Special Chapter

439 71 14
                                    


Ausvein POV

"Anak, may susunduin lang ako, dito ka lang muna ha?" Tumango naman ako bilang pagsagot sa kay Papa.

Nang makaalis ito tiningnan ko si Penful na ginawang unan ang hita ko, tulog pa ito kaya ang ginawa ko para magising siya ay kiniliti ko siya sa tagiliran niya dahilan para mabilis siyang mapaupo.

"Ausvein, anu HAHAHAH ba! Tama HAHAHAH na kasi HAHAHAH!" Tumatawang saad nito, patuloy ko pa rin kase siyang kinikiliti.

Nandito kami ngayon sa isang napakagandang paraiso, malayo sa mga taong mapanghusga, mapang-api, mapang-abuso, mapanakit at manloloko. Isa itong paraiso na sa gana sa mga prutas, at kahit saan ka tumingin ay puros puno at mga damo lang ang makikita mo, ang lugar na ito ay malayong-malayo sa lugar ng mga tao. Hindi mo kailangan ng electric fan dito dahil 'yong ihip palang ng hangin ay napakasarap na sa pakiramdam, wala rin kaming kahit anong appliances dito dahil hindi naman namin 'yon kailangan, kumbaga kaming mga nilalang na nandito sa napakagandang paraiso ay hindi na nakakaramdam pa ng gutom, uhaw, sakit, at hindi rin kami naliligo dahil hindi naman kami bumabaho.

"Ausvein tingnan mo kung sino ang dumating oh!" Saad ni Penful sabay turo sa bukana ng paraiso at ng makita ko kung sino ang hawak-hawak ni Papa ay mabilis akong tumayo ay patakbong lumapit sa kanila.

"Mama! Namiss po kita," Umiiyak na saad ko habang yakap-yakap si Mama.

Hinagod naman niya ang likod ko. "Ako rin, namiss ka rin ng Mama," Saad nito at naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa ulo ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko nalang ang kamay niya para alalayan siya paupo, ng makita nito si Penful ay natuwa rin ito, magkayakap sila habang nag-iiyakan pa. Nang matapos sila, tinanong ko na si Mama.

"Ma, anong naging dahilan ng pagkamatay mo?" Tanong ko rito.

Nginitian naman ako nito bago sumagot. "Sumabog ang eroplanong sinasakyan ko papuntang Pilipinas, at doon ko na nakita ang Papa mo,"

Tumabi si Papa sa kanya at nakatingin lang kami ni Penful sa kanila kung paano yakapin ni Papa si Mama, halatang hanggang ngayon ay mahal niya pa rin ito, at mukhang hindi 'yon nawala kahit ilang taon siyang naghintay. Nagpaalam lang ako sa kanila na may pupuntahan muna kami ni Penful at pumayag naman sila, pinagpaalam ko lang din si Penful sa Papa niya, oo nandito rin ang Papa niya ang kaso wala naman dito ang Mama niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong nito sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinagsiklop ko ang mga daliri namin. "Sa lugar nating dalawa," Saad ko at inangat ko ang kamay naming magkahawak sa isa't-isa at hinalikan ko ang kamay niya habang nakatingin pa sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kanya, sobrang ganda niya, hindi man lang nawala ang gandang meron siya, mula noon hanggang ngayon, siya pa rin talaga, siya lang talaga ang tinitibok ng puso ko. Nang makarating kami sa aming pupuntahan ay bakas ang saya sa mukha ni Penful, inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa akin at tumatawang tumatakbo habang nililipad pa ng hangin ang mahaba niyang buhok.

Tumigil ito sa pagtakbo at natawa ako ng marinig ang sinigaw niya. "HABULIN MO AKO AUSVEIN!" Sigaw pa nito at tumakbo na naman ulit.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya, ng makita niya akong papalapit sa kanya ay mas binilisan niya pa ang takbo at muntik na siya sanang madulas at mabuti nalang ay nahawakan ko kaagad siya, binuhat ko ito at pumaikot-ikot kami, tawa lang ito ng tawa habang nakapulopot ang braso niya sa leeg ko, ng tumigil ako kakaikot binaba ko siya ng dahan-dahan at hindi man lang naalis ang paningin namin sa isa't isa. Nakatingin lang ako sa mata niya at ganun din siya sa akin.

"Mahal kita," Nakangiting saad ko.

Patuloy pa rin ang pag-ihip ng malakas na hangin dahilan para matakpan ang mukha niya ng kanyang mahabang buhok, inalis ko ang buhok na nakasagabal sa mukha niya at inipit ko 'yon sa gilid ng tainga niya, napangiti ako ng nginitian niya ako.

"Mahal din kita," Saad niya sa akin.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya para hindi niya makita ang mukha kong hindi na matigil-tigil sa kakangiti, nakangiting napapikit ako ng hinawakan niya ang baba ko at pinaharap ito sa kanya.

"Ausvein, mahal kita," Ulit pa nito dahilan para mas lalo akong mapangiti ng sobrang lapad.

Narinig ko pang tumawa siya dahilan para imulat ko ang mata ko.

"Wag mo nga akong pagtawanan, kapag tumawa ka pa, hahalikan kita," Seryosong saad ko at napangiti ako ng mas nilakasan pa niya ang pagtawa, gusto ata niya ng halik.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at mas lalo akong napangiti ng makitang dahan-dahan niyang ipinikit ang mata, at kasabay ng pagkanta ng ibon sa himpapawid, kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin, ito kaming dalawa nakalapat ang labi sa isa't isa. Nang maghiwalay ang labi namin ay nagulat ako ng hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko at hinalikan ulit ako sa labi.

"I love you Ausvein," Nakangiting saad niya ng pinaghiwalay na niya ang mga labi namin.

Ako naman ang humalik ulit sa kanya. "Mas mahal kita Penful,"

Umupo kami sa damuhan habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko at pinatong ko naman ang ulo ko sa ulo niya. Nakatingin lang kami sa mga paru-parong nagsisidapuan sa mga naglalakihang bulaklak, napakasarap ng ganito, napakasarap mamuhay kasama ang taong mahal mo. Hinawakan ko ang kamay niya, at tiningnan ko siya ng mabuti. Mahabang pilikmata, bilogan na mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at ang mapupula niyang labi na kinasasabikan ko lagi-lagi. Sabi ko na nga ba, magkikita rin kami, at ang saya lang sa pakiramdam na kapiling mo ang taong mahal mo, hawak-hawak mo at ramdam na ramdam mo ang presinsya, wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama lang siya ng walang hanggan.

Ibinaling niya ang tingin sa akin. "Ang gwapo mo pa rin talaga Ausvein," Nakangiting saad niya sa akin.

Natawa naman ako dahil doon. "Ikaw rin, maganda ka pa rin,"

Inilapit nito ang sarili sa akin at mahigpit akong niyakap habang nakatingin sa mga paru-paro. "Ang sarap sa pakiramdam na yakap-yakap na kita ngayon," Saad pa niya,

Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan ko pa ang noo niya. "Oo nga, ang sarap sa pakiramdam," Saad ko.

"Kahit kailan hindi ako magsasawa na sabihin sa'yo na mahal kita, mahal kita Ausvein, mahal na mahal," Pinunasan ko ang luha ko dahil kusang pumatak nalang ito sa pisngi ko.

Grabe ang nadudulot ng kasiyahan sa isang taong umiibig, hindi mo alam na napapaiyak ka na pala dahil sa tuwa, saya na nararamdaman mo. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

"Mahal din kita, sobra sobra, sagad kung sagad."

Kung mabubuhay man kami ulit, hahanapin at hahanapin ko siya, hindi ako magsasawang hanapin siya, alam niyo kung bakit? Kase siya si Penful Aqua, ang babaeng minahal ko ng sobra sobra.

3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon