“Kumusta na pakiramdam mo?”
Nakatulala lang ako ngayon sa soup na nasa harapan ko. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ko kahit na kakasimula palang ng araw na ‘to. Kumikirot ang ulo ko at wala akong masyadong maalala sa mga nangyari bukod sa bago ako uminom.
“Mila…” nakuha ko naman ang atensyon niya kaya pinagpatuloy ko na ang sasabihin. “… p-paano ako nakauwi? Hinatid ba ako ng mga k-kaibigan ko?” hindi ko kasi talaga maalala. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng malasing. Did I drink too much? Wala naman talaga akong planong uminom, eh. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa ‘kin.
“Bigla siyang umalis, hindi ko na kinilala dahil inuna na muna kita kaya nagpasalamat nalang ako. Siguro nga friend mo.”
Tumango naman ako at inubos nalang ang soup.
“Buti nalang late na masyadong umuwi ang mommy mo. Grace, baka mapagalitan ka na kapag naulit pa ‘to.” Bakas sa mga mata ni Mila ang pag-aalala sa akin. Kung gano’n buong araw ko rin palang hindi makakausap si mommy kung sakaling hindi ako umalis?
“S-si daddy ba u-umuwi?”
Ang pag-asang nilapat ko sa mga mata ko habang inaabangan ang sagot niya ay biglang naglaho noong nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Lungkot na hindi para sa kaniya kundi para sa akin.
“H-hindi, eh…”
Nanginginig ang paghinga ko dahil sa pagpipigil na kumawala ang masakit na emosyong nararamdaman ko. Binitawan ko ang kutsara ko at pinagpahinga nalang ang kamay sa mesa.
“Is mom still here?”
Huling tanong ko sa kaniya then I will dismiss myself.
“Uhm… may inaasikaso raw siya, eh…”
Mahina lang ang sagot niya, siguro kasi tinitimbang pa niya kung anong magiging reaksiyon ko.
“I see.” Tumango ako sa kaniya saka ngumiti. “I’ll get my things first.”
“Grace…”
Napatigil ako sa paglalakad noong tinawag niya ako kaya lumingon ako sa kaniya.
“Okay lang ako, Mila.” Ginawaran ko siya ng isang ngiti saka tuluyang umalis. I might breakdown, but not in front of anyone. I will share my smile to them, then cry later alone.
“Ughh! My head hurts so much!”
“Ikaw ba naman magpakalunod sa alak. Uhaw na uhaw lang, ‘te?"
Nessa just rolled her eyes at Yana. Totoo naman ang sinabi niya.
“Shut up, Nessa.”
Tumatawa si Nessa ngayon na parang siya ay walang hang over. Hindi ko alam kung anong nangyari pero dito na ako nakaupo sa pwesto nila Bernadeth. Well, okay na rin. I’m getting closer to them so that’s fine.
“Ikaw, bakit bigla kang nawala kagabi?”
Tumingin sila sa ‘kin matapos magtanong ni Bernadeth. Anong isasagot ko e hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi?
“Hinatid ko na siya.”
Gulat na napabaling ang tingin namin kay Kier. Totoo nga na may naghatid sa ‘kin!

BINABASA MO ANG
Broken Beyond Repair
Teen FictionIn a noise filled world, there's a girl who's been yearning for silence. She's broken- in any aspect- beyond repair. Will she be able to collect her fragments?