Chapter 9

3 2 0
                                    

"Miss Sonn, I'm very glad that you have made up your mind. I'm sure that you will get this promotion dahil bilib ko sa husay at dedication mo", pagpupuri sa akin ni Boss. Nasa office niya kami ngayon dahil pinatawag niya ako regarding this promotion matter nga.

"Thank you po, Boss", sagot ko sa kanya.

"Basta ipagpatuloy mo lang yang level ng creativity mo at for sure, team leader na ang title mo sa June", dagdag pa niya. Nahiya naman ako dahil sa mga compliments na sinasabi ni Boss kaya ngumiti na lang ako sa kanya.

"Ay bakit hija? Napepressure ba kita? Naku, sinasabi ko sa'yo, ang mga magagaling na katulad mo ay lalo pang nahahasa kapag pinepressure ng magandang ladyboss nila", pagbibiro pa niya.

"Thanks po talaga Boss. I will do my best to meet your expectations po", masayang sagot ko sa kanya.

Dinismiss na ako ni boss kaya naman ay bumalik na ako sa table ko. Nilapitan agad ako nina Bea at Richie nang makita nilang nakaupo na ako.

"Anong sabi sa'yo ni Boss? Bakit ka daw niya pinatawag?", nagmamadaling tanong ni Richie. Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko dahil baka mayabangan sa akin 'tong dalawang 'to. 3 years na kasi silang nagtatrabaho dito samantalang dadalawang buwan pa lang ako dito pero napili agad ko bilang candidate para sa promotion.

"Ah eh, yung tungkol sa promotion", matipid kong sagot.

"So edi totoo nga?! Aaaaa ang galing galing mo Alice!", masayang sagot ni Bea na nairit pa.

"Edi totoo nga din ang usap-usapan?", singit ni Richie.

"Anong usapan?", nagtatakang tanong ko.

"Kasi nung wala ka pa Alice, sobrang terror niyang si Ma'am, na kapag pinatawag ka niya sa office ay either pagagalitan ka niya dahil may nagawa kang hindi tama o kaya naman ay bibigyan ka niya ng additional workload.", pagpapaliwanag ni Richie.

"Hala! Baka pinainom mo si Ma'am ng gayuma Alice ha kaya naging mabait 'yan", sabi ni Bea.

"Hinaan mo nga 'yang boses mo Bea! Baka mamaya ay biglang lumabas 'yan mula sa office niya, mahuli ka pa! Tignan ko lang kung hindi bumalik pagiging maldita niya sa'yo", sermon ni Richie kay Bea habang tinatakpan pa ang bibig nito.

"Ano ba Richard?! Diba sabi ko sa'yo eh 'wag mo akong hahawakan?!", galit na sabi ni Bea pagkatapos niyang tanggalin ang kamay ni Richie sa bibig niya saka inihagis sa ere.

"Shh shh guys! 'Wag na mag-away oh. At Bea, hindi ko ginayuma 'yang si Boss", pananaway ko sa kanila. Napansin ko na iniwas nila ang tingin sa isa't-isa. Mukhang meron akong hindi alam sa dalawang 'to.

"Okay lang kayo?", tanong ko sa kanila. Hindi sila sumagot pero lalong nangunot ang mga noo nila. Okay, gets ko. Hindi sila okay.

Narinig naming bumukas ang pinto ng office ni Boss kaya mabilis kaming umayos ng pagkakaupo. Nagmamadaling bumalik si Richie sa cubicle niya habang pinapagulong ang upuan niya. Binuksan ko naman agad ang desktop ko at kumuha ng ballpen para magpanggap na may ginagawa.

"Bea", narinig kong sabi ni Boss. Tumunghay ako ng kaunti para makita ang nangyayari. Nasa may isle kasi ang area ni Bea kaya naman siya ang unang nakita ni Boss.

"Yes, boss", sagot ni Bea na tumayo pa.

"No, it's okay, just sit down. I just want to inform you that you can go home early mamaya. Pasabihan rin sina Rosie at Oscar ha", sabi ni Boss.

"Y-yes po Ma'am. Thank you po"

Narinig ko ang pagfade ng tunog ng heels ni Boss. Umalis na siya.

Uncry My TearsWhere stories live. Discover now