Chapter 4

13 3 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Nessa sa ilalim ng puno sa likod ng building. Napailing nalang ako nang hindi ko talaga siya matanggihan dahil pinipilit niyang sa akin talaga siya sasabay at hindi kanila Bernadeth. Sana lang ay hindi nila iyon masamain dahil lagot talaga ako.




“Hindi ko alam na sobrang tahimik pala dito tuwing lunch, akala ko kasi maraming tumatambay dito.”




Inikot niya ang tingin niya sa paligid at halatang namamangha pa rin sa katahimikan ng lugar. Hindi naman kasi nila sinusubukang tingnan, pero salamat na rin dahil naging paboritong lugar ko dito.




Kinuha na niya ‘yong pagkaing binili namin kanina. Ayoko pa sanang kumain baka kasi may dumating pa…




I mean, hindi naman ako obligadong maghintay. Wait— bakit pa ba kami maghihintay? Wala namang hihintayin! Bahala na nga, bahala na siya.




Kinuha ko na ang pagkaing inaabot sa akin ni Nessa at nagsimulang kumain.




“Tahimik ka talaga, ano?” Napatingin ako sa kaniya tsaka lang na-realized na hindi ako sumagot sa sinabi niya kanina. That should be understandable, right? First, hindi naman siya nagtatanong, second, she’s just giving her thought about this place, third, hindi ko lang alam ang sasabihin.




“I’m sorry, I just don’t know what to say.” I honestly said. Mas maayos nang sabihin ang totoo baka mamaya ma-misinterpret niya.




“If this helps, pwede bang maging magkaibigan tayo?”




Hindi na ako nagulat ngayon sa tanong niya. Alam kong sinusubukan niya talagang mapalapit sakin at maging kaibigan ko.




“Akala ko magkaibigan na tayo?” tanong ko sa kaniya. Alam kong masyado pa akong aloof kaya hindi halata but I’m giving them the label.




“Oo naman, ‘no! Gusto ko lang masigurado kasi alam mo Grace, I really want to be your friend.”




“Bakit naman?”




“You seem different. Matagal na tayong magkaklase pero ni minsan hindi kita nakitang nakikipagtawanan o kwentuhan man lang sa mga kaklase natin.”




“I don’t have the reason to.” Until the research happened. Hindi gaya noon na pwede kong gawin nang mag-isa ang parts ko sa group projects, ngayon ay kailangan kong maki-cooperate sa kanila. Or maybe there’s another reason…




“Then, I’ll give you reasons!” Nakangisi niyang sinabi. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ano naman kaya?




“Okay, that’s interesting. Ano namang reasons?”




“Just wait, girl. Hindi pwedeng hindi ka mag-enjoy!”




Hinayaan ko nalang siya sa naiisip niya. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagke-kwentuhan, more like, siya lang ang madalas mag-kwento tungkol sa buhay niya.




“Naranasan mo na bang sumali sa girls’ night out?” Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya o ano.




“Hindi pa.”




“Alam mo, subukan natin minsan! Isasama natin sila Yanz at B. Masaya ‘yon kaya dapat maranasan mo.”




At lumipat naman kami ng ibang topic. Hanggang sa matapos namin ang pagkain ay nagkekwento pa rin siya habang nagpapahinga nalang kami. Luminga-linga ako sa paligid pero wala talaga ‘yong lalaking ‘yon. Baka busy siya ngayon.




Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon