Alice Sonn
Dalawang araw nang tapos ang final exams week. Hinihintay na lang namin ang pagpost ng school ng mga grades namin sa student portal. Nandito ako ngayon sa library upang magpalamig.
"Alice, pwedeng makitabi?", tanong ni Ray na isang marketing student. Kilala ko siya dahil pareho kaming nasa English Club.
"Ay sige, sure", sagot ko sa kanya kaya umupo agad siya.
"Condolence ulit. Kamusta ka na?", seryoso niyang sabi sa akin. Isang buwan pa lamang na namamatay ang Kuya Allan ko. Nabangga ng isang van ang kotseng minamaneho niya, malakas ang impact ng banggaan kaya matindi ang pagkakauntog ni Kuya dahilan upang mawalan agad siya ng buhay. Simula noon ay lalong naging mailap sa akin sina Mama at Papa. Pakiramdam ko ay sa akin nila ibinubunton ang galit na nararamdaman nila sa pagkamatay ng kuya ko.
"Hindi pa rin okay", tipid kong sagot kay Ray.
"Alam mo kung kailangan mo ng kausap or kahit ng kasama lang, ichat or itext or tawag ka lang ha", sabi niya sa akin. Naging malapit kaming magkaibigan dahil sa mga palagiang meeting sa club namin at sa mga projects na inaassign sa amin. Masasabi kong bukod kay Kuya Allan ko ay itong si Ray ang isa sa mga malapit kong kaibigan.
"Ay sige. Salamat", sagot ko sa kanya. Tumunog ang cellphone niya na hindi pala nakasilent kaya naman nilapitan kami ng isa sa mga librarian. Agad na nilagay ni Ray sa silent mode ang cellphone niya at itinago sa kanyang bulsa.
"Hindi pa ba malinaw yung nakapaskil sa halos lahat ng sulok nitong library? Keep. Silent. Turn. Off. Your. Phones", masungit nitong sabi habang inaadjust adjust pa yung suot niyang salamin.
"I'm sorry Ma'am. Cellphone ko po iyon, nakalimutan ko lang po isilent", pagsosorry ni Ray.
Tinaasan pa kami ng kilay ng librarian saka umalis. Pakasungit naman no'n. Wala sigurong boyfriend?
"Tara, alis na tayo?", yaya sa akin ni Ray.
"Ay sige, mauna ka na muna", sagot ko sa kanya.
"Okay. Kita tayo mamaya sa may English room ha", sabi pa niya saka umalis.
Mga ilang minuto pa ay nagvibrate ang cellphone ko, nagtext si Czarina.
From: Czarina (BSE)
Alice, nasa portal na raw ang mga grades. Pwede na iaccess. Nandito nga pala kami sa lobby. Nasaan ka?
Pagkabasang pagkabasa ko at tumayo agad ako at pumunta sa computer room na nasa loob rin ng library. Nag open ako ng isa sa mga PC para maglog-in sa student portal.
Sa lahat ng subjects ay tatlo lang ang naipasa ko at puro minor subjects pa.
Naramdaman ko agad ang kaba at para bang lalong lumamig agad ang aircon dito sa computer room. Pinrint ko na lang ang grade report saka umalis.
Hindi ko na pinuntahan sina Czarina sa lobby ng school dahil ang gusto ko lang gawin ay umuwi ng bahay at magkulong sa kwarto.
Dahil hindi pa talaga uwian ay walang mga nagdadaang bus kaya nagtaxi na lang ako para makauwi. Habang nasa sasakyan ay napapansin ko ang pagbabago sa paghinga ko kaya minabuti kong sabihin sa driver na bilisan ang pagmamaneho.
Pagkarating ko sa amin ay dali dali akong umakyat sa kwarto at naglock ng pinto. Hindi ako sigurado kung nakauwi na ba sina Mama at Papa galing trabaho. Nagpalit agad ako ng damit upang makaramdam ng ginhawa. Humiga ako at naginhale exhale upang pakalmahin ang sarili ko.
Mga ilang minuto ang lumipas ay narinig kong may kumakatok. Bumangon ako upang buksan ang pinto. Si Mama.
"May grades na ba?", tanong niya agad pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura