Phoebe Evans
Kinwento ni Alice ang tungkol kay Edgar na dating video editor ni Charles. Tulad niya ay sobra din akong nagulat sa revelation na 'to. Gwapo pa naman 'tong si Edgar at sa totoo nga ay naging crush ko pa siya nung una ko siyang nakita sa ospital, matipunong lalaki at mukhang gentleman. Sayang talaga.
"Hahaha naku Pi, sinasabi ko sa'yo, kung maririnig mo rin kung paano niya sabihin yung 'Eww', for sure, kikilabutan ka rin", patuloy sa pagtawang sabi ni Alice.
"Hanep Edgar. Napakagaling magkubli! Naloko niya tayo!", dagdag pa niya. Malapit nang maghating gabi kaya naman naantok na ako.
"Oh siya siya. Tama na muna 'yan. Late na at bukas ang first date namin ni Eddie. Ayokong magkaroon ng dark circles sa mata ko", saway ko kay Alice dahil hindi pa rin siya makaget over sa nalaman niya kay Edgar. Kung wala nga lang ako lakad bukas ay ipagpapatuloy pa naming 'tong kwentuhan na 'to hanggang mamayang madaling araw.
"Ayyy oo nga pala! Dapat fresh ka tingnan", sagot niya sa akin.
"Sige, mauna na muna akong magtoothbrush. Likumin mo na 'yang mga kalat ha", utos ko sa kanya.
"Ako pa rin ang maglilinis? Eh ako na nga 'tong bumili", reklamo pa niya.
"Date", sabi ko na habang itinuturo ang sarili ko. Wala naman siyang nagawa kaya inayos na rin niya ang mga pinagkainan namin.
***
Nagising ako nang makarinig ako ng pagkalakas lakas na katok. Chineck ko ang cellphone ko para tingnan ang oras, 5:30am. Sino ba naman ang dadayo ng ganitong oras? Bumangon ako upang pagbuksan kung sino man yung istorbo sa tulog ko. Similip ako sa peephole ng pinto, wala namang tao.
Binuksan ko nang kaunti ang pinto at sumilip sa labas. Nakita ko ang isang lalaking nakahood na kulay darkblue na nasa tapat ng pinto ng katapat naming unit. Kumatok pa siya ulit ng sobrang lakas kaya hindi ko na napigil ang inis ko. Okay lang magising sa alarm wag lang maistorbo ang tulog dahil sa katok ng bisita ng kapitbahay!
"Excuse me?!", pabalang kong sabi dito. Napatigil tuloy siya sa pagkatok at dahan dahang ibinaba ang kamay.
"Sa lakas ng pagkatok mo, malayong hindi magising 'yang nasa loob ng unit na yan. At kung nakakasampung katok ka na, please lang, ako na magsasabi sa'yo kung hindi mo pa naiintindihan. AYAW KA NIYANG PAGBUKSAN!", sigaw ko sa kanya.
"Kaya pwede ba? Itigil mo na yang pagkatok sa pinto kasi nakakaistorbo ka ng tulog!", dagdag ko pa. Napaatras naman ako ng kaunti nang gumalaw siya para lingunin ako.
"Hindi ko kasalanan na mababaw ang tulog mo--", mahina niyang sagot. Pamilyar ang boses niya at mukhang kilala ko kung sino 'tong lalaking 'to.
"--Phoebe", nanlaki ang mata ko nang binanggit niya ang pangalan ko saka humarap.
"Anong ginagawa mo dito?!", naiinis kong tanong sa kanya. Nginitian niya ako na halata namang ginawa niya lang para lalo akong magalit saka tumalikod ulit.
"'Don't worry. Hindi ikaw ang pinunta ko. Mabuti pang pumasok ka na sa loob", sagot niya.
Lalong nagngitngit ang galit ko nang magsalita pa siya. Nilaksan ko ang pagbagsak sa pinto at padabog na pumunta sa may lababo upang maghilamos. Sobrang init ng mukha dahil sa galit at feeling ko ay malapit na akong mahighblood.
Pinunasan ko ang mukha ko at binuksan ang fridge upang kumuha ng maiinom.
"Ano ba? Ang ingay naman", narinig kong sabi ni Alice. Nagising rin siguro siya sa lakas ng pagkatok nitong si Jackson.
"Bakit ba ang ingay mong kumilos?", reklamo pa niya kaya nilingon ko siya, nakaupo na siya sa kama at pupungas pungas.
"Bumalik ka na lang ulit sa tulog", utos ko sa kanya habang nagsasalin ng tubig sa baso.
YOU ARE READING
Uncry My Tears
RomanceDevastated Alice meets surly Joseph. Find out how their opposite hearts will attract. Uncry My Tears (Book 1 of the Strangers series) ©fabuLOUs_Laura