Chapter 10

105 3 3
                                    

Third Person POV

Nagising si Kao ng maghahapon na. Nagulat siya bakit nasa ayos na siya ng higa sa kama at ayos na yung mga boteng walang laman. Agad siyang napatayo at bumaba kasi akala niya bumalik na si Jelay ngunit na abutan niya si Kare na busy kumain sa may sala

"Bakit andito ka Kare?" Nagtatakang tanong ni Kao

"Aba, baka gusto mo magbasa ng GC, baka maintindihan mo pinagchat mo" Pagsermon ni Kare

Agad naman chineck ni Kao at natawa na lang siya sa kung paano siya mag type.

"Kare, paano mo naintindihan yun? Hahaahah" Pang aasar ni Kao

"Tumigil ka nga, may ikwekwento ka pa kaya andito pa ako" Pagtataray ni Kare

Nagtataka naman si Kao kung anong ikwekwento niya kay Kare.

"Huh? may ikwekwento?" Pagtatanong ni Kao

"Aba, oo bakit si Jelay ang rason kaya ka nag inom at anong meron sa inyo?" Mahabang litanya ni Kare

Di alam ni Kao kung saan mag uumpisa kasi wala naman siyang dapat ikwento eh.

"Kare? Una sa lahat uminom ako dahil kay Jelay kasi nagkasagutan kami ng malala kanina at Kung anong meron kami di ko din alam" Pag papaliwanag ni Kao.

"Nagkasagutan kayo ni Jelay? so andito si Jelay kanina? Paanong di mo alam kung anong meron kayo nag talik na kayo diba? ano yun isa fling mo?" Pag uusisa ni Kare.

Kwinento lahat ni Kaori ang nangyari simula kagabi hanggang kanina at ang plano niyang seryosohin si Jelay. Natakot naman si Kare na baka mangyari na naman ang nangyari noon nang seryoso si Kao.

"Sure ka na ba talaga sa desisyon mo?"  Pag aalalang tanong ni Kare

"Oo, sure na ako. Susugal na ulit ako" Mabilisang sagot ni Kao

"Paano kung hindi ka niya piliin? matatanggap mo ba? " Sabi ni Kare

"Kare, baka nakakalimutan mo kaya kong mapa sa akin ang gusto ko" Matapang na pag sagot ni Kao

"Paano kung ayaw niya talaga sayo? may magagawa ka pa dun." Sabi ni Kare.

"Hindi ako papayag, hangga't kaya ko gagawin ko ang lahat. kahit mareject niya pa ako nang ilang beses" Si kao

"Paano kung kahit anong gawin mo? wala talagang effect sa kanya kasi AYAW NIYA SA KAURI niya" tanong ni Kare

"Alam mo kare, bakit mo ba pinapangunahan ang lahat?" inis na tugon ni Kao

"Kasi hinahanda kasi sa mga bagay na pwedeng mangyari. Kasi ayoko na makita kang sobrang kawawa" Pag explain ni Kare

"Kare, just trust me with this okay? Kakayanin ko ang mga sakit at tatanggapin ko ang lahat ng mga mangyayari" Pag assure ni Kao

"Okay, basta andito lang kami ni Lie for you ah? Sige na una na ko, baka gabihin ako masyado eh" Pag papaalam ni Kare

"Thank you Kare lagi kang andyan pag kailangan ko ng makakasama kahit di ako nagsasalita na kailangan ko talaga. Babawi ako sa inyo lalo ba sayo" *kiss sa cheeks*

Kare's POV

Eto na ba kinakatakot ko ang magmahal ulit si Kao ng buong buo na walang matitira sa kanya. Basta andito lang naman kami para sa kanya kahit na alam kong masasaktan na naman siya sa dulo. Wala eh di na mapipigilan pag nag desisyon na si Kao.

Bigla naman may nagmessage sa akin. mamaya ko n basahin nagdadrive pa ko eh malapit naman na kaya bibilisan ko na lang tsaka antok na din ako kasi ang aga ko nagising kanina gawa nang photoshoot.

UPSIDE DOWN Where stories live. Discover now