Chapter Five

316 19 1
                                    

"IKAW na ang kinikilig! Ang haba-haba ng hair mo, 'te! At ang sweet-sweet n'yo ni Jace kanina. Nakakainggit," sabi kay Selena ni Syrene. Nasa comfort room sila ngayon kasama sina Ella at Jeya. Kung hindi pa siya niyaya ng apat na mag-retouch at pumunta sa CR ay hindi pa siya mahihiwalay kay Jace.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Pakiramdam niya'y nakalutang pa rin siya sa alapaap ngayon. She feels lighthearted. Na para bang wala siyang ibang pinoproblema. At nagpapasalamat siya kay Jace dahil ito ang nagdulot sa kanya ng ganoon kagaan at kasayang pakiramdam.

"Walang epek ang sexy dress ng April na 'yon sa beauty mo, 'day," sabi naman ni Jeya.

"Nagbunga din ang pagma-matchmake ko sa inyong dalawa. Hurrah!" masayang sigaw ni Ella.

"Aha! Baka sumusunod lang sa'yo si Jace," sabi niya rito ng may ngiti sa mga labi. Pero sana nama'y hindi tama ang iniisip niya. Sana nama'y hindi lang dahil sinabi ni Ella kay Jace na lapitan siya nito kaya siya nilalapitan ng huli. It would really break her heart.

"Hindi 'no. Grabe kung makatanggi 'yon sa'kin dati tuwing sinasabi ko sa kanyang i-date ka. Pero ngayon, nag-iba ang ihip ng hangin. It must be love," tila nananaginip pang saad ni Ella. Naiintindihan niya kung bakit tinanggihan siya ni Jace noon kung inerereto nga siya ni Ella dito. She's one scheming bitch and a spoiled brat then.

Could it really be love? tanong niya sa sarili.

Nah. Imposible. Ang bilis naman, kontra naman ng isang bahagi ng isipan niya at may punto ito. Baka iba na ang turingan nila ni Jace ngayon dahil sa 'bago' nilang 'simula'.

"Friends na kasi kami," sabi niya sa mga ito.

"'Friends' ka d'yan. Hindi 'no! Iba ang tingin sa'yo ni Jace," ani Jeya.

"Paano ba siya tumingin sa'kin?" tanong niya rito.

"Ako, ako. Ganito o," prisinta ni Syrene pagkuwa'y lumapit ito sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Natahimik ang buong paligid at nakatingin lang sa eksena nilang iyon ni Syrene sina Jeya at Ella. "Matagal na gano'n. Siyempre, hindi ko naman magagawa ng perfect ang pagtingin niya sa'yo dahil hindi naman ako si Jace," sabi pa ni Syrene pagkatapos siya nitong pakatitigan. Natawa siya sa sinabi nito.

"I'm so happy for you, Selena," sabi sa kanya ni Ella.

"Ako rin. Magkakaroon ka na ng sarili mong fairytale," dugtong naman ni Jeya.

"At siyempre, suportado ka namin," segunda ni Syrene.

"Thank you, girls," naiiyak na sabi niya sa mga ito saka niya niyakap ang tatlo. Kompara sa mga kaibigan niya noon, mas masaya siya sa piling ng mga ito ngayon dahil hindi niya kailangang maging mayaman para lang may sumama sa kanyang mga 'kaibigan'.

"Okay. Tama na. Ang make-up natin, masisira," natatawang sabi ni Jeya nang maghiwalay silang apat.

Pagkatapos niyon ay lumabas na sila ng comfort room at nakasalubong naman nila si April. Taas-noong nilapitan siya nito at basta na lang itinulak sa dingding ng hallway. Napasinghap siya sa ginawa nito dahil sa gulat. Pakiramdam niya'y naalog ang ulo niya sa bigla niyang pagtama sa dingding at maging ang likod at tagiliran niya'y sumakit din. Inawat naman ito nina Ella, Jeya at Syrene ngunit pati ang mga ito'y itinulak ni April palayo.

"'Wag kayong makialam dito," mabalasik na sabi ni April sa tatlo niyang kaibigan.

"Aba't! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang karapatang ganyanin si Selena," matapang na sabi dito ni Jeya.

"Rats," nang-uuyam na sabi naman dito ni April bago muling bumaling sa kanya. "At ikaw. Who are you? Bakit bigla na lang yata'y nakuha mo ang atensyon ni Jace?" tanong nito sa kanya habang dinuduro-duro siya. Tinampal niya ang hintuturo nitong dumuduro sa kanya.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon