Epilogue

600 26 6
                                    

DEAR Maggie,

In everything we do, we leave a mark. It might be something good or bad. We cannot change or undo the past, but it's always important to head on straight to the future and do better. This is the thought that I live by now. 'Wag mong hayaang makaapekto ang nakaraan sa kinabukasan mo. Hindi ko alam kung ano ang nakaraan mo pero gusto ko sanang matutunan mo ito, Maggie. Sana ma-inspire ka sa story ko.

Thank you so much for this diary! It's a blessing in disguise. Hindi ko akalain na ito pala mismo ang makakatulong para magkaroon ako ng happy ever after ko. You and your crazy wicked ideas. But, thank you from the bottom of my happy heart. You've made my dream come true. I wish you all the best, Maggie.

Yours,

Selena




DEAR Maggie,

I've hurt the woman who loves me—whom I love too—and that's the most regretful thing that ever happened in my life. Pero ipapangako ko na hindi ko na siya bibigyan pa ng rason para masaktan. Every relationship should have both love and trust. Love is the foundation and trust is the fuel to keep it going.

-Jace




MATAPOS niyang basahin ang huling pahina ng bagong dating na diary ni Maggie ay napangiti siya. Matapos ang dalawang linggo ay may bumalik na namang diary dito at muli ay pinabasa nito sa kanya ang huling pahina niyon. Ang matalik nitong kaibigan na si Nikki ang nagpapadala ng mga diary sa mga lalaking involved sa mga babaeng sumulat niyon kaya naiintindihan ng mga ito ang nararamdaman ng mga ito. It was one crazy idea but so far, he could see that it's effective.

Kasalukuyan silang nasa may garden ng mga Sanchez dahil sinasamahan niyang mag-merienda si Maggie. Kaalis lang ni Nikki dahil may urgent meeting daw ito sa opisina kaya sila na lang ni Maggie ang naiwan doon. Hindi man siya ang nagte-therapy dito ay naging magkaibigan na sila ng dalaga. Magaan kasi ang loob nila sa isa't isa.

"Take this," pagkuwa'y sabi ni Maggie sa kanya. Inaabutan siya nito ng isang notebook na kamukha ng mga diary nito.

"Hindi ako nagsusulat sa isang diary," aniya rito.

"Sige na. Ayaw mo bang maging masaya? Ayaw mo bang magkaroon din ng happy ever after mo? It comes with this," anito saka ipinakita sa kanya ang isang blue charm bracelet. "Tutulungan ka nitong mahanap ang one true love mo like those ladies did," pangungumbinsi pa nito.

"Bakit parang na-delay naman ng isang taon bago mahanap nina Cyrene at Selena ang one true love nila kung nakakatulong nga ang charm bracelets na 'yan?" tanong naman niya rito.

"Love takes time," sabi lang nito.

Napangiti naman siya rito. "Hindi ko na kailangan ng charm bracelet na 'yan. I already found mine."




---WAKAS---

THANK YOU FOR READING!
ONTO BOOK 3 NA TAYO WHICH IS ONE OF MY PERSONAL FAVORITES. 😊

Maggie's Diaries Book 2: Wonderstruck [Published under PHR - Unedited Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon