thirty-seven~~ her family

854 19 0
                                    

Madison's POV

"Mukhang nagkakabutihan kayo ni Chase ahhh...nagpapakita na siya ngayon pagkalipas ng mahabang panahon. Pwede nang ilagay sa Guinness Book of records... pinakamahabang tampuhan..."

Napatingin ako kay mama na nagwawalis ng sahig. Lagi na kasi akong hinahatid-sundo ni Chase.

Yup! Kami na..

Ang alam ni mama ay nagtampuhan lang kami ni Chase at may pinuntahan itong trabaho....

Hindi dapat akong magsinungaling sa pamilya ko...

"Ma..."

"Bakit?--teka kukunin ko lang ang dust pan.."

Tumango nalang ako at hinayaan ko siya. Nilaro ko muna ang mga daliri ko. Kinakabahan kasi ako....

"Oh ano na anak..."

"Ammm....ma, alam niyo po nung nagkasakit si papa at kailangan ng operahan..."

"Hmmm??"

"Nag-Nag amm. ..nagb-break na kami ni Chase nung araw na iyun.."

Tahimik lang si mama hanggang sa makita ko ang paglaki ng mata niya kaya agad akong nagsalita.

"--pero ngayon ay kami na, deserve niya naman ang second chance kaya kami parin....ammm yun na nga.."

Binitawan ni mama yung walis tambo at dust pan at lumapit sa akin. Tinaas niya ang kamay niya kaya napapikit ako baka sampalin niya ako o ano man. Napadilat lang ako ng dumapo yun sa braso ko. Parang wala lang na hinawakan ang braso ko.

"Anak, matagal ko nang alam yun, lagi kasi kitang nakikita na umiiyak kung saan tapos hindi na nagpapakita si Chase kaya alam namin. Alam din ng papa mo yun....hindi nga lang si Anna..."

"Matagal niyo nang alam..."

"Oo, sa mga kilos mo noon ay alam na namin. Nagpanggap nalang kami na hindi namin alam, ayaw kasi naming makita kang nasasaktan. Naaawa nga ako sayo kasi nagtatrabaho ka para mawala ang sakit sa puso mo.. Dinadaan mo trabaho ang lahat kaya heto tayo ngayon, nakawala na sa hirap ng buhay ng dahil sayo kaya malaki ang pasasalamat ko doon. Nahihiya nga ako sayo kasi kami dapat ang gumagawa nun. Kami dapat ang nagtatrabaho para sa pamilya natin pero heto kami, walang ginagawa at sayo lang umaasa...."

Napangiti ako habang umiiyak sa sinabi ni mama. Agad akong lumapit pa ng husto kay mama at niyakap ito.

"Ma, ginusto kong magtrabaho. Ginusto kong manatili lang kayo dito. Dahil gaya ng pangako sa sarili na iaahon ko kayo sa hirap. Wala kayong dapat na ipasalamat dahil ako pa dapat ang magpasalamat. Nakapagtapos ako ng pag-aaral kung hindi dahil sa inyo..."

Napatawa ako at humiwalay kay mama. Pinunasan ko ang mga luha sa aking pisnge.

"Ano ba yan ma, ang usapan lang ay yung sa aming dalawa ni Chase. Nagkaiyakan na tayo..."

Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Anak, gusto ko paring makausap yang si Chase ahhh..."

"Opo, sasabihin ko po sa kanya iyun..."

**********

"Gusto nila ako makausap?"

"Yup, at saka doon ka nalang din magdinner..."

"Amm...Kinakabahan ako Maddie..."

"Dapat lang hahaha "

"At pinagtawanan pa nga ako.." nakangusong sabi nito sa akin, kaya mas natawa pa ako.

Pauwi na kasi ako sa bahay namin. Gaya nalang noon ay siya ang hatid-sundo. Pero may mga time na sinusundo niya lang ako dahil kailangan siya daw sa company ng papa niya..

Nang makapasok na kami sa loob ng bahay namin ay agad na sumalubong si Anna.

"Kuya!!!!.."

"Hi Anna, amm eto ohh give ko sayo.."

Abot ni Chase kay Anna ang isang box.

"Talaga po! Thank you po!!"

"Sige...maya mo nalang buksan ahh kasi tutulungan kita sa pagbukas niyan...."

"Opo!!"

Nang makapasok kami sa may sala ay agad na sumalubong si mama. Si papa kasi ay nasa lamesa na dahil nakahanda na yung pagkain doon...

"Sakto lang ang pagdating niyo. Kakatapos ko lang mag-ayos ng hapunan natin..."

"Sige po ma.."

"Geh po Tita..."

Kaya agad na kaming umupo sa mga upuan doon sa mesa.Habang kumakain ay napapatingin ako kina mama at papa. Panay kasi ang tingin nila kay Chase kaya hindi masyado makakain ng maayos si Chase.

Sakto namang napatingin si Chase kay mama na nakatingin sa kanya.

"M-Masarap po yung luto niyo po.." Ngumiti lang si mama at tumango at nagpasalamat bago kumain...

Agad kong hinawakan ang kamay ni Chase dahil parang nanginginig. Napatingin naman sa akin si Chase kaya ngumiti lang ako. Ngumiti lang din siya bago kumain.

Nang matapos na kaming kumain ay agad na nagsalita si papa.

"Anna, pwede bang doon ka muna sa kwarto mo o manood ka nalang muna.."

"Hmmm bakit po?"

"Kasi may pag-uusapan kami dito..."

Pero ayaw parin ni Anna na umalis doon kaya nagsalita na si Chase.

"Anna, sa tingin ko ay kaya mo namang buksan yung box na yun. Pero doon mo nalang sa kwarto mong buksan...."

"Yung box.." manghang sabi ni Anna kay Chase.

"Yup..."

"Sige po, bye!!"

Napatingin naman sina papa at mama kay Chase nang sumunod si Anna sa sinabi nito.

"Chase iho, bakit nga pala kayo naghiwalay ni Madison?..." sabi ni papa kay Chase.

"Misunderstanding po ang nangyari.."

"Ahh...so kayo ulit?"

"Opo....kami po ulit.."

"Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ng anak namin nung maghiwalay kayo. Hindi niya pa sinasabi sa amin ay kita na namin. Lagi siyang umiiyak kaya alam na namin...ayokong makita siyang ulit na masaktan iho....dahil kung yun din ang aabutin ng relasyon niyo ay mas mabuti pa lang na maghiwalay na kayo..."

"Maaasahan niyong hindi ko po sasaktan si Madison, aayusin ko po ang lahat para sa anak niyo. Magiging responsable ako sa anak niyo..."

"Hayy...si Madison ang nagbigay sayo ng pangalawang pagkakataon kaya ang magagawa nalang namin ay sumpotahan kayo. Dahil kung sa amin tatanungin ay walang pangalawang pagkakataon na ibibigay sayo.."

Napalunok agad si Chase kahit wala naman itong maiilunok.

"Kaya po hindi ko sasayangin ang pagkakataon na binigay sa akin ni Madison...."

Agad na umayos ng upo si papa at nagsalita ulit.

"Kung gayun, kailan niyo balak magpakasal?"

Pareho kaming dalawa ni Chase na napatingin kay papa sa sinabi nito.

Kasal agad...

"Aba, hindi na kayo bata para doon at tumatanda na kami kaya naghihinatay nalang kami sa mga apo namin...." sabat naman ni mama sa aming dalawa.

"As soon as possible...." sabi ni Chase na kinabigla ko. Kaya agad ko siyang hinampas sa braso.

"Aray! Bakit? Ma, pa, ang anak niyo po ohhh sinasaktan ako.."

Ma at pa, pa nga tawag ni Chase sa mga magulang ko ahh

Nagtawanan nalang ang mga magulang ko sa mga pinaggagawa ni Chase at ako naman ay napayuko nalang sa hiya.....

Baliw talaga itong mokong tohh....
..

....

CS3: My Playful ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon