Chapter Seven

310 17 1
                                    

"NAKAKASILAW ang ngiti mo. Ikaw na ang in love!"

Ngisi lang ang isinagot ni Jace sa sinabing iyon ng pinsan niyang si Rafe. It's a Sunday and they're having their traditional family get-together at their house. Pero sa mga pinsan niya'y ito at ang kapatid lang nitong si Dette ang pumunta sa kanila. Ang iba daw kasi nilang kamag-anak ay nasa ibang bansa para sa negosyo at pagliliwaliw. Kaya lima lang silang nagsasalu-salo sa tanghalian ngayon kasama ang kanyang mga magulang na sina Ceaser at Lydia.

"Sino ba 'yang nginingiti-ngiti mo d'yan, anak?" naiintrigang tanong naman sa kanya ng mommy niya.

"Sino pa, eh 'di si Selena, tita," ani Dette.

"How did you know her?" nagtatakang tanong niya rito. Hindi siya nabigyan ng pagkakataong ipakilala ito kay Selena noong birthday party niya dahil maraming tao ang nakapalibot sa kanya noon—at naka-focus din siya kay Selena noon.

"She's the current talk of the town. Thanks to April," anito.

"What? Paanong 'talk of the town'?" tanong niya rito.

"April says she's a first class gold digger. She tells everybody that. Ipagtatanong ko nga 'yon sa'yo eh. Sabi niya sa'kin, balaan daw kita tungkol kay Selena dahil social climber siya. She said something about Selena and her mom going bankrupt. Kaya cafe crew na lang daw at singer sa isang bar si Selena ngayon. Kaya nga daw pinipilit ng mommy ni Selena na ipakasal siya to a certain Marco Tan," kwento nito sa kanya.

He muttered a curse. Agad naman siyang sinaway ng mommy niya. Pakiramdam niya'y sasakit ang ulo niya dahil kay April. Ex-girlfriend niya si April pero ilang taon na ang nakalilipas nang magtapos ang kanilang relasyon. Hindi niya gusto ang pagiging clingy nito sa kanya at hindi rin niya gusto ang ideya na minamanduhan siya nito. Kaya siya nakipaghiwalay dito noon. Seems like she wasn't ready to move on yet. Kaya gusto nitong pestehin ang love life niya ngayon. But he wouldn't let her.

"Totoo ba 'yan, Dette?" nag-aalalang tanong ng mommy niya. And he knew what's going on inside her mind.

"Mom, hindi gano'n si Selena," agad na sabi niya rito.

"Paano ka nakakasiguro?" tanong nito sa kanya.

"I knew her way before that bankrupt issue happened. Alam ko kung ano ang totoong nangyari sa kanila, mom. At alam ko ring nagbago na si Selena ngayon," pagtatanggol niya kay Selena sa mga ito.

"Ikaw ang inaalala ko, Jace. What if she's just after your money? Baka sinabihan siya ng mommy niyang—"

"Mom, Selena liked me as a poor boy. Noong birthday ko lang niya nalaman kung sino talaga ako," paliwanag niya rito kahit wala siyang kasiguraduhan doon.

Hindi niya alam kung tama ang basa niya sa mga kilos noon ni Selena tungkol sa kanya—noong hindi pa nito alam kung sino talaga siya. Nagkakainisan sila noon pero napapansin niyang madalas ay napapatulala ito sa kanya at namumula ang pisngi dahil sa hiya. Noon iyong ipinagtutulakan siya ni Ella dito. Pero nang magkaroon sila ng 'bagong simula' pagkatapos ng "Marco-insident" ay nagpatuloy ang tingin niya'y pagkagusto sa kanya ni Selena. Kaya ngayon ay kampante siyang gusto siya nito.

It would suck big time if she don't. Because I like her.

"Oh. Talaga?" gulat na tanong nito. Tinanguan niya ito.

"Saan ba naman nakuha ni April ang balitang 'yan, Dette?" tanong naman ng daddy niya kay Dette.

"Nagpaimbestiga raw siya kay Selena, tito, and she got those. Hindi ko nga alam kung maniniwala ako sa kanya kasi I don't like her. Ang bitch kaya niya," parang batang saad ni Dette. Mabuti na lang at ayaw nito kay April.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon