Chapter 2

19 3 0
                                    

Oh my gosh! Ayoko na, binabawi ko na pala. Kanina pa ako dito sa likod ng building namin at pinapagalitan ang sarili dahil sa inisip kanina.




Grace, seriously? Para kang ewan kanina! Pinapahiya mo lang ang sarili mo. It’s just making friends!




Napabuntonghininga ako sa naisip. Clearly, making friends is so not just making friends. It’s more than that! It’s about investing yourself more to someone or to a group of people so they will know you more! Paano ko sisimulan ang pag-oopen up kung kanina lang napatunayan kong hindi ko kayang magsimula ng conversation sa kanila? I’m such a loser.




Tapos na ang lesson namin kaya naman pagkatapos magbilin ng professor namin ng takdang-aralin ay lumabas na siya ng classroom. Lunch time na at nagsimula nang magingay ang mga kaklase namin. Kanya-kanyang grupo at usapan ang naganap. Medyo ngayon lang nag-sink in sa sarili ko kung gaano ako ka-loner. Dati hindi ko masyadong iniinda, pero something triggered that thought.




Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at lumapit sa ngayong mga nakatayo na groupmates ko. Maybe I can start it with a greeting? Kailangan ba gan’on? Mag-he-hello ba ako sa kanila? I tried to smile pero mukhang ewan lang ata ang naipakita ko sa kanila kasi nanginginig ang lips ko. This is so awkward for me.




I was about to say something pero parang ayaw bumuka ng bibig ko. This social anxiety is killing me.




“Hey, ayan na pala si Grace, eh. Let’s have our lunch then gawin na natin ang research natin.” sabi ni Bernadeth na kakatapos lang ayusin ang gamit niya.




“Grace, okay ka lang? Parang maputla ka.”




Tiningnan naman nila akong lahat matapos magsalita ni Nessa at hindi nakatulong ‘yong paninitig nila. Totoo, halos hindi ako makagalaw, pero para iligtas ang sarili tiningnan ko sila ng seryoso.




“I’m okay. I actually can’t eat lunch with you for now because something came up in our house and I need to call my mom. I’ll try next time.” I said trying to sound so casual like what they’re probably thinking about me. Like someone with no fun at all.




Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at kinuha ko na ang gamit ko saka umalis sa room. I need to sort out my thoughts about it first. Mukhang mahihirapan akong alisin sa sarili ko ang takot.




Bumili nalang ako ng pagkain sa canteen at dumiretso na dito. Hindi naman siguro rude ang ginawa ko kanina? Did I disappoint them? That’s the least thing that I want to do. I feel so bad right now but I could only care less because what I need right now is to breathe and think about my decisions. Ang hirap naman kasing makipag-socialize. Today’s generation is just so hard to deal with. With all these social classes, ranks, wealth, and issues, the world is becoming loud. The noise is just too much to take for someone like me who only yearns for peace. Mahirap makisalamuha kasi mahirap makibagay.




Pansamantala kong tinigil ang mga naiisip ko at muling naupo sa ilalim ng puno na nagbibigay ng lilim sa likod ng building. Kinuha ko nalang ang pagkain ko para naman kahit papaano ay mabusog ako habang nag-iisip.




“You’re here again.”




Marahan akong napakislot sa kinauupuan ko dahil sa boses na narinig ko. Napalingon nalang ako at nakita ang lalaking ngayon ko lang napansin. Sa lawak ng paaralan at dami ng estudyante dito, hindi malabong hindi ko pa nakikita ang lalaking ito. This certain spot is my comfort zone so I’m not expecting someone to be here.




Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon