Chapter 13

224 5 1
                                    

Jelay's POV

Nagising ako sa alarm ko dahil magjojogging nga ako. Yes, Balik alindog ang goal ko ngayon hahahah. Pero bago ako matulog kagabi tinawagan ko si Tito
para kumustahin siya. Okay naman daw siya pero tinawagan daw siya ni Seth. Tinatanong kung asan daw ako. Sinabi naman niya kung asan ako pero alam naman ni Tito na si Seth lang ang pwede makaalam eh. So ayun yung ganap before ako matulog kaya babangon na ako para mag ayos kasi aabutan na ko ng tanghali pag di pa ko kumilos.

Nagulat si Nay Aly kasi ang aga ko daw nagising.

"Nak, aga mo magising bakit naka ayos ka?" Tanong ni Nay

"Nay, magjogging lang po ako dyan" pag papaalam ko

"Kumain ka muna bago ka umalis ah. Eto oh" inabot ni nanay ang pagkain hinanda niya

"Thank you Nay" Kinain ko naman yung hinanda ni Nay.

After ko kumain nagpaalam na ako na aalis na ko.

Pag kalabas ko pa lang ng bahay may isang lalaking akong nakita na familiar siya sa akin pero di ko na lang pinansin at inumpisahan ko na mag jogging

Syempre jogging with music para feel ko hahah.

Di pa ko nakakalayo yung lalaking nakita ko sa tapat ay naka sunod na pero deadma pa din kaya binilisan ko na lang para di niya ko maabutan pero maya maya nasa tabi ko na siya

"Hi, It's you again" Sabi nung lalaki sa akin

kaya agad ako napatingin kasi naka focus ako sa dinadaanan ko. Pagtingin ko si guy na nakasabay ko sa airplane papunta dito

"Oh Hello, So you are my neighbor?" Sabi ko sa kanya

"Yes, So you're the one who's of your parents hahaha" Sabi niyaa

"So you know my parents" Sabi ko naman sa unknown na to

"Yes, May I join with you. Btw, I'm Akie " tanong naman niya na nakipag shake hands pa

mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko yung pa shake hands niya para naman may kaibigan na ako dito

"Sure, I'm Jelay" Sabay na kaming nagjojogging nauubusan na ko ng English myghaad

"So, What is your plan for today?" Tanong naman niya

"Hmm, After this I don't have plan yet" sabi ko sa kanya

"Oh, okay" Sabi niya

After niya sa sagot niya ay nag jogging lang kami and wala nang nagsasalita sa amin.

nakailang ikot na kami ng mapagpasiyahan kong umuwi na.

"Akie, Thanks for the time but I need to go" Pag papaalam ko sa kanya

"Sure, Next time again?" Tanong na naman niya

"Let's see" Sabay alis ko at umuwi na.

Nilakad ko n lang kasi malapit naman na ako sa bahay. Pag pasok ko si Nay Aly ay nanonood sa sala

"Oh, Iha. Musta ang Jogging? " Tanong ni Nay

"Okay naman po may nameet po ko na kapitbahay po natin" Sabi ko naman kay Nay

"Ah yung lalaki dyan sa may katapat natin?" Sabi ni nay

"Opo, bait nga po niya eh kaso nahihiya ako sa kanya"
pag aamin ko

"Nako, sa una lang yan nak. Naninibago ka pa eh" Pagpapaliwanag ni Nay sa akin

"Siguro nga po. Nay, akyat muna po ko magpapahinga lang.

Pag akyat ko sa kwarto agad ako nag shower at nag palit. tamang scroll muna ako sa soc med ko ng may biglang Nag notif sa akin

*Akie sent you a friend request*

Hala bakit, nakita niya agad account ko hindi naman real name nilagay ko dun pero yaan na inaccept ko na lang. kaka accept ko lang ang bilis mag message

*Convo with Akie*

Akie: Hi 😊. Are you busy?

Me: Nope, actually I'm going to take a nap hehe

Akie: Oh okay, Sorry if I disturb you.

Me: It's okay. gotta go. I'm tired eh

Akie: Okay. Bye

Buti na lang mabilis kausap si Akie. Pero seryoso nauubusan na ako ng english huhu. Sige tulog na akoo.

Akie's POV

Finally, I met Jelay. I've been waiting for this. I like her way back before. I can speak a little bit of Tagalog.
So that I can interact with Jelay.

"Mom, I met Jelay awhile ago" I said to my mom

"Oh, That's great. What's your plan now?"

"I'll make her to be my Friend" I said to my mom

"That's all?"

"Yes mom"

I dunno what to do now. I'm planning to ask Jelay to hang out but she wants to take a nap, so I didn't ask her maybe some other time. I'll just take a nap too.

A/N:
Kung Si Jelay ay may new friend ano naman kaya nangyayari sa Pilipinas? Well ngayon ay balik pinas tayo hahaha

Third Person POV

Kung Umaga na sa US ay gabi na di to sa Pinas. Wala namang bago bukod sa hinahanap pa din nila si Jelay na nasa US na at wala pa din alam ang lahat maliban kay Seth.

Kaori's POV

Pangalawang araw na walang Jelay na nagpaparamdam sa akin hays. Namimiss ko na siya. Sana andun na siya para makapag ayos na kami. Mamaya ko na lang puntahan pag hapon pero ngayon mangungulit na lang ako sa bitchesa 

*Bitchesa*

Kaori: Hoy! Natuloy ba gala niyoo last night?

Kare: Hindi at di kumpleto pag di ka kasama.

Lie: Oo nga eh. Baka may gusto ka ikwento bakit wLa kang paramdam kahapon?

Kaori: Free ba kayo tonight? Dito lang tayo sa condo chill lang.

Kare: Free naman ako pag gabi.

Lie: Mee too.

Kaori: Alright. 7pm here sa condo kasi may puntahan ako ng afternoon hehe

Kare: aber, saan ka pupunta?

Kaori: Secret hehe Byee.

Nag out na ko kasi mag aayos ako. di ako titigil hangga't di kami nagkikita. Kung pwede araw arawin kong puntahan siya sa condo niya gagawin ko. Itinigil ko na din yung mga flings ko. Buo na decision ko mag seseryoso na ako.

Seth's POV

Ilang araw na nakalipas wala pa din paramdam si Jelay, Kumusta na kaya siya dun? for sure naman iisa niya dun kasi sila tita ay busy sa business yun. Si Kaori may alam na kaya siya kung saang lupalop na punta si Jelay? Gusto ko sana sabihin kaso sabi kasi ni Jelay ako lang dapat ang makaalam eh. Itext ko na lang kaya si Kao may number naman niya ko eh.

To: Kaori

"Hi Kao. 😊"

*message sent*

Magrereply kaya yun? Di pa naman nagrereply unless kakilala niya. Bahala na.
Punta na lang ako sa Condo ni Jelay mas trip ko dun may mga pagkain hahaha. kay Tito na lang ako magpapaalam na ipasabi kay Jelay na dun muna ako for a mean time.


AN: Sorry for the slow update heheh.










UPSIDE DOWN Where stories live. Discover now