wala ka ng kawala? Ano? Ganito ka nalang ba? Ni hindi man lang nadumihan ang damit ko," Saad ko bago pahagis na binitiwan ang braso niya at tumayo na at nakakailang hakbang palang ako ng marinig kong sumigaw si Ausvein at wala sa sariling napangisi ako at ng humarap ulit ako rito ay mabilis ko siyang kwinelyuhan at sinuntok sa mukha tamang-tama lang para mahimatay siya.
"Kayo na bahala rito," Saad ko sa mga kinuha kong bodyguards at agad naman silang kumilos.
Akala ko mapapagod ako ng sobra, akala ko lang pala. Masasabi kong basagulera akong bata dati, hindi pumapasok sa school, barkada lang lagi ang kasama, at akala ko nga hanggang doon nalang iikot 'yong mundo ko, mali pala ako. Palagi akong pinapagalitan nila Mama at Papa dahil sa pagbubulakboy ko. Akala nga rin nila wala na akong pag-asang magbago, actually 'yon din ang akala ko eh, pero nagbago lahat ng 'yon ng makilala ko si Harvey ang Papa ni Ausvein.
[Flashback]
"Hindi ka na naman ba papasok?" Mariin akong napapikit dahil sa inis ng may biglang humawak sa kamay ko.
"Bitaw," Isang salita lang, at mabuti naman ay naintindihan niya ang sinabi ko.
"Naomi, pumasok ka na, baka mapaano ka pa dahil sa ginagawa mo, sige ka, kapag nabugbog ka, papanget ka n'yan," Saad pa niya.
BINABASA MO ANG
3000 Words From You
Teen FictionPenful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who have Stage 4 Prostate Cancer. Ngunit sa kabila ng sakit nito pinaramdam ni Ausvein sa kanya ang mga bag...