Alice Sonn
"I really need to be present for this year's Bloomsday Festival, Ali. You know that I really loved the works of Joyce and—", pagpapaliwanag sa akin ni Charles na nasa kabilang linya. Gusto niyang pumunta ng Dublin ngayong taon para sa kanyang vlog.
"Pero alam mo rin naman na hindi sasapat ang makukuha mong bayad para sa pagbyahe at sa accommodation mo", sagot ko sa kanya. Ayaw ko siyang payagan dahil alam kong wala siyang sapat na pera at hindi ko siya matutulungan. Masakit para sa akin iyon.
"Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman naming mga James Joyce fans--", sagot niya sa akin.
"Sige, magsalita ka at ipaintindi mo sa akin. Makikinig ako", pag interrupt ko sa pagsasalita niya.
"Ali, nag-aaway na tayo eh", sagot niya sa akin. Biglang naging malumanay ang tono ng pananalita niya kumpara sa paraang ng pagsasalita niya kanina.
"Tayo? Nag-aaway ngayon? Hindi ah. Nagpapaliwanag ka lang diba?", sarcastic kong sagot sa kanya.
"Toot", binabaan niya ako ng tawag.
Mahal ko si Charles. We've been in this relationship for almost six years. Tulad ng ibang mga magnobyo ay may dumarating na oras na hindi namin naiintindihan ang isa't-isa dahilan upang pag-awayan namin ang bagay na 'yon.
"Oh. Natahimik ka, Alice? Bakit? Binaba ba ni Charles?", tanong sa akin ni Phoebe. Hindi namin itinuturing na bestfriends ang isa't-isa dahil naniniwala kami na hindi mo masasabi na 'the best' ang isang bagay or tao hangga't hindi mo pa nakikita ang lahat ng kauri nito. Kaya naman 'malapit na kaibigan' lamang ang ginagamit naming term.
"Ako ang nag-end call. Nakakainis na naman kasi siya eh!", pagsisinungaling ko kay Phoebe.
Hindi siya sumagot kaya naman tiningnan ko siya. Nakataas ang kilay niya at nakatingin din sa akin gamit ang kanyang famous na hindi-ako-naniniwala-sayo look.
Tinabihan ko siya sa sofa kung saan siya nakaupo. Pang-isahang tao lang ang laki ng upuan kaya naman nasisiksik na namin ang isa't-isa nang umupo ako.
Bumuntong hininga lang ako at agad na niya akong niyakap.
Nakapatong ang baba ko sa kanang balikat niya habang siya naman ay hinahagod ang likod ko na para bang nagpapatahan ng naiyak.
"Hindi naman ako naiyak", wala sa sariling nasambit ko.
"Oo. Hindi ka nga naiyak pero ginawa mo naman 'yon", sagot niya sa akin. Inalis ko ang pagkakayakap naming dalawa.
"Anong ginawa ko?", tanong ko sa kanya.
"Alice. Alice. Alam mong mas kilala pa kita kesa sa sarili mo. Kaya alam na alam ko na si Charles ang nagbaba ng telepono. Hinding-hindi mo 'yon magagawa sa kanya kasi mahal na mahal mo yon", sagot niya.
"Tanga na ba ako, Phoebe?", tanong ko sa kanya. Nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko at may luha nang naiipon sa gilid nito na nagbabadyang bumagsak, na anumang oras mula ngayon, kung lalong titindi ang emosyon ko, ay babagsak na at tutulo sa aking mga pisngi.
"Hindi ka tanga, Alice. Nagmamahal ka lang--", sabi nito. Medyo kumalma ako sa sagot niya.
"—ng sobra. Na sa pagiging sobra ay nagmumukha ka nang tanga. Pero hindi ka tanga", dagdag niya.
Nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Mabilis ang pagtulo ng mga ito.
"Mahal na mahal ko siya, Phoebe. Siya ang buhay ko kaya naman sobrang nasasaktan ako kapag hindi kami nagkakaintidihan", malungkot na sabi ko kay Phoebe.
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura