Pagod na pagod akong bumangon dahil sa daming project na ginawa ko kagabi. Lumabas ako ng kwarto ko at nagtungo sa kusina namin para kumuha ng pinggan, nang makakuha ako uupo na sana ako para kumain na dahil pupunta pa ako sa lintek na paaralan namin ng mapahawak ako sa ulo ko dahil may bumato sa akin ng kung ano."Lintek na bata ka! Gabi ka na nga umuwi dahil naglakwatsa kapa tapos ngayon kakain ka nalang dyan?! Wala ka talagang kwentang bata kahit kailan! Palamunin kalang ditong putangina ka!" Sigaw nito sabay sabunot sa mahabang buhok ko.
Hindi ako gumalaw. Hindi ako nagalit. Hinayaan ko lang na ganunin ako ng mama ko sa kabila ng lahat ng pagpupursige ko makatapos lang sa pag-aaral, pero mukhang hindi yata 'yon nakikita ni mama.
"Ma, tama na po, nasasaktan na po ako," Saad ko ng hindi ko na kaya pang pigilan pa.
Pinili kong manahimik para hindi na siya lalong magalit, pero kasi sobra na talaga iyong pananakit na ginagawa niya. Anak niya parin naman ako kahit papaano kaya sana maisip niya rin iyon, sana maisip niya ring nasasaktan ako.
"Dapat lang 'yan sa'yo para magtino kang hayop ka! Puros pasakit nalang sa ulo binibigay mo sa akin! Alam mo, sana talaga ipinalaglag nalang kita ng nasa sinapupunan palang kita para hindi nagkanday litse-litse ang buhay ko!"
"Sana nga ma, sana pinalaglag mo nalang ako, pero kahit papaano naging masaya naman ako na ikaw iyong naging mama ko eh," Saad ko sa kabila ng pagsasabunot niya sa akin.
"Pwes! Ako?! Hindi ako naging masaya noong naging anak na kita! Ganyan ba naman ugali magugustuhan ko?! Kung nagtrabaho ka nalang kaya sa bar ng makatulong karin sa akin 'nu? Hindi iyong mag-aaral-aral ka pa eh bobo ka naman, dagdag gastusin lang 'yan!"
"Ayoko! Hindi ako magiging katulad mo, oo mama kita, pero hindi ko hahayaan na ikaw ang sisira sa buhay ko,"
"Aba't sumasagot kana?! Wala ka talagang respetong bata ka! Palamunin ka na ngalang dito ganyan kapa sumagot sa akin! Katulad ka rin ng papa mo, mga walang kwenta!"
Oo, sumasagot-sagot ako kay mama pero hindi ibig sabihin nun ay wala na akong respeto sa kanya, sumasagot ako para dipensahan ang maling pagaakusa niya sa akin. Akala ko pa nga noon mama ko iyong magtatanggol sa akin hindi pala. Hindi naman ganito si Mama dati eh, naging ganito lang siya ng mawala si Papa. Mas close ako kay Papa kumpara kay mama kaya noong nawala si Papa grabe iyong lungkot ko noon, naisip ko na ngaring magpakamatay, akalain mo iyon, at the age of 12 iyon na iyong mga iniisip ko.
"Wag mo ngang sabihin iyan ma, alam mo at alam ko na hindi ganoon si papa, kung may mas walang kwenta sa inyong dalawa ikaw iyon ma," Napahawak ako sa pisngi ko ng sinampal niya ako ng pagkalakas-lakas.
Tama lang naman sa akin iyon eh, kahit ako nga nagulat na nasabi ko 'yon, siguro nadala lang ako ng emosyon ko, pero totoo naman kasi eh, noong buhay pa si papa sobrang payapa ng buhay namin, hindi kami ganito kahirap kumpara noon, dati naaalala ko pa sa Private School pa ako noon nag-aaral pero ngayon sa Public na, ginawa lahat ni papa para maitaguyod lang kami and then one time nabalitaan nalang namin na naaksidente siya, lumubog iyong barkong sinasakyan niya papunta sana sa bagong trabahong naka-assign sa kanya sa Cebu. Simula noon palagi nang galit si mama, wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumaklak ng lumaklak buong araw. Isang beses nga muntik na niya akong mapatay kong hindi lang siya napigilan ni Tito Noyen, lasing na lasing siya noon, samantalang ako gutom na gutom ewan ko ba kung ano ang ginawa ko at muntik na niya akong patayin. Gustong-gusto kong bumalik na sa dati si mama, pero parang malabo.
"Umalis ka ritong tangina ka! Baka mandilim pa iyong paningin ko at mapatay kita, hala sige! Pumasok ka sa paaralan mo na walang laman 'yang tyan mo, para magtino kang hayop ka!" Sigaw ulit ni mama at pinagpupukpok ako sa ulo gamit ang baso.
BINABASA MO ANG
3000 Words From You
Teen FictionPenful Aqua got accident because she wanted to escape those people who hurt her, and after that incident she met this guy named Ausvein Aphie who have Stage 4 Prostate Cancer. Ngunit sa kabila ng sakit nito pinaramdam ni Ausvein sa kanya ang mga bag...