Alice Sonn
Biglang lumiwanag agad kaya naman napatakip ako sa mata ako.
"Ganito ba talaga kaliwanag 'tong ilaw natin dito sa kusina?", reklamong sabi ni Phoebe na silaw na silaw din. Para tuloy kaming mga bampira na sinisikatan ng araw.
"Ganito talaga 'tong kaliwanag, nag-aadjust pa lang mga mata natin. Bakit kasi may papatay patay pa ng ilaw eh. Hahaha 'yan tuloy!", pang-iinis ko sa kanya.
Mga after ilang segundo, umayos na din ang vision ko though pipikit pikit pa rin ako.
"Alice. Every. Little. Details. Kuha mo?", sabi niya sa akin. Pumwesto na siya sa kama niya at binuksan ang electric fan. Gets ko na 'yun, gusto nya lahat ikwento ko.
"Sandali lang, mag-iiba muna ako ng damit, baka marumihan or masira eh", sabi ko saka pumunta sa may drawer at kumuha ng isang tshirt na pangbahay. Tumayo na din naman si Phoebe dahil alam niya na hindi ko kayang inuzip 'tong dress.
"So pwede mo na ba umpisahan?", pangungulit niya noong nakapagbihis na ako.
"Tara, dun sa kama yieee", excited kong sagot saka tumalon sa kama.
Kinwento ko lahat ng detalye ng date at pagpopropose ni Charles mula sa pagbyahe papunta sa restaurant, kung anong music ang pineplay ng mga oras na 'yon, pati ang pagbukas ni Charles ng pinto at paghalik niya sa kamay ko. Pati ang pagbati ng restaurant manager, kung ano inorder namin. Yung eksaktong mga words ni Charles nung tanungin na niya ako pati yung reaction ko at sagot ko.
"Wow! Wow lang talaga! Ahhh nakakakilig naman 'yon. Buti pa si Charles may romantic na buto sa katawan niya hahaha eh ikaw? Normal na buto lang meron ka!", sabat ni Phoebe.
"Wait lang eto pa! Edi sobrang tahimik ng lahat diba tapos nung pag'yes' ko, hanep, nagging sobrang ingay ng restaurant. Pumapalakpak at naghihiyawan pa yung iba. Yung iba naman ay naiyak pa hahaha", natatawang kwento ko sa kanya habang inaalala ang nagging eksena kanina.
"Andami nyo pa lang napakilig ah! Edi sikat na kayo? Hahaha", sabi niya.
"Hindi kami sikat pero for sure, matatandaan kami ng manager ng restaurant kasi binigyan niya kami ng champagne kahit hindi naman kami umorder non", kwento ko pa kay Phoebe.
"Don't tell me uminom ka ng champagne?!", mabilis na tanong ni Phoebe habang pinapalo palo pa ang braso ko.
"No! Syempre hindi. Nung pag-alis ng manager, kinuha agad ni Charles yung champagne ko dahil alam niya na hindi ako pwedeng uminom ng mga alcoholic drinks", pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Yon, buti naman. Kala ko—", napatigil si Phoebe at sinenyasan ako ng wag ako mag-ingay.
"Bakit, ano yon?", bulong ko sa kanya.
"May naririnig akong nagvvibrate. Nasaan ang phone mo?", sagot niya sa akin.
"Ay nasa table, wait kunin ko", sabi ko saka ako tumayo.
Edgar Editor calling...
"Hello?"
"Hello, Alice", sagot ni Edgar. Si Edgar ang isa sa kinukuha minsan ni Charles na editor sa mga videos niya. Bakit naman kaya 'to napatawag? Ayy baka icongratulate lang ako yieee.
"Bakit sino 'yan?", tanong naman ni Alice na sinundan pala ako.
Nilayo ko muna sa bibig ko yung phone, "Si Edgar. Edgar editor", sagot ko kay Pi na tumango lang.
"Oh Edgar, napatawag ka", sagot ko.
Edgar Lee (Video Editor)
Kamusta kaya ang naging proposal ni Charles kay Ali?, naalala ko na ngayon nga pala balak magpropose ng kaibigan kong si Charles. Isa siyang vlogger at ako minsan ang nag-eedit sa mga videos niya. Sa pagkakatanda ko ay 6 year na sila ng jowa niyang si Ali at hindi pa sila kailan man nagbreak or nagcool-off. Pangkaraniwan kasi sa mga relasyon ngayon ay parang switch ng ilaw, on-off-on-off. Pero sila hindi, matibay ang relasyon nila. Minsan nakakapag kwento sa akin si Charles na may tampuhan sila, pero syempre, given na 'yun. Sino ba ang perfect na magjowa?!
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura