Chapter 2

412 81 3
                                    



Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at puno ng pagtatakang napatingin sa isang babaeng Doctor na may tinitingnan pa na kung ano sa Monitor. Hindi pa ata niya ako mapapansin kung hindi siya tumingin sa gawi ko. Nagulat ito pero kalaunan ay ngumiti rin sa akin.


"Mabuti naman at gising kana," Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Ano raw? Gaano naba ako katagal na nakatulog ah? Tsaka asan na ba ako? Tiningnan ko ang nasa paligid ko at tanging kulay puti lang ng dingding ang makikita ko pati narin iyong monitor at kung ano-ano pa dahil hindi ko na alam kung anong tawag sa mga gamit na 'to.


Nang mapansin niya na nagtataka ako ay nagsalita ulit ito. " Na coma ka for almost 3 months at nakakapagtaka lang na kahit isa ay wala man lang bumisita sa'yo rito, may i know if you still have parents? Or any relatives?" Umiling ako sa tanong niya.


Ako? Na coma? Paano? Pinikit ko iyong mata ko para alalahanin kung ano ang nangyari sa akin dahilan para humantong ako sa ganitong sitwasyon. May naaalala ako sa ngayon na nasagasaan ako ng isang kotse pero bukod pa roon ay wala na akong maalala pa. Tsaka almost 3 months na raw akong na coma? Grabe! Minulat ko ang mata ko at nang makitang nasa harapan ko parin iyong Doctor ay tatanungin ko sana ito ng may parang kung ano ang nakatakip sa aking ilong pababa sa bibig, sa tingin ko oxygen mask ata ang tawag dito. Tatanggalin ko sana ito ng pinigilan ako ng Doctor.


"Okay na ba ang paghinga mo?" Tumango nalang ako bilang sagot at may kung ano pa siyang ginawa bago ito tanggalin. Tinanong niya pa ako ng kung ano-ano tungol sa kalagayan ko at ng masiguro niyang okay na okay na ako ay pinayagan niya na rin akong tumayo dahil namamanhid na ang mga binti ko. Syempre! Ikaw ba naman humiga lang ng humiga at walang ginagawa sa loob ng 3 buwan tingan lang natin kung hindi mamanhid iyang paa mo.


Tinanggal ko ang nakadikit na kung anong tawag man dito sa aking palapulsuhan at napagdesisyonan na lumabas ng kwarto at magikot-ikot sa buong sulok ng Hospital. Bawat tao na nakikita ko ay may kanya-kanyang ginagawa, iyong iba pa nga nagmamadaling tumakbo habang may tinutulak na Gurney ba ang tawag doon? Basta iyong may nakahigang pasyente tapos tinutulak iyon ng apat na nurse. Tapos iyong iba naman kung hindi Nurse or Doctor ay kapamilya ata ng mga pasyenteng nasagasaan, nabaril at kung ano pa na naghihintay lang sa labas ng ER. Patuloy lang ako sa pag-iikot  ng mapadpad ako sa isang kwarto na sobrang tahimik, nakabukas ng konti iyong pintuan at sa tingin ko ay siya iyong naiiba sa lahat dahil siya lang ang may kulay asul na dingding at may kung ano-ano pang nakadikit dito. Ewan ko ba kung bakit parang gusto ko ring pumasok sa loob para tingnan kung sino man ang taong ito, pero papasok palang sana ako ng may marinig akong nagsalita mula sa likuran ko.


"Yes po Miss? Kaano-ano niyo po iyong pasyente dyan?" Ngumiti ako ng pilit sa kanya ng makaharap ako.


"Ah wala, pasyente rin kasi ako rito at akala ko ito iyong kwarto ko, pero mukhang mali pala hihi," Ngumiti lang din ito sa akin at sinamahan nalang ako papunta sa kwarto.


Nakangusong napaupo ako sa Hospital Bed at nag-iisip kung sino ba ang taong iyon, nang mapagod ako kakaisip ay napagdesisyonan ko nalang na humiga at habang nakatingin ako sa kisame ay bumalik lahat ang mga nangyari sa akin simula sa kung paano ako saktan ni mama, kung paano ako nakick-out sa school, kung paano ako hinusgahan ng mga tao dahil lang sa maling nagawa ko, at ang pagtakbo ko ng mabilis dahil lang sa gusto kong makatakas at iyon na nga ang naging sanhi ng lahat ng ito. Para akong timang na umiiyak habang nakahiga, sana hindi ko nalang naalala lahat ng iyon, para hindi nako makaramdam ng sakit sa ngayon. Agad kong pinunasan ang luha ko ng pumasok ang Doctor na tumingin sa kalagayan ko kanina.


"Are you okay? Why are you crying? May naalala kanaba sa lahat ng nangyari sa'yo?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya. Tumango ako bilang sagot at umupo nalang para makausap ko siya ng seryoso.


3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon