Alice Sonn
"Gusto ko lang sabihin na hihihi I'll pick you up mamayang 7pm. Ay teka may lakad ka ba?", sagot nito at sa pagkakarinig ko ay nahagikgik sya? Napatingin agad ako kay Phoebe at itinaas ang isang kong kilay.
"Bakit?", bulong ni Pi. Tinuro ko ang cellphone ko tsaka ngumiti ng malaki. Hindi naman niya iyon nagets ka sinenyasan ko na lang siya na mamaya ko sasabihin.
Bakit ang ganda ng pakiramdam ko at may kutob akong---
"Ali? Nandyan ka pa? Hello?", natigil ang pag-iisip ko nang magsalita ulit si Charles.
"Ay ehehe oo nandito pa. Bakit nga pala? Anong meron?", sabi ko pero hindi ko pinapahalatang sobra akong kinikilig. Naalis agad ang pagkayamot ko sa kanya dahil sa away namin kagabi. Ten ten tenen, ten ten tenen. Bakit mukhang nakakarinig yata ako ng wedding bells?
"Hindi ko sasabihin hahaha basta I'll pick you up later. I love you". I now pronounce you, Mr. and Mrs. Morgan, ETO NA 'YON!
"I love you too mwah. Ay teka, anong isusuot ko?", pinilit kong sabihin yan ng diretso dahil sa kilig na nararamdaman ko. Eto yung naramdaman ko nung una pala niya akong tinanong na kung pwede niya akong ligawan.
"Kahit naman anong isuot mo, sobrang ganda mo eh. Pero sige, wear something fancy". Halos pumalakpak ang tenga ko nung narinig ko 'yun. Inhale exhale Alice.
Medyo bumalik ako sa katinuan nang kalbitin ako ni Phoebe.
"ANONG NANGYAYARI SA'YO?", 'yan ang nakasulat sa maliit na white board na hawak hawak ni Pi na para bang kukuhanan ng picture para sa mugshot.
Nginitian ko lang siya at ginalaw-galaw ang kilay ko.
"Okay. Noted! I love you Chaaarles"
"I love you more Ali"
"Toot", sa pagkakataong ito, ako na talaga ang nagbaba ng tawag dahil gusto kong sumigaw. Gusto kong ipagsigawan na---
"I'M GETTING MARRIED AAAAAAA", sigaw ko saka tumayo mula sa kama at nagtatatalon.
"Aliiiiceee! Ulitin mo ang sinabi moooo", sigaw din ni Phoebe na sinamahan ako sa pagtalon.
"Pi! This is it! Ten ten tenen, ten ten tenen ahhhhhh", sabi ko habang ginagaya ang tunog ng wedding bells.
"My gooossh. I'm super happy for you Alice. Come give me a kiss", sabi niya habang hawak hawak ang pareho kong pisngi at pinupog ng halik ang pisngi ko.
"Mwah mwah mwaaah mwah"
Biglang kaming napatigil at nagkatitigan ng split seconds saka nagtatatalon ulit.
Hindi talaga ako makapaniwala. Eto na 'yon. Eto na talaga yahoooo
"Wait lang, tama na , tama na", saway sa akin ni Pi. Hindi ko napansin na ako na lang pala ang nagtatatalon.
"Baka kung ano na naman ang mangyari sa'yo, atakihin ka na naman", pangangaral nito sa akin.
"Naku Pi. Busy din ang asthma ko kasi kinikilig din siya. Chaaarles. My Chaaarles. I love you love you love you so much my sweetest Charles", sabi ko sabay talon sa kama at dumapa.
Kinuha ko ang cellphone ko para mag-alarm ng time na paliligo.
"Kung 7pm niya ako susunduin, anong oras dapat ako maligo at gaano katagal para maging sobrang fresh ako tingnan kapag nakita niya ako?", tanong ko sa sarili ko.
"Edi maligo ka na ngayon tapos maligo ka ulit mamaya. Ano ba Alice, pati ba naman paliligo ng extra eh kinakatamaran mo?", sagot ni Pi.
"Pero wait, ikwento mo sa akin kung ano ang usapan ninyo?", sabi niya saka tumabi sa akin.
YOU ARE READING
Uncry My Tears
Storie d'amoreDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura