Chapter 1

25 3 0
                                    

“What’s really your problem?”




“Are you seriously asking me that? The problem here, Gregorio, is you and your other woman!”




“Lintik na ‘yan, Sanya! Let go of your own issue! Wala kang ebidensiya na may babae nga ako!”




“My own issue? Kaya pala alas dos ka na umuwi sa pamamahay na ‘to!”




Naalimpungatan ako nang marinig ang mga sigawan na nagmumula sa baba. Napabuntong-hininga nalang ako at tinakpan ng unan ang tenga ko. Hoping to completely block all the unnecessary noises around but failed. Naririnig ko pa rin sila. Ilang taon na ba silang gan’yan? I lost count. Pumikit ako nang mariin nang marinig kong humahagulgol na si Mommy. Hindi ko alam kung totoo ba ang pinaparatang niya kay Daddy. Laging sumasagi sa isip ko na workaholic lang talaga siya masyado kaya palaging late umuwi dito sa bahay. I’m trying my best to think positively for my family.




Iminulat ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. As expected, biglang tumahimik ang paligid. Sa bawat gabing nangyayari ‘to, halos alam ko na ang mangyayari. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table. It’s just 3:00 in the morning, ibig sabihin kakauwi lang ni Daddy an hour ago at halos isang oras silang nagsisigawan. Wala pa sigurong tulog si Mommy kakahintay kay Daddy tapos ganun pa ang nangyari.




Dahil hindi na ako dinalaw muli ng antok, bumangon nalang ako at umupo sa study table ko. Nakalabas pa rin ang mga notes ko dahil hindi ko na magawang ligpitin pa ang mga ‘to. Pakiramdam ko sobrang pagod ako. In-open ko ang phone ko to check my messages. Kalagitnaan na ng klase namin at marami na kaming projects and group activities na dapat gawin. I scrolled through my messages and opened one of my group chats. Group namin sa Social Science ‘yon at meron kaming research na dapat gawin. Nakita kong puro stickers ang group chat naming kaya na-curious ako. Mukhang nagkatuwaan sila kagabi.




I survived senior high school and hopefully, college. I kinda hate socializing. Bukod sa nakakapagod magsalita, nakakapagod tumanggap ng kritisismo mula sa iba kapag nag-open up kaya huwag nalang. Kapag group projects naman, okay lang sa akin ‘yon. Ginagawa ko naman ang part ko nang maayos.




“I-remove mo ‘yan, Yana. I-flood niyo ‘tong group nako lagot kayo kay Grace. HAHAHAHA!”




Tumaas ang kilay ko matapos kong mabasa ang huling message mula kay Bernadeth bago sila nag-send ng stickers.




“LAGOOOOOT! HAHAHA”




“Hala hahahaha”




Binasa ko ‘yung mga messages na nasa itaas. Anong meron?




“Ang pa-plastik niyo! Hahahaha”




“Wow, nagsalita ang pinaka-plastik. HAHAHA”




Nag-scroll pa ako pataas dahil curious ako sa pinag-uusapan nila. I don’t usually care about people’s impressions. Pero syempre kapag masakit, nakakaramdam pa rin ako. Let’s say, I’m always up for pretending to be okay even if I’m not really fine. That’s how I gain friends. Kahit na ayokong makisalamuha, deep inside I’m longing for someone who could listen to me.




“Ibigay natin kay Grace ‘yung mga natitirang gawain na hindi natin napili. Sabihin nalang natin na wala kasi siya ngayon kaya nauna tayong mamili nang mga gagawin.”




“Ay medyo bad pero go lang. Magaling naman si Grace hahahaha swerte na rin tayo kasi medyo ano siya you know hahahaha”




Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon