Chapter One

1.1K 33 2
                                    

HUMUGOT ng isang malalim na buntong-hininga si Selena. Nakasandal siya sa may bar counter ng Isabella's Cafe. Naka-duty siya ngayon doon bilang cafe crew. Wala namang masyadong customer noon kaya nagpuslitan kung saan-saan ang mga kasama niya sa trabaho. Hindi siya malapit sa mga katrabaho niya dahil "monster" o "bitch" ang tingin ng mga ito sa kanya. Hindi naman niya masisisi ang mga itong mag-isip sa kanya ng ganoon dahil siya naman ang may kasalanan.

She'd been a stupid bitch for almost ruining her step-sister's happy ever after. Pero hindi rin niya masisisi ang kanyang sarili dahil nagmahal lang din siya. Iyon nga lang, hindi siya ang mahal ng taong mahal niya. Mas masaklap ang nangyari sa kanya--sa kanila ng Mommy Bettina niya. The world almost turned its back on them. Mabuti na lang at mabait ang step-sister niyang si Ella.

Kahit na nagawan niya ito ng masasamang bagay ay binigyan pa rin siya nito ng trabaho sa Isabella's at hindi nito pinakulong ang mommy niya na labis niyang ipinagpapasalamat dito. Kaya naman nangako siya sa kanyang sarili na hindi na niya aapihin at aawayin si Ella. Naging mabuti ito sa kanilang mag-ina sa kabila ng mga pang-aapi niya rito kaya susuklian niya iyon ng kabutihang-loob.

It's amazing how the turn of events had been for them. It's too unfortunate but she's still in awe about things. Dati'y siya ang manager ng cafe na iyon pero ngayon ay dakilang crew na lang siya. Mabuti na lang at natuto siya ng mga gawain ng crew doon noon kaya hindi siya masyadong nahihirapang magtrabaho ngayon. Dati'y may kotse siya at nakukuha niya ang lahat ng naisin niya ngunit ngayo'y kailangan niyang kumayod ng mabuti para lang may makain silang mag-ina. Pero mabuti pa rin ang Diyos dahil may natitirhan pa rin sila ngayon--salamat muli kay Ella--at nakakakain pa naman silang mag-ina ng higit sa tatlong beses sa isang araw.

Tumingin siya sa kanyang suot na wrist watch. Limang oras pa ang hihintayin niya bago matapos ang kanyang shift. Nitong nakalipas na tatlong linggo ay todo kayod siya sa pagta-trabaho. Tuwing Lunes hanggang Biyernes mula alas-otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon ay nagta-trabaho siya bilang cafe crew sa Isabella's. Tinanggalan siya ng karapatan ni Ella doon bilang dating manager ng cafe dahil ayon dito'y hindi naman siya epektibong manager at naiintindihan naman niya iyon. Si Jeya na ngayon ang co-manager ni Ella sa cafe. Tuwing Sabado't Linggo nama'y nagta-trabaho siya bilang singer sa isang bar malapit din doon sa cafe. Demanding pa rin kasi ang mommy niya kaya kailangan niyang magtrabaho para may panggastos ito.

Nang marinig niyang bumukas ang main door ng cafe ay awtomatikong umayos siya ng tayo at humarap doon para batiin ang bago nilang customer. Pero napasimangot siya nang makitang si Hunter-o Jace-lang pala iyon. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang pangalan nito. Dati nila itong crew doon sa cafe tuwing gabi pero nang hawakan na ni Ella ang Isabella's ay bigla na lang itong nag-resign.

But you have to admit, he's a hottie, Selena, anang isang makulit na bahagi ng isipan niya.

Hottie? No way! Mas hot pa rin si Thunder sa kanya 'no, agad na kontra naman niya doon.

Get over Thunder already! Sila na ni Ella. Nangako ka ng magba-back off ka na sa kanila 'di ba? paalala niya sa sarili. Si Thunder ang lalaking minahal niya ngunit ang step-sister niyang si Ella ang mahal nito at masaya na ang dalawa ngayon. Kaya wala ng puwang ang pagmamahal niya kay Thunder sa istorya. Kailangan na niyang maghanap ng bagong mamahalin para maging makulay muli ang buhay niya.

Bakit hindi si Jace? pilyang suhestyon ng makulit na isipan niya. At kasunod niyon ang paghagod niya ng tingin kay Jace mula paa hanggang ulo. Magkasing-tangkad sina Jace at Thunder at halos magkasing-katawan din ang mga ito.

Sabi sa'yo magkasing-hot sila eh, singit na naman ng makulit na isipan niya.

Oo na nga! naiinis na pag-amin niya sa sarili. Fine. Jace was equally alluring as Thunder. Kaya hindi nakapagtatakang pinagtitinginan ito ngayon ng mga kababaihang customer nila sa cafe. Natatandaan niya dating tinanggap ito ng Mommy Bettina niya dahil sa appeal nito sa mga babae.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon