Chapter Nine

361 20 3
                                    

"SAAN ka pupunta, Selena?" Napatingin si Selena sa mommy niya. Noon lang siya nito muling kinausap.

"May ipapadala lang ako sa LBC, mommy," sabi niya rito.

Katatapos lang niyang sulatin ang huling entry niya sa diary ni Maggie. Ipapadala na niya iyon sa address na ibinigay nito sa kanya. Gumawa din siya ng isang personal na sulat kay Maggie tungkol sa diary nito. Sinabi niya doon na kahit walang happy ending ang diary na iyon ay puno naman iyon ng magagandang alaala nila ni Jace at sana'y may makuha itong 'lesson' sa mga isinulat niya noon.

She wanted to inspire Maggie even though she'd had two epic fairy tale fails. Naniniwala siyang may tamang pag-ibig sa tamang panahon. Kailangan lang niyang maghintay para doon. Kaunting-kaunting hintay na lang at magiging tama na ang lahat para sa'kin. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa sarili. Hindi naman masama ang umasa. At iyon ang gusto pa niyang iparating kay Maggie.

"Hindi ka ba papasok sa cafe ngayon?" tanong ng mommy niya sa kanya.

"Hindi po muna. Gusto ko pong magpahinga," aniya rito.

"Gusto mo bang lumabas tayo at manood ng sine? Wala na tayong bonding time simula ng tumira tayo dito," yaya nito sa kanya.

Her face somehow lit up. Mula nga ng lumipat sila sa apartment na iyon ay wala na silang naging bonding time ng mommy niya hindi katulad noon na palagi ang labas nila. Mas inintindi kasi niya ang trabaho at kung paano kumita ng pera para sa ikabubuhay nilang dalawa.

"Sige po, mommy. Pagkatapos kong magpadala nito, labas tayong dalawa," sang-ayon niya rito.

"I'm sorry, anak," pagkuwa'y sabi sa kanya ng mommy niya na ikinagulat niya.

"Para saan po, mommy?"

"Sa lahat ng nagawa kong mali sa'yo. Pati kay Ella. Alam kong ikaw ang mas nagdusa sa mga ginawa kong kasalanan. Mapatawad mo sana ako sa mga maling hakbang ko. Akala ko kasi ay tama at nasa ayos para sa atin ang mga ginawa ko. Hindi naman pala," pag-amin nito sa pagkakamali.

She felt proud that time. Sa wakas ay inamin na rin ng mommy niya ang mga kasalanan nito. Sa ugali nito, mahirap para ritong aminin ang pagkakamali pero ngayon ay umaain na ito at humihingi na rin ito ng tawad sa kanya ngayon.

Thank You, Lord, pasasalamat niya sa nasa Itaas.

Tumakbo siya palapit sa kanyang ina at niyakap ito ng mahigpit. "Tapos na ang lahat ng 'yon, mommy. Magsimula na lang tayo ulit. Gawan mo na lang ng masarap na lasagna si Ella. Napatawad ka na naman niya eh. Tayo," magiliw na sabi niya sa kanyang ina.

"Napakabait talaga ng batang 'yon. At maswerte ako dahil naging anak kita. I'm so proud of you, Selena. Naging mahina ako. Ako ang nagsadlak sa'yo sa sitwasyon nating ito pero ikaw ang gumawa ng paraan para mabuhay tayo ng maayos ngayon. You're tough and brave to handle every little problem. I know I've been an unbearable monster. But thank you for bearing with me, anak," naluluhang saad ng mommy niya kaya pati siya ay naluha na rin.

"Mommy, ang drama na natin. Pero bago 'to ha?" biro niya rito na pinapalis ang lungkot sa pagitan nilang dalawa.

"Ikaw nga d'yan ang nag-e-emo eh. Ano ba'ng problema mo?" tanong nito sa kanya ng maghiwalay sila mula sa pagkakayakap sa isa't isa.

"N-nothing, mommy," aniya rito.

"I saw you the other night. Ibang lalaki ang naghatid sa'yo. Ano'ng nangyari sa inyo ni Jace?" tanong nito sa kanya. Hindi niya agad ito nasagot. "Tatanggapin ko si Jace dahil alam kong mahal mo siya at napapasaya ka niya. Basta ba magsusumikap siyang bigyan ka ng maayos na buhay eh," dugtong pa ng mommy niya sa kanya.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon