Chapter Four

277 17 2
                                    

SELENA never felt this fidgety her entire life—ngayon lang! Hindi niya inaasahan na ganoon ang "party" na bubungad sa kanya pagkapunta niya sa birthday ni Jace. Dapat pala ay nagtanong muna siya ng maayos kay Ella kung anong party ang pupuntahan nila bago siya sumama roon. Higit pa sa gulat ang naging reaksyon niya nang makita ang lugar na pinagdarausan ngayon ng "party" ni Jace at higit din sa mangha ang naramdaman niya nang malaman kung sino nga bang talaga si Jand Ceaser Eduque.

Jace was richer than Thunder or Marco. In fact, he was way richer than all the other rich guys she knew personally. Ito pala ang tagapagmana ng Eduque Industries—ang kompanyang siyang pasimuno kung bakit may mga naglalakihang malls, condominiums, bangko at kung anu-ano pa sa buong bansa. Ang ipinagtataka lang niya'y kung bakit nagpanggap itong isang mahirap, kung bakit ito nagtrabaho sa Isabella's at kung bakit ito naging si "Hunter" sa kanila.

He's all of wonder and it would take a millennium for her to figure him out.

"Okay ka lang ba, Selena?" tanong sa kanya ni Ella. Katabi niya ito sa mesa.

"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na ganitong party ang pupuntahan natin?" tanong niya rito.

"Akala ko, alam mo na. The dress," anito sa kanya at saka inginuso ang suot niyang damit.

Ito ang kasabay niyang pumunta roon kasama sina Thunder, Jed, Syrene at Jeya dahil silang mga babae ay sa bahay ni Ella nagbihis. Ibinili kasi sila nito ng mga damit para sa espesyal na gabing iyon sa buhay ni Jace. Nagtaka pa nga siya noong una kung bakit magarbong damit ang isusuot nila pero nang makita niya ang damit na isusuot niya'y hidni na siya nagtanong pa. Her dress suited her taste. Alam na alam talaga ni Ella ang gusto niya sa damit.

Nakasuot siya ng dark blue na long gown. May mga Swarovski na desiyon iyon at hakab sa katawan niya ang tela. It revealed her body shape in a conservative yet chic and sexy way. She curled her hair before pinning it on one side. She sported a nude make up and a very sensual red lipstick that was eye-catching.

She was still the Selena then, after all. She still know how to dress perfectly for a party like that. Only, the party she's at right now was eating her. Hindi siya komportable dahil iniisip niya kung bakit nagsinungaling sa kanya si Jace. Kung bakit hindi nito sinabi sa kanya ang tunay nitong pagkatao.

Kaka-close n'yo pa lang kayang dalawa kaya 'wag kang mag-expect na magsasabi agad siya sa'yo ng isang matinding sikreto, paalala niya sa sarili.

Yeah, right.

"O, nand'yan na ang birthday boy," pagkuwa'y saad ni Jed na ikinakaba niya.

Paano ba niya babatiin si Jace? Wala man lang siyang naibiling regalo para dito. Ano kayang magiging reaksyon nito kapag nakita siya nito? Magugustuhan kaya nito ang hitsura niya ngayon?

Hay, naku! Napapaghalataan ka, Selena. Ang hyper ng utak mo pagdating kay Jace.

"Hello, guys!" bati sa kanila ni Jace. Bahagya pa siyang napapitlag nang magsalita ito dahil sa tabi niya ito biglang sumulpot.

"Happy birthday, Jace!" bati dito ni Ella. Bibigyan sana ito ni Ella ng halik sa pisngi pero pinigilan ito ng nobyong si Thunder.

"No kiss for him. I'm still vulnerable about the kiss you two shared," ani Thunder.

"Hoy! Correction. Siya ang humalik sa'kin," sabi dito ni Ella.

Oh, right. The 'controversial' Hunter-Ella kiss. Pakiramdam niya'y may maliliit na karayom na tumutusok sa puso niya habang nagre-replay sa utak niya ang eksenang iyon nang makita niyang halikan ni Jace si Ella noon sa cafe.

Selos ka? kastigo niya sa sarili.

"Hmmm. One more greet left," narinig niyang sabi ni Jace na pumukaw sa kanya. Noon lang niya napansin na sa kanya pala nakatingin ang lahat ng ka-table niya.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon