Chapter Ten

502 27 2
                                    

DEAR Diary,

I'm afraid to say it's over.

I'm afraid to admit it's true.

He left me hanging

Out of the blue.

I never knew this would happen

Until he left me there shattered.

I've never felt my heart broken

Until this day it isn't mended.

Wish I could replay everything instead.

But I got to move on ahead.

Fate would tell if it's meant to be.

And my heart would just wait and see.

There. Poet lang ang peg ko. I've managed to think of this. This is how I really feel. I couldn't believe it's over between me and Jace. Our fairytale love story failed. I'd like to believe na maayos pa sana namin, hopefully, pero hindi naman siya nagpapakita sa'kin. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot kahit sa text ko man lang!

Ang sakit-sakit! Hinusgahan niya agad ako kahit hindi pa niya naririnig ang tunay kong nararamdaman. Alam naman niyang vulnerable ako pagdating sa usaping 'pagbabago' ko. Akala ko ay naniniwala siyang nagbago na talaga ako. Seems like he didn't trust my 'change' enough for him to believe me. Lahat ng sinabi ko kay April, bitch talk lang 'yon. Nasaktan ako ng akusahan niya ako ng mga bagay na hindi ko naman ginawa at dahil naiinis ako sa kanya, ibinigay ko sa kanya ang gusto niyang marinig mula sa'kin para matapos na ang lahat.

I'm so sick and tired of people misjudging me. Sawang-sawa na ako sa pagpapatunay ng sarili ko sa ibang tao kaya nasaktan talaga ako ng talikuran agad ako ni Jace. Of all people, siya pa talaga ang unang tumalikod sa'kin. Kaya kung babalik siya sa'kin at hihingin ang kapatawaran ko, he have to strip naked in front of a huge crowd bago ko siya patawarin. Dapat lang 'yon sa kanya! Naging bulag at bingi siya sa mga pangyayari eh.

Anyways, hindi naman sinagad ng masasamang bagay ang buhay ko. Bati na kami ni mommy. Naikwento na niya sa'kin ang lahat ng nangyari sa buhay niya at ngayon ay mas naintindihan ko na siya. Love didn't work out on her kaya bitter siya at gano'n siya ka-'monster'. I wanted her to love again. Kaya ang mission ko ngayon ay ihanap siya ng lalaking makakapagparamdam muli sa kanya ng tunay na pag-ibig. I just hope na makahanap agad ako.

At isa pa, dahil maayos na ang lahat sa pagitan nina mommy at Ella, babalik na kami sa mansion. Magiging one big happy family na kaming tatlo ngayon—full of love. I'll be busy recording a collaboration with Thunder—a dream come true. See? Some things might've turn out badly, pero hindi lahat. At kahit papaano ay masaya pa rin ako ngayon.

I just hope that something good would happen in my love life. I'm still wishing for a chance. At kung hindi man chance, sana new found love. And I hope that this time around, makakamit ko na ang 'happy ever after' ko. Baka 'villain' ang makakatuluyan ko since palpak ako sa isang 'Prince Charming' at 'Knight in shining armor'. May be the fated love be with me next time. ;)

Yours,

Selena




JACE muttered a curse for himself. He deserved worse than that. He'd been a big stupid jerk for ruining everything between him and Selena. Nagpadala siya sa mga pangyayari. Wala naman pala siyang dapat na ikagalit at ikasama ng loob. "Nabingi" nga siya.

Noon lang niya binasa ang 'diary' na iyon. Sinisi niya ang sarili dahil ngayon lang niya pinagkaabalahang buklatin iyon at basahin. Diary pala iyon ni Selena. Simula sa simula ay naroon ang lahat ng saloobin nito kaya mali talaga siya sa panghuhusga, pag-aakusa at pagtalikod na lang basta dito. Kailangan na niyang kumilos ngayon. Before everything else slips away.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon