“Ikaw, Grace, hindi ka ba bibili?”
Sandali kong sinulyapan si Nessa na nasa harap ko na ngayon at may dalang pagkain. Hinihintay ko pa rin na mag-text sila mommy kaya kanina pa ako nakaabang sa cellphone ko. Sa lahat nang naging away ng parents ko, ito na siguro ang pinakamalala. Natatakot akong malaman kung ano na ang sunod na mangyayari.
“Hindi na. Nasa field sila ‘di ba? Tara na?” Actually, pinag-isipan ko pa kanina kung susundin ko si Niel na huwag na akong bumili ng pagkain, pero dahil wala rin naman akong ganang kumain… huwag nalang talaga. Sasama lang talaga ako sa kanila dahil ayoko sa nararamdaman ko ngayon, which is very unusual to me because I enjoyed being alone so much.
Ibinulsa ko nalang ulit ang cellphone ko, trying not to feel disappointed. Ang bigat ng pakiramdam ko kaya feeling ko tuloy lalagnatin ako.
“May baon kang pagkain?” Wala sa sariling umiling ako.
“Ano? Teka nga ang gulo mo.” Marahang hinila ni Nessa ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya. I raised a brow at her.
Ako pa raw magulo, eh siya lang naman ‘tong nagsasalita.
“Problema mo?”
“Hindi ka kasi bumili ng pagkain, anong kakainin mo, girl? Wait lang ako na bibili para sa ‘yo.” She’s about to walk back but I hurriedly grabbed her arm just like what she did to me earlier. To make sure, I just continued walking while pulling her with me.
“I’m okay. You don’t have to buy me food.”
“Tapos mamaya habang kumakain kami, manonood ka lang? No way, you have to eat. Hati nalang tayo dito.” She smiled at me while showing the food she bought.
I smiled back at her. I’m serious when I said I won’t eat, but I chose not to answer. She’d not listen anyway because she’s worried and she’s that nice. Made me realized how blessed I am because in the vastness of this world, she found me. Kapalit nang nangyayari sa pamilya ko, nakahanap ako ng kaibigan.
“You’re so tagal!” Bakas ang iritasyon sa mukha ni Yana nang makarating kami sa field. Siya lang naman ‘yong naiinis kasi ‘yong dalawa parang wala namang pakealam.
“Dala ba namin ang pagkain mo? Hindi ‘di ba?” Nessa said sarcastically.
“What?” Walang ganang tanong ni Yana sa kaniya.
I nudged her the reason why she looked at me. I wanted her to stop so I hope she got my message just by looking at her.
“What? Totoo naman, ano. Pwede siyang kumain kahit wala pa tayo, duh?”
She has a point, but we know Yana. She’s naturally like that. We need to understand.
“Jinessa” I called her seriously.
“Fine!” Umupo na siya sa tabi ni Kier dahil may malawak na pwesto pa doon. Nasa may damuhan lang kami, buti nga at napapanatili ang kalinisan dito.
Tiningnan ko muna sa malayo kung may nagpa-practice pa rin, at mukhang sobrang sisipag ng mga players dahil mayroon nga. Wala ba silang mga klase? Or, were they excuse? Pero mukha namang hindi pabalik ng field ang tungo ni Niel kanina so I’m guessing that he went to his building.
“Ano bang tinitingnan mo diyan, Grace? Umupo ka na dito, oh.”
Hindi ko muna pinansin si Nessa dahil nakatingin pa rin ako sa field. Seryoso ba kasi ‘yong lalaking ‘yon na sasabay siya sa amin? Sabagay, may utang pa siya sa ‘kin, hindi ko basta makakalimutan ‘yon, ‘no.
BINABASA MO ANG
Broken Beyond Repair
Teen FictionIn a noise filled world, there's a girl who's been yearning for silence. She's broken- in any aspect- beyond repair. Will she be able to collect her fragments?