one~~ (past 1) Madison Astrid Diaz Zain

2.7K 32 0
                                    

Madison's POV

"Ma, papasok na po ako...."

"Wait lang anak nakalimutan mo yung baunan mo ng pagkain at teka yung pera--"

Pinatigil ko siya sa pagkuha niya ng pera sa wallet niya.Kita niya yun kahapon sa kakatinda ng gulay sa palengke.

"Ma, OK na ako...kahapon binigyan niyo po ako ng pera, hindi ko naman po nagastos yun kaya yun nalang ulit"


"Pero anak, dapat lang na magmeryenda ka naman tuwing break, Ok lang ito...."


"Ma, ibigay niyo nalang po yan kay Anna, siyanpo kailangan niya yun sa school niya...."

Malapit na akong maggraduate sa college, ilang buwan nalang at tapos na ako.Ang kausap ko kanina ay ang mama ko na si Maria Diaz-Bartolome, at ang kapatid kong si Anna Marie Bartolome.Kapatid ko siya sa ina.Ang tunay kong ama ay pumanaw na.Isang hardinera si mama sa isang mayamang mansiyon noon. Nagkaroon daw ng sekretong relasyon sina mama at yung anak ng may-ari na si Jefferson Zain, isang banyaga at ako ang bunga.

Pero ang kwento ni mama ay nagkaroon ng massacre sa mansiyon na yun at namatay ang buong pamilya.Namatay doon ang aking ama.Ang sabi daw ay may illegal daw silang gawain kaya nagkaroon ng patayan doon.Ang narinig daw ni mama ay tungkol sa Organization daw yun o ano, basta!!

Dahil namatay na ang buong pamilya ay kasamang namatay ang puso ni mama pero ng makilala niya si Marcos Bartolome na siyang ama ni Anna at tumayong ama ko na rin ay bumalik sa sigla si mama.Masaya na siya ngayon kay Papa Marcos.

Tanggap niya ako kahit hindi siya ang tunay kong ama.Tinuring niya akong tunay na anak.Nang pinanganak ako ay siya ang umayos sa lahat.Si mama ang pumangalan sa akin pero naisulat niya ang Zain na apelyido ko na dapat daw ang Bartolome.Nagkaroon sila ng kunting away doon pero tinanggap na din ni Papa dahil para alam ko daw kung saan ako nanggaling o kahit kunting impormasyon sa ama ko.


Natatakot daw si mama dahil Zain ang naisulat niya.Pinatay ang tunay kong ama dahil sa mga illegal na gawain niya, baka daw madamay ako pero ilang taon nang tapos yun kaya maayos na ako.Pero sa tuwing pumapasok ako at umuuwi sa bahay ay sumasalubong sina mama at papa sa akin.

"Ate!! Papasok ka na...."


"Opo..."


"Ayoko pong pumasok kasi binabalaw ako sa school...."

Napatingin ako kay Anna sa sinabi niyang binabalaw siya....

"Ano naman yun.."


"Na ang pangit ko daw at hindi daw po tayong magkapatid kasi maganda ka at iba yung kulay nang mata mo sa kulay ng mata ni mama, papa at ako"

Oo, tama siyang iba ang kulay ng mata ko sa kanila.Dark brown ang kulay ng mata nilang tatlo at ako naman na gray or silver yata.Ang hirap niyang idescribe....

"Hindi ka pangit...maganda ka..."


"Magkapatid po talaga tayo diba, iba lang sa ama..."

Sinabihan na namin si Anna tungkol sa pagkatao ko para ngayon pa lang ay alam niya na.At saka grade 4 na siya kaya maiintindihan niya na....

"Magkapatid tayo Ok?...o siya pumasok ka na kasi malapit ka nang malate ohhh"


Malapit lang ang school ni Anna dito sa tinitirahan namin.Nagtitinda kasi si mama ng mga pagkaing para sa mga bata.Kaya nilalakad lang ni Anna ang school niya.Ako naman na kailangan na magtricycle pa dahil may kalayuan.Pwede ko namang lakarin pero aabutan na ako ng second subject kagaya nung araw na wala akong pamasahe kaya nilakad ko talaga.Inabutan na ako ng second subject....

"Mag-iingat ka anak ahhh.....alam mo naman.."

"Opo...sige po, punta na po ako"


"INGAT ANAK!!!!" Tumingin ako kay papa na kinawayan pa ako kasi may kinukumpuni siyang kung ano-ano ...

"Sige po!!!"

Nilakad ko muna ang todahan ng mga tricycle pero nang makapunta na ako doon ay nakita kong ang huking tricycle na paalis na ay puno na nang mga pasahero.


Patay! Paano na toh....baka malate na naman ako.Ayoko pa namang mag-absent ng first subject kasi mga long quiz kami.Hindi toh pwede.....

Lumakad na ako ng mabilis na kung papansinin mo ay parang tumatakbo na ako.Hindi ako pwedeng malate shet!

Ilang minutes nalang ay malalate na ako kaya tumatakbo na ako.Sa tuwing may makikita akong tricycle ay nauunahan ako sa pagsakay.

Napatingin ako sa kabilang kalsada ng may tricycle doon na naghihintay ng pasahero.Napatingin ako sa medyo kalayuan doon na tumatakbo dahil sa tricycle kaya tumakbo narin ako palapit doon...

*peeeeppppp!!!*

Napatingin ako sa harapan ko malapit na akong masagasaan ng kotse.Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.Napatingin ako sa tricycle na paalis na at marami nang sakay na pasahero.

Napahawak ako sa ulo ko sa inis. Naunahan na naman ako....


"Hey!!! Kung haharang ka lang diyan ay pwede umalis ka na, malalate na ako"

"Ako din naman!!!"

Sagot ko sa sinabi niya na kinabigla niya din.Dahil narinig ko pa yung 'hahh!' niya.Para namang babae.Napatingin ako sa bintana nang bumaba yun at lumabas yung ulo niya.

Napatulala ako sa itsura niya.Tulad ko rin yatang may lahi din kasi kita naman sa itsura niya at nakakaakit siya yun lang....

Napatingin siya sa katawan ko n aparang pinasadahan ako ng tingin.Napayakap ako sa sarili ko.

"Hoy!! Ano yang tinitingin mo diyan?!!"

"Nahh...parehas lang tayo ng school na pinapasukan dahil sa ID mo.Sumakay ka na!!! Bilisan mo dahil malalate na ako!!!"

Dahil tama siya na malalate na kami ay sumakay na ako bigla.Hindi kami nag-uusap sa loob dahil nagmamadali na ako.

Kinuha ko ang wallet ko na may laman lang na 100 pesos at 25 cents..

"No need to pay...." sabi niya na alam na yata ang gagawin ko.Binalik ko nalang ang pera sa wallet ko.


Nang makarating kami doon ay agad na akong lumabas.

"Salamat!!!!" sigaw ko at nagmamadaling pumasok na.Nung lumabas ako sa kotse niya ay pinagtitinginan ako ng mga ilang students doon na hindi ko alam kung bakit.Ano naman kung lumabas ako sa kotse niya.

Nang makarating ako sa room ko ay agad akong pumunta sa upuan ko na kasabay ng pag-upo ko ay nagring na, magsisimula na ang first subject. Napahinga ako ng maluwag sa upuan ko.......

Muntik na akong malate.....

Swertehan nalang siguro yun......Hindi ko man lang nakuha ang pangalan niya.Pero ok lang....atleast hindi ako nalate, makikilala ko naman siya dito dahil schoolmate ko naman.....

....

....

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon