Chapter 3

390 82 4
                                    



Ilang araw narin simula noong naging magkaibigan kami ni Ausvein at sa mga araw na iyon ay sobrang saya ko. Naging mas malapit pa kami sa isa't isa at sa katunayan nga ay mas natuwa pa si Tita Naomi dahil sa muli ay nakita niya narin ang dating sigla ni Ausvein. Buong araw ay nasa loob lang kami ng kwartong ito at hindi naman ako nalulungkot dahil doon, paminsan-minsan ay nilalabas ko rin siya gamit ang wheelchair para kahit papaano ay may matanaw naman siyang kakaiba.


"Penful, thank you," Naguguluhang napatingin ako sa kanya.


Nasa garden kasi kami ngayon sa loob ng Hospital at nakatanaw lang sa mga puno, ninanamnam ang bawat pag-ihip ng hangin. Napagpasyahan kasi naming lumabas ngayon dahil naiinip na raw siya sa loob, kaya pumunta kami rito, hindi naman kasi kami pwedeng lumabas ng Hospital eh.


"Thank you? Para saan?" Nakakunot noo pang tanong ko sa kanya.


Minsan hindi ko rin siya maintindihan, pero hindi naman iyon rason para sumuko ako sa kanya, para sumuko ako sa pagbabantay at sa misyon kong gumaling siya. Parang katulad lang din ng love, hindi porket hindi na kayo nagkakaintindihan ay magiging rason na'yon para iwanan niyo ang isa't isa, mas mabuting pag-usapan niyo keysa ang piliing tumakbo.


Tumingin ulit ako sa kanya ng magsalita siya. "Thank you kasi dumating ka, thank you for being there for me always, at sana hindi ka mawala kasi ikaw lang iyong lakas ko, ikaw lang iyong babaeng nakapagpabago sa madilim kong mundo," Naluluhang niyakap ko siya dahil sa sinabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping espesyal ako para sa kanya, pero kahit ano pa iyon, espesyal man o hindi ang mahalaga ay nakasama ko siya.


Napagdesisyonan naming bumalik nasa loob dahil mukhang uulan yata dahil makulimlim ang langit, at saktong-sakto namang pagpasok namin sa kwarto ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Pinahiga ko siya sa kama niya para makapagpahinga na sana siya pero bumangon ulit ito at nakaupong humarap sa akin.


"Pen, gusto kong makarinig ng mga salitang may matututunan ako mula sa'yo bago ako matulog," Tumikhim muna ako bago nagsalita.


"Isipin mo nalang na iyong ulan ay parang luha rin ng isang tao, bumubuhos man ito ng ilang beses ay tumitigil naman ito pero bumabalik din sa susunod na araw, buwan o taon, kumbaga iyong luha natin ay ganoon din, umiiyak man tayo pero hindi naman iyon panghabang buhay, pansamantalang iyak lang iyon para mailabas kahit papaano ang sakit na ating nararamdaman, kasi mas mabuting ibuhos ang luha keysa ang pigilan ito hanggang sa hindi mo na alam na sumabog kana, parang katulad ng kidlat ganoon. Pero kahit ano man ang mangyari asahan mong pagkatapos ng ulan ay may sisikat ding araw tanda ng nalagpasan muna ang pagsubok na ibinigay sa'yo," Nakangiti kong saad sa kanya.


Hindi ko alam kung tama ba iyong mga pinagsasabi ko, kusang lumabas lang naman iyon sa bibig ko eh. Napabaling ako sa kanya ng magtanong na naman ulit ito. Itong lalaking 'to mahilig magtanong.


Nakapangalumbaba pa ito bago nagtanong. "Pero papaano naman iyong mga taong gustong ilabas ang sakit, pero wala namang gustong makinig?" Umayos ako sa pagkakaupo ko at tumitig sa mata niya bago sinagot ang tanong.


"May nakikinig naman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay pamilya, kaibigan, o kaklase lang ang mapagsasabihan mo ng problema, hindi mo rin kailangan sarilihin iyong problema mo, bakit hindi mo sabihin lahat sa kanya?" Saad ko sabay turo sa taas. "Wala mang gustong makinig sa mga hinanaing mo, pero siya? Willing na willing siyang pakinggan lahat ng sasabihin mo," Nakangiting saad ko sa kanya.


Iyong mga tao kasi sa ngayon hindi ko naman nilalahat pero 'yong iba hindi sanay kapag walang kaibigan na sinasabihan, pambihira narin kasi sa ngayon iyong mga anak na nagsasabi ng problema sa kanilang magulang kaya palaging sa kaibigan nila ito sinasabi, pero kadalasan naman sinasarili nila ito not knowing na may handang makinig naman sa kanila. Hindi naman kasi kailangang tao talaga ang pagsabihan niyo, bakit hindi niyo kausapin iyong naglikha sa mga tao?



3000 Words From YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon