Alice Sonn
"So ano? Napractice mo na ba?", tanong niya sa akin. Napractice ang ano?
Nang magets niya na hindi ko gets ang tanong niya ay napabuntong hininga.
"Hello Aliiice? 'Wag mong sabihin sa akin na hindi mo irerehearse ang magiging sagot mo sa tanong niya na 'Will you marry me?'"
"So paano? Ganito ba? 'Yes, Charles. I will marry you!' or 'Of course, Charles. I love you' or simpleng 'YES!' pero nagtatatalon", pagbibigay niya ng options sa akin habang umaacting na parang inaabot ang kamay at naghihintay na may maglagay ng singsing.
"Kailangan bang pag-isipan ko pa din yan? Ang alam ko lang ay malapit na kaming ikasal!", sabi ko na nairit pa.
"Ano ka ba? Hindi pwedeng makita ni Charles na alam na alam mo nang yayayain ka niya ng kasal. Dapat kunwari nabigla ka at wala kang idea kung para saan yung date na 'yun ano ka ba!", sagot niya sa akin.
"Dapat umarte ka lang na para sa'yo, isa lang 'yung simpleng date na hindi mo inaanticipate na magpopropose na siya sa'yo! Dapat perfect yung expression ng pagkagulat mo at dapat maging memorable yung sagot mo sa kanya", pagpapaintindi niyang sabi sa akin. Dami talagang alam nitong ni Phoebe kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, single pa din siya! Sobrang andaming alam na romantic ideas!
"Kaya ganito. Magpapanggap ako na ako si Charles na nagpopropose sa'yo tapos sasagutin mo. Game?", sabi niya saka lumuhod sa kanang tuhod niya.
"Okay Game! Wala naman akong magagawa eh! Siguraduhin mo lang na marami pa tayong oras dahil aayusan mo pa ako ha!", sagot ko sa kanya.
"Alice Marie Sonn, will you marry me?", sabi ni Phoebe habang nakaluhod at kunwari ay may hawak na box ng singsing.
"Yes Charles! I will marry you!", sagot ko naman.
Bigla siyang tumayo at tinapon yung kunwari niyang hawak na box.
"Mali! Hindi dapat ganyan! Dapat tatanungin mo muna kung ano yung ginagawa niya", sabi niya sa akin. Medyo naririnig ko na nagsusungit na naman siya.
"Tsk eh bakit ko pa tatanungin kung alam ko naman na kung ano gagawin niya", pangangatwiran ko. Totoo naman diba? Bakit ko pa tatanungin? Ang importante ay ang sagot ko hahahaha.
"Arggh I mean, you must 'ACT' like you have no idea kung anong ginagawa niya! Gosh Alice. Hindi ka pa nakakapanood ng mga marriage proposal videos?", halatang halata na nakukulitan na siya sa akin.
"Nakapanood naman na", mahina kong sagot.
"Yun naman pala eh. Akala mo genuine reactions yung mga yon? Pwes let me tell you this. Nirehearse nila yon!". Nirerehearse pa pala yung mga ganun?
"Eh bakit kasi kailangan ko pang practice-in yung isasagot ko?", tanong ko pa dahilan kung bakit ako inirapan ni Pi.
"Wala ka bang kahit isang ugat man lang na romantic diyan sa katawan mo?! Kailangan practice-in para mafeel ng lalaki na nasurprise mo siya. Kasi kung hindi ka nagulat, although wala naman 'yun na impact sa proposal,---"
"Oo na oo na. Sige na. Kuha ko na", sabi ko sa kanya para patigilin na siya sa explanations niya at para na rin maumpisahan niya akong ayusan. Uulitin ko, this is it!
"Okay. Ganito,--", panimula niya habang naglalakad papuntang dining area saka umupo sa isa sa mga upuan.
"When Charles say something na 'Alice, I want to ask you something' or 'I want to tell you something, Alice' or anything na hint na sasabihin na niya yung proposal niya, under no circumstances, you should not show na alam mo na ang susunod na mangyayari"
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura