Chapter 7

1 1 0
                                    

Alice Sonn

"I think I am the luckiest man in the world"

"Because you are here. With me. They say that you will only fall in love once"

"I tend to oppose that because I have been falling in love for six years--"

"and I plan to continue to fall in love with you for the rest of my life—"

"—I want to fall in love with you every single day—"

"I want to grow old with you—"

"Will you marry me?"

"Yan ang mga linyang naaalala ko mula sa huling pagkikita namin ni Charles".

"Kung alam ko lang na hindi na kita makikita after ng proposal mo, edi sana, tinigilan ko na ang panalangin ko na dumating ang araw na 'yon, na yayayain mo akong magpakasal."

"Kung alam ko lang na huling hatid mo na pala sa akin 'yun, edi sana, nagroadtrip na lang tayo."

"Kung alam ko lang na 'yun na ang huling 'I love you' na maririnig ko mula sa'yo, edi sana, nirecord ko na ang boses mo."

"Masyado akong naging kampante na makikita at makakausap pa kita kinabukasan, na maririnig ko pa ang boses mo at magpaplano pa tayo ng kasal natin."

"Na sabay pa tayong tatanda nang magkasama."

"I love you, Charles"

Tinapos ko na ang speech ko at bumalik sa upuan. Naubos na yata ang mga luha ko nang iiyak ko ang mga ito noong mga nakaraang linggo. Niyakap ako ng mahigpit ni Phoebe at hinawakan ang kamay ko.

"You will be okay, Alice.", bulong niya sa akin habang lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Akala ko dati ay soulmate talaga kami ni Charles dahil marami kaming pinagkapareho. Pareho kaming mahilig sa music, kulay green ang paborito naming kulay, mahilig kaming tumanaw sa mga bituin tuwing gabi, hindi namin gusto ang bell pepper sa pizza, gusto namin pareho na marami ang sago sa taho. It's the little things diba. Nasira ang paniniwalang kong iyon dahil paano ba naman kaming matatawag na soulmates kung hindi pa kami nakakapagplano ng kasal ay wala na agad siya. Wala na siya samantalang nandito pa rin ako.

"Tara na, Alice. Umuwi na tayo", yaya sa akin ni Phoebe nang kami na lamang ang naiwan.

Tumingin ako sa kanya at nginitian. Niyakap muli niya ako. Lumingon-lingon pa ako sa paligid, nagbabaka sakaling makikita ko sina Mama at Papa ko pero hindi sila pumunta. Nag-iwan ako ng email sa kanila pero mukhang ayaw nila akong makita.

"Sigurado akong 'yan ang gustong makita ni Charles sa'yo ngayon. Na masaya at matatag ka", sabi niya sa akin. Naramdaman kong nabasa ang tela ng damit ko sa may balikat, umiiyak siya.

"Alam ko din na gusto ni Charles na makita ka ring masaya dahil alam niyang madali akong mahawa sa pag-iyak mo", seryoso kong sagot sa kanya dahilan para mapatawa siya ng mahina.

"Kailangan ko din bang singilin sa'yo yung dress o ibabalik mo na lang sa akin?", pagbibiro nito.

Umuwi na kami, dumaan muna kami sa isang convenience store dahil nagpupumilit si Phoebe na bumili ng ice cream. Pagdating namin sa unit ay nakaramdam na naman ako ng lungkot, hindi na yata ako lulubayan ng lungkot na 'to.

Hindi naman dito nakatira o tumira si Charles pero ramdam ko na may kulang agad. Siguro dahil hindi na muli maririnig ng mga pader at kisame ang boses niya. Alam rin siguro ng pinto na hindi na muli kakatok si Charles sa kanya. At lalong alam ng puso ko na hindi ko na muli siya makikita.

Uncry My TearsWhere stories live. Discover now