Chapter 9

220 65 2
                                    



June 15, 2020 ito ang araw na nagsisimula na siyang manghina, hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito, eh ang alam ko umiinom narin naman siya ng gamot at tinitingnan din siya araw-araw ni Tita Naomi para sa check up niya ata. Si Tita Naomi ang naghahandle sa kanya kase ayaw ni Tita na sa ibang Doctor siya. Urologist kase si Tita Naomi. Noong isang araw nga naka gamit pa siya ng 113 words at okay naman siya pero bakit ngayon ay nanghihina na siya? Ni hindi na siya gaano makatayo dahil sumasakit daw 'yong likod niya at pati narin 'yong beywang niya.

"P-Penful pakiabot nga 'yan," Saad niya sabay turo ng mansanas na nasa harapan ko.

Kinuha ko naman ito at agad na ibinigay sa kanya. Habang nanunuod ako ng TV napatingin ako sa gawi niya ng makita siyang hirap na hirap kung tumayo kaya mabilis akong tumayo at agad na inalalayan siya.


"Ano ka ba Penful, h-hindi na ako bata 'nu! Kaya k-kong tumayo," Saad niya at mahina akong tinulak.

"Hindi mo kaya Ausvein! Ano ka ba!" Saad ko at inalalayan siya ulit dahil muntik na siyang matumba.

Hindi niya nalang ako pinansin at napalunok ako ng malaman ko kung saan siya pupunta, nasa tapat kami ngayon ng CR at tiningnan niya ako ng seryoso.

"D-Dito ka nalang Penful, mabilis l-lang naman a-ako," Nauutal na saad niya.

Pero imbes na iwan siya doon at maghintay nalang ay ako na mismo ang nagpapasok sa kanya sa loob at tumalikod nalang ako para hindi awkward.

"Bilisan mo na! Hindi ako titingin promise!" Saad ko habang nakatalikod parin at ang isang kamay ko ay nakahawak sa balikat niya para alalayan parin siya.

"S-Sure ka?" Rinig kong tanong niya.

"Oo nga! Bilisan mo na kase!" Saad ko at napapikit nalang ng marinig kong may pumapatak.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng maramdamang nanginig 'yong katawan niya. Nakapikit pa rin ako ng marinig ko siyang magsalita.


"T-Tapos na ako Penful, s-sorry," Saad niya. Haharap sana ako dito ng pinigilan niya ako.

"Penful wag! Baka mandiri ka," Nahihiyang saad niya.

Pero imbes na pakinggan 'yong sinabi niya ay humarap pa rin ako at sa ikalawang pagkakataon ay may nakita na naman akong dugo sa loob ng inidoro.

"Sabi ng wag kang humarap eh," Saad niya at tumalikod pa sa akin. Nahiya siguro.

"Nakita ko na 'yan, halika na," Saad ko at binuhusan ko ng maraming tubig ang inidoro para mawala ang dugo rito.

Nang makahiga na siya babalik na sana ulit ako sa inuupuan ko kanina ng hinawakan niya ang palapulsuhan ko at senenyasan na dito nalang maupo sa tabi niya. Nginitian ko siya at ng makaupo na ako bigla niyang inangat ang ulo niya at inihiga sa mga hita ko.

"P-Penful, I want your attention," Seryosong saad niya habang nakatingin sa mga mata ko.

He wants my attention? Wag niyang sabihin na pati sa panonood ko ng TV ay pinagseselosan niya pa? HAHAHA! Nakakatawa! But it's okay if only my attention can make him calm I'm willing na ibigay 'to sa kanya. Hindi ko 'to ipagdadamot dahil kahit kailan hindi niya rin ako pinagdamutan.

3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon