Chapter 3

19 3 0
                                    

“Good morning, Ma’am Grace! Nakahain na po ang umagahan niyo. Kumusta po ang tulog niyo? Ay, sa akin po good na good po ang morning ko, ang sosyal naman po ng kwarto ng maids niyo may pa-aircon...”




Kwento ni Mila na may kasamang halakhak pa. Hindi niya alam na siya ang kauna-unahang maid namin. I shouldn’t consider her one, she’s more like a companion to me plus the cooking and other stuff na trip niyang gawin. ‘Yong sinasabi niyang maid’s quarter ay isa sa guest rooms dito sa bahay.




“Sobrang dami na po pala ng mga teleserye sa telebisyon, ano? Tagal ko na ring hindi nakakanood! Sobrang bait po ng family niyo, may sariling TV ‘yong maid tapos may CR pa. Feel na feel ko po ang stay ko.”




Pagpapatuloy niya. Halos matawa ako sa kaniya dahil nagkekwento siya na akala mo’y isang turista na nag-checked-in sa isang hotel.




Nakaupo na ako sa isang bakanteng upuan at binigyan niya ako ng gatas. Siya naman ay patuloy pa rin sa pagsasalita. Nakakatuwa siyang pakinggan dahil para siyang nasa isang malaking happy bubble habang nagke-kwento.




“Nga pala Ma’am—”




“Grace. Just call me Grace, Mila. It’s fine,” agap ko sa sasabihin niya.




“Sige po—”




“And drop the po.” Nakangiting baling ko sa kaniya.




“Naku ayos lang po kaya ‘yan? Baka po mapagalitan ako nila Ma’am Sanya.”




Alam kong hindi siya mapapagalitan. Baka nga hindi pa siya marinig ni mommy na tinatawag ako, eh.




“Hindi ‘yan. Okay lang, ako nalang magsasabi.”




Medyo nag-isip pa siya kung gagawin niya ba talaga o hindi pero tumango rin naman kalaunan.




“Sige… ay oo nga pala, sabi ni Ma’am Sanya mag-iingat ka raw po pagpasok sa school. May kailangan pa po siyang asikasuhin sa trabaho kaya po maaga siyang umalis. ‘Yong daddy niyo naman po ay may bagong project na inaasikaso.”




“Okay.” Sabi ko nalang dahil ano pa bang bago? Hindi na rin naman ako nagulat.




“Ganito pala kapag mayaman ano? Maganda ang bahay, may permanenteng trabaho kaya sure na may kikitain, syempre bonus na doon na magaganda at gwapo ang mga anak!” Nakita ko naman ang sinserong ngiti niya sa akin. Gusto ko pang marinig ang mga kwento niya pero siguro mamaya nalang pag-uwi ko.




“Uhm, I should go now, Mila. Mamaya nalang ulit. Same schedule ako ngayon kaya I’ll be home by 3.”




Pagkatapos kong magpaalam kay Mila ay tumungo na ako sa labas, nakasunod naman siya sa akin at kumaway.




“Ingat, Grace!” Tumango ako sa gawi niya bago sumakay sa kotse.




I wasn’t wrong. It’s really not a bad idea to get a companion. Hearing Mila’s words about rich people makes me think thoroughly. Totoo naman, may magandang bahay— only if it’s filled with people, too, because nothing is beautiful in emptiness. May business at, of course, life fulfilment sa mga tao na pagkatapos maging settled sa buhay ay magkaroon naman ng mga anak. Then, continuous expansions, mangangarap nang mas malaki, from the house to the business at minsan pressure naman sa mga anak. It should only be fair for the offsprings because they’re given a wonderful and abundant life, huh?




Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon