Chapter Three

283 13 2
                                    

NAPANGITI si Selena sa sarili matapos marinig ang malakas na palakpakan ng mga tao sa loob ng bar na kinakantahan niya ngayon. Nakatapos na siya sa kanyang gig para sa gabing iyon pero pinagbigyan niya ang request ng isang may kaarawang babae kaya napakanta pa siya ng isa. Kumaway siya sa mga ito bago siya bumaba mula sa make-shift stage ng bar.

Singing was something she loves to do. Minsan ay itinuturing niya iyong 'escape from reality'. Basta sa tuwing kumakanta niya'y pakiramdam niya'y nawawala ang lahat ng problema niya. At iilan lang ang may alam na kumakanta siya at mahilig siya sa musika. Ang alam lang ng mga dating kaibigan niya ay mahilig siya sa musika dahil kay Thunder—pero ang totoo'y gustong-gusto niyang kumanta at tumugtog ng piano at gitara.

Nadiskubre niyang may talento siya pagdating sa musika nang i-enrol siya ng Mommy Bettina niya noong teenager pa siya sa isang music class. Ayon kasi dito'y pang-mayaman daw ang mga ganoon. Hindi niya alam na magugustuhan niya ang musika. Maswerte pa rin siya dahil may itinatago siyang talentong ganoon. May side line siya maliban sa trabaho niya sa cafe.

Hindi sang-ayon ang mommy niya sa pagkanta niya sa isang bar pero hindi na siya nito napigilan pang mag-apply doon bilang singer dahil nabibigyan niya ito ng pera para mabili ang mga gusto nitong bilhin. Iyon pa lang ang ikatlong beses niyang pagkanta sa bar na iyon pero marami na siyang "fans" na madalas mag-inom sa bar na iyon. Sabi ng manager ng bar ay may nagtatanong din nga daw sa kanya tuwing weekdays pero tuwing weekend lang naman ang gig niya roon.

"Selena, may naghahanap sa'yo," sabi sa kanya ni Tyrone nang makababa na siya ng stage.

"Sino?" tanong niya rito.

"'Yong lalaki do'n," anito sabay turo sa isang lalaking nakaupo sa may counter. Sa pananamit pa lang ng lalaki ay malalaman mong mayaman ito at gwapo. Pero hindi naman niya ito kilala.

"Hi," bati niya sa lalaki nang lapitan niya ito.

"Hello, Selena," nakangiting bati nito sa kanya. Pero iba ang dating sa kanya ng ngiti nitong iyon.

"I'm afraid I don't know you," matapat na sabi niya rito.

"Oh, but Tita Bettina knows me. I'm Marco Tan," pakilala nito sa kanya.

Oh, this is the guy I'm supposed to marry, sabi niya sa sarili.

"Ah. Ikaw pala 'yon. Nice meeting you," sabi na lang niya rito. Hindi niya ito trip. Iba kasi ang tingin nito sa kanya na hindi niya nagugustuhan.

"I'm more than pleased to meet you too. So, shall we go?" yaya nito sa kanya.

"Ha? Saan?"

"We'll eat out and from then...bahala na," anito sa kanyang hinagod muna siya ng tingin mula ulo hanggang paa bago dugtungan ang unang pangungusap.

"Ah, hindi pa kasi tapos ang gig ko eh. Matatagalan pa 'yon," pagtanggi niya rito.

"Come on, Selena. Don't play hard to get. Alam kong tapos na ang gig mo kanina pa. Kanina pa ako naghihintay sa'yo dito," anito sa kanya.

"Eh, 'di umuwi ka na kung gusto mo. Ayoko pang umalis dito," mariing tanggi niya rito.

"My, my, Selena. Brat ka pala talaga," anito sa kanya.

"So?" taas-noong sagot niya rito. Kung akala nito'y bibigay agad siya rito dahil lang gusto ito ng mommy niya para sa kanya'y nagkakamali ito. Nagbago na siya.

Oo. Nagbabagong-buhay na ako.

"I like to spoil rotten spoiled brats. And you know what? Spoiled brats actually are the best playmates," pabulong na sabi nito sa kanya na nakapagpanindig ng mga balahibo niya sa batok. Agad niya itong itinulak palayo sa kanya. Tangkang magwo-walk out na siya rito nang bigla nitong haklasin ang braso niya.

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon