Alice Sonn
"I'll serve the dessert after a couple of minutes Ma'am, Sir. Enjoy your food", sabi ng waiter saka umalis.
Nag-umpisa na kaming kumain. May kinukwento siya about dun sa nakilala niyang vlogger din last travel niya.
"Hey, you have uhm a something in your --", biglang sabi ni Charles. Nahiya tuloy agad ako dahil syempre nakakahiya. Pupunasan ko na sana ng tissue ang bibig ko nang hawakan ni Charles ang kamay ko para pigilan.
"Let me", sabi niya saka pinahid ang gilid ng labi ko gamit ang kamay niya. GANITONG GANITO YUNG NAPAPANOOD KO SA MOVIE EH! So akala ko acting lang ng mga babae yun, totoo pa lang kikiligin ka!
"Hihihi nakakahiya naman", sabi ko.
"I think I am the luckiest man in the world", biglang sabi ni Charles. ANO BA CHARLES?! OFF-TOPIC NAMAN 'YANG PINAGSASASABI MO EH!
"And why is that?", tanong ko sa kanya. Alam ko naman na talaga ang isasagot niya, gusto ko lang ulit marinig.
"Because you are here. With me. They say that you will only fall in love once--", sabi niya dahilan naman para lalong bumilis ang tibok ng puso na para bang kakawala na sa ribcage.
"but I tend to oppose that because I have been falling in love for six years--". Eto na yata yung sinasabi ni Phoebe na signal para sa proposal.
"and I plan to continue to fall in love with you for the rest of my life—" sabi ni Charles habang may kinukuha mula sa inner pocket ng tuxedo niya.
Sana pala sineryoso ko na yung practice namin kanina ni Phoebe dahil wala tuloy ako maisagot sa kanya. Nakatitig lang ako kay Charles habang pinapanood siyang magsalita.
Inilabas na niya yung kinuha niya ngunit ko pa rin iyon makita dahil nasa loob ng palad niya.
Tumayo si Charles mula sa pagkakaupo at lumapit sa akin. Ngumiti siya saka lumuhod. Shocks Phoebe nasaan ka? Irehearse mo ako ngayon!
"Alice Sonn—", sabi niya habang binubuksan yung maliit na box na kinuha niya mula sa tux niya.
"—I want to fall in love with you every single day—". Isang silver na singsing na may kumikintab na diamond sa gitna ang laman ng box. Pansin ko na nangangatal ang kamay niya habang sinasabi niya ang mga salitang 'yun. Napansin ko rin na tumigil ang tugtog ng violin. Sobrang tahimik tuloy, wala akong naririnig na tunog ng kutsara at tinidor against sa plato.
Nilingon ko ang paligid, lahat sila ay nakatingin sa amin. Ang iba ay kinukuhan pa kami ng video at halos lahat ng mga babae ay nagpupunas ng kanilang mga mata, umiiyak sila.
Binalik ko ang tingin ko kay Charles. Nakangiti lang siya sa akin. Wala talagang halong biro, ang puso ko kakawala na sa ribcage!
"I want to grow old with you—". Nakakabingi ang katahimikan, parang tumigil sa pagtakbo ang oras.
"Will you marry me?"
Walang salita ang lumalabas mula sa mga labi ko kaya tumango lang ako sa kanya.
"R-really?", masayang tanong niya.
"Yes Charles. I will marry you", sagot ko. Mabilis naman niyang tinanggal sa box yung singsing. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko saka isinuot sa ring finger.
"Yes!"
"Congrats!"
"Cheers"
"We're happy for you!"
Mula sa tahimik ay biglang umingay ang loob ng restaurant. Napuno ng palakpakan at hiyawan ang bawat sulok nito. Tumayo si Charles mula sa pagkakaluhod niya at hinalikan ako sa pisngi.
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura