Chapter 9

13 3 0
                                    

"Cheers!"




Rinig kong hiyaw ni Yana kaya naman itinaas ko rin ang hawak kong baso saka ibinunggo sa hawak din nila. Gaya nang sabi, nandito nga kami sa party ng kakilala nila.




We just arrived a few minutes ago but it seemed like we've been here for a very long time because they looked really wasted right now, especially, Yana. Probably because she's naturally hype, but I don't think she's already drunk. Nakakadala rin kasi ang atmosphere dito kaya gano'n.




"We'll have a lot of partying to do, Grace! Masanay ka na! Woooo!" Malakas na sabi sa akin ni Yana bago sinalinan muli ang baso ko ng alak. Si Bernadeth ay hindi ko na mahagilap, si Nessa naman ay nakaupo sa harap ko at umiinom habang may kausap na lalaki. I swear, these girls are magnets!




Inisang inom ko ang alak bago nilapag ang baso sa mesa.




"Why did you even come here? Tss."




Ibinaling ko ang tingin sa kanan ko nang marinig na parang may nagsalita. Mahina kasi 'yon at kinain lang nang malakas na music na pumapailanlang sa kabuuan ng lugar.




"What?!" Tanong ko kay Kier na nakaupo sa kanang bahagi ko pero medyo magkalayo kami. Halos pasigaw na akong nagsasalita dahil sa ingay.




"Why did you come with them?!" Pag-uulit niya sa sinabi niya kanina pero mas malakas na.




"Them?! Aren't you one of them?" I raised a brow at him. I saw him sighed, whispering something before moving a little closer to me. Maybe, he got tired of talking loud. Well, me too. Pareho nga pala kaming tahimik.




"Yes, but I don't usually go to parties like this one... with them."




"No wonder you're KJ." Natatawang sabi ko sa kaniya nang maalala kong palagi siyang tinatawag no'n ni Bernadeth. "Bakit ka nandito ngayon e ayaw mo naman pala? At paano nalang kapag nalalasing sila?"




"Funny, Grace. I'm 'Kier Jonathan' and I don't even care if I appear KJ. Gaya nang sinabi ko, kaya nila ang sarili nila."




I looked at him, amused. He's really KJ? That's why he's not affected! "And? That doesn't answer why you're here. Besides, kaibigan mo sila. You should... maybe... stick together or something?"




"Nasagot ko na 'yan. And not because you're friends with them, you're obliged to do what they want or what they do. Friends naman kayo ni Niel, pero bakit wala siya dito?"




Paano naman nasama si Niel sa usapan. Naalala kong ayaw pa niya ako pasamahin dito dahil mga adik daw ang mga tao. Adik din ang isang 'yon. Napatingin tuloy ako sa paligid pero agad din sumuko nang makakita ng dalawang taong halos magkapalitan na ng mga mukha.




"Busy si Niel. At hindi ko maalalang sinagot mo na 'yon." Pero parang sinagot na nga niya, hindi ko lang maalala. And again, he's not drinking! Good guy, ah.




"I told you, they can handle alcohol, but you can't." Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. Bakit ako? Sabagay, hinatid nga pala niya ako last time. Sumama lang siya ngayon dahil doon?




Napaiwas ako nang tingin sa kaniya at nagsalin nalang ng alak sa aking baso. Sumimsim ako doon, iniiwasan pa rin ang tingin niya.




"You're really weird." I just rolled my eyes at him.




"Still, not as weird as you." Sagot niya bago bumalik sa kinauupuan niya kanina. Hindi naman niya ako pinipigilang uminom, baka nga nagbabantay lang siya? Duh, Grace, bakit ka naman niya babantayan?




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon