Chapter Six

279 18 2
                                    

"WHAT?" tanong ni Selena kay Jace. Hawak niya ang chopstick na ibinigay ng isang crew. Sisimulan na sana niyang kumain ng noodles ngunit natigil siya dahil nakita niyang nakatitig sa kanya si Jace. Bigla tuloy siyang nailang dito.

"Sigurado ka bang gusto mo n'yan?" tanong nito sa kanya na ang noodles ang tinutukoy.

"Oo nga. 'Wag kang mag-alala. I'm the new 'Selena', 'di ba?" nakangiting sabi niya rito. Para ipakita ritong gusto niyang kainin ang noodles ay kinain na niya iyon. Ang sabi ni Jace ay aunthentic Chinese noodles daw ang mga pagkain sa Binondo restaurant na iyon kung nasaan silang dalawa.

Pasado alas-dos ng hapon ay sinundo siya ni Jace sa kanilang bahay gamit ang big bike nito. Wala roon ang mommy niya dahil may 'lakad' daw ito ang mga amiga nito. Hindi na siya nakapagpaalam pa dito dahil alam naman niyang hindi ito papayag na makipag-date siya kay Jace. Ang akala kasi nito'y 'poor' pa ring maituturing si Jace. Kung alam lang nito ang totoo. Pero siyempre pa, hindi niya rito sasabihin kung sino talaga si Jace dahil malamang ay ipagduldulan siya nito rito. Ayaw niyang madamay si Jace sa problema nilang mag-ina.

Pagkasundo sa kanya ni Jace ay doon sila sa restaurant na iyon pumunta. Um-order ito ng iba't ibang klase ng Chinese noodles dahil ayon dito'y maihahalintulad daw ang restaurant na iyon sa mga may class na Chinese restaurants. Iyon nga lamang ay kulang daw sa logistics ang may-ari ng restaurant kaya hindi nito ma-upgrade ang restaurant. Nalaman daw iyon ni Jace nang minsang mag-stroll ito sa Binondo. Nagutom daw ito at napatigil ito roon. Doon nagsimula ang pagiging "fan" nito sa restaurant.

Ngayon niya malalaman kung masarap nga ba doon. Hindi siya fan ng Chinese food pero minsan naman ay nakakakain sila sa mga may class na Chinese restaurants noon. European cuisines kasi ang paborito niyang pagkain.

"Masarap nga," aniya kay Jace matapos niyang lunukin ang unang noodles na isinubo niya. Hindi nagkulang sa panlasa ang noodles na iyon. Nag-aagaw ang anghang at tamis na lasa ng noodles sa bibig niya at nakakaadik nga ang lasa niyon kaya sunud-sunod na ang naging pagsubo niya.

"Sigurado ka? Baka naman pinapakita mo lang sa'kin na gusto mo 'yan," sabi sa kanya ni Jace.

"Bakit ko naman gagawin 'yon? Masarap nga kaya," sabi niya rito habang ngumunguya. "See? I forgot my manners dahil sa sarap," natatawang sabi niya rito.

Hindi naman kasi talaga siya nag-expect tungkol sa magiging date nilang iyon ni Jace. Katulad ng sinabi niya noon sa kanyang sarili, ang makasama lang ito'y ayos na sa kanya.

Nailing na lang ito sa kanya saka kumuha ng tissue at pinahiran ang magkabilang gilid ng labi niya. "Akala ko hindi mo magugustuhan dito," pagkuwa'y sabi nito sa kanya bago nagsimulang kumain.

"Bakit? Dahil hindi ito isang class na restaurant? Sinusubukan mo ba ako?" nakangiting tanong niya rito.

"Actually, yes. I wondered if you're going to freak out when I brought you here. Pero iba ang nangyari. Nagbago ka na nga talaga," naa-amuse na sabi nito sa kanya.

"So, in doubt ka pa rin pala sa 'pagbabago' ko. Ayos lang 'yon. Everybody else does," aniya rito pero may konting kumurot sa puso niya dahil sa pag-amin nitong iyon. Pakiramdam niya'y maliit siyang specimen na dapat pa rin nitong pag-aralan 'for further explanations'.

"Selena, I didn't mean to sound rude. Alam ko namang nagbago ka na. This just...amuses me. A princess in a place like this? Hindi nagrereklamo? Nakaa-amuse talaga," nakangiting sabi sa kanya ni Jace.

"I'm no princess. Alam mo, masarap naman kasi talaga ang food nila. At saka, cozy naman dito," aniya rito. Hindi nga sobrang ganda ang lugar na iyon pero makakainan pa rin naman. At isa pa'y kasama niya roon si Jace.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon