Chapter 8

2 2 0
                                    

Phoebe Evans

"'Yun nga at dito ka na papasok sa eksena. Pi, what should I do?--". Sabi ko na eh.

"--Sinabi sa akin ni boss na ako ang may pinakamalaking chance na mapromote sa mga bagong hires, kaya ayaw niya akong payagan magleave. Tuwing June kasi inaassess ng mga division managers ang mga performances at ayaw ni Ma'am na mawala ang chance ko sa promotion na 'yon"

"Gusto kong pumunta sa Dublin at makisaya sa Bloomsday Festival para kay Charles pero gusto ko rin ng promotion na 'yon. Phoebe, help me decide", dagdag pa niya habang hinihila hila ang kamay ko. Ang simple simple lang naman ng solusyon.

"Bakit mo kailangang pumili?", tanong ko sa kanya na ikinunot naman ng noo niya.

"Syempre, kailangan kong pumili", sagot naman niya. Ang kulit din nito, tinanong na kung bakit, 'syempre' ang isasagot? Tandaan, hindi matinong sagot ang 'syempre' kung tinatanong ka ng rason o inaasahan kang magbigay ng explanation.

"I mean is, bakit ka pipili, kung pwede mo naman gawin pareho", sagot ko sa kanya na Lalo naming ikinunot ng noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ang pinopoint ko ay makukuha mo 'yung promotion na 'yun at makakapunta ka rin sa Dublin. Hindi nga lang sa taon na 'to. Samakatuwid, sinasuggest ko na, 'wag mo munang ituloy ang byahe mo abroad ngayong taon. Magstay ka muna hanggang matapos ang evaluation ng mga boss mo sa'yo na sure naman ako na 'promoted' ang desisyon nila. Tutal yearly naman ginaganap ang festival na 'yun diba? edi next year ka pumunta. Voila! Problem solved.", proud na pageexplain ko sa kanya.

Alice Sonn

"...Viola! Problem solved", pagpapaliwanag ni Phoebe. Hindi ko naisip yun ah!

"Sa tingin mo, okay lang yon?", tanong ko sa kanya. Alam kong wala namang kaso kung hindi ako ngayong taon umattend sa Bloomsday Festival pero syempre, gusto kong matupad yung pangarap ni Charles. Kahit alam ko nang nagbibiro lang siya nung sinabi niya 'yon, alam ko rin naming gusting-gusto niya ang makarating dun.

"Oo naman, okay lang 'yon noh! Atsaka sigurado rin ako na kung nandito si Charles ay susuportahan ka rin niya para makuha mo ang promotion na 'yan", sagot naman niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko siya sagutin. Pero tama naman talaga si Phoebe, taon-taon naman ginaganap ang festival.

Kinuha ko ang kalendaryo na ako mismo ang nagdesign. Inilipat ko ang page sa month ng June at nilagyan ng note ang June 16, June 16, 2020.

"Alam mo namang gusto ni Charles na makita kang masaya at successful diba", sabi ni Phoebe habang nakaakbay sa akin. Isinandal ko ang ulo ko sa may leeg niya habang nakatingin sa June 16 ng kalendaryo.

Eto na naman yung mga mata ko na nagbabadya sa pag-iyak. "Miss ko na siya, Phoebe", mahinang sabi ko. Simula nang mawala si Charles, pinipilit ko ang sarili ko na maging masaya at hangga't maaari ay iniiwasan ko siyang isipin para hindi ko siya mamiss, para hindi ko maalala yung mga oras na kausap,kasama at nakikita ko siya. Pero parang lalo ko yatang labanan ay lalo kong naaalala na hindi ko na muli siya makikita.

Hindi nagsalita si Phoebe pero naramdaman kong ipinatong niya ang mukha niya sa akin.

Mga ilang minuto rin kaming tahimik sa ganitong pwesto.

"Ahm Alice?", sabi ni Phoebe. Dahil nga nakasandal ako sa kanya ay ramdam ko ang pagvibrate ng katawan niya nung nagsalita siya.

"Bakit Phoebe?", wala sa sarili kong sagot.

"Late na kasi, hindi ka pa ba magdidinner? Tsaka ang init na kasi", sagot niya habang tinatanggal ang kamay mula sa pagkakaakbay sa akin. Umayos naman ako ng upo at lumayo layo sa kanya.

Uncry My TearsWhere stories live. Discover now