Madison's POV
"Ang cute naman ni Baby Athena at Baby Althea ...."
"Naman, nagmana sa tito nila.." agad kong siniko si Chase sa sinabi niya. Nanganak na si Eris at eto na ang mga babies nila. At ku-cute nila....
Malapit na rin akong manganak, ngayong buwan na. At hindi ako nagpa-ultrasound dahil gusto ko ay surprise. Pero inalam namin kung kambal din ba ang anak namin at sadly to say ay hindi. Pero OK lang naman....sabi nga ni Chasenay pwede pang gumawa kaya nakatikim siya ng batok sa akin.
"Sa paglaki niyo, siguradong marami kayong mapapaiyak na lalaki..."
Napatingin ako kina mama Cath at papa Stephen na lumapit sa amin at tinignan ang mga anak ni Eris.
"God! Mga apo ko!!!! Stephen look!!! Mga nagmana sa akin. Magaganda sila!!"
"Nahhh sa akin din nagmana nohhh look at the nose..."
"Manahimik kang matanda ka..."
Napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ni mama Cath sa asawa niya. Lagi kasi silang nagbabarahan. At sa huli ay nananalo si mama Cath.
" ikaw iha, siguradong malapit ka na ring manganak. Ay naku! Ngayon palang ay ramdam ko nang sa akin ulit nagmana"
Nakitawa nalang ako sa mga pinagsasabi ni mama Cath.
Nung nakaraang-nakaraang buwan ay nagbirthday si Chase. Thirty na siya at ako ay ngayong buwan. Baka maisilang ko ang anak ko sa mismong birthday ko. Ok lang sa akin at masaya din.
Nauna na kaming umalis sa bahay nina Troy at Eris. Bibili kasi kami ni Chase ng mga gamit ng sanggol. Mga pacifier, damit, crib, toys at marami pang iba.
Nang nandoon na kami ay inuna na naming bumili ng mga gamit. Nakabili na kami ng mga damit, feeding bottles, pacifier at mga laruan.
Nahuli ang crib.
Naghahanap kasi kami nung magandang klase. Gusto ko ay yung malambot talaga at yung mga harang ay malambot din, in case na mauntog si baby sa mga harang ay hindi siya masasaktan kasi malambot lahat ng bagay na ginamit sa crib.
Ngayon ay may napili na kami, isang kulay blue at pink. Sinabihan namin ang nagtitinda na tatawag kami pagkatapos kung manganak at kung girl ang baby ay yung pink ang ipadala at kung boy naman ay yung blue.
Naunang lumabas sa store si Chase at nilagay niya lahat ang mga gamit sa compartment ng sasakyan niya at bumalik sa akin para alalayan akong maglakad.
Syempre kailangan maging safe kami ni baby.
Nagmakasakay na ako sa sasakyan niya ay tumingin ako kay Chase.
"Thanks daddy Chase..."
Napangiti lang si Chase at hinalikan ako ng mabilis sa labi.
"You're welcome mommy Maddie at baby.."
Umikot na siya at pumasok sa driver seat at nagdrive na pauwi.
Nang makauwi na kami ay tinawag namin ang mga maids para kunin ang mga minamili sa compartment ng sasakyan ni Chase, ok lang naman kasi hindi naman iyung mabigat.
Si Chase naman ay inalalayan ako sa paglakad papasok ng mansion.
Nang makarating kami sa sala ay kinausap ako ni Chase...
"Gusto mong uminom?"
"Water please..."
Tumango si Chase at kumuha ng tubig sa kusina. Napatingin ako sa kanya at napangiti. Ginagawa niya lahat ng gusto ko. Siguradong magiging mabuti siyang ama sa mga anak namin kasi mabuti siyang asawa sa akin....
At nang makabalik na siya sa akin bitbit ang basong tubig. Agad niya itong binigay sa akin kaya uminom na ako. Nagmatapos na akong uminom ay napatingin ako kay Chase na nakatingin sa akin. Ngumiti ito ng ngumiti ako. Hinimas niya ang malaking tiyan ko at nilapit niya ang mukha niya doon at hinalikan.
Kita ko rin ang gulat ng naramdaman niya ang pagsipa ng baby namin.
Agad kong hinawakan ang pisnge niya at hinalikan ko siya ng mariin. Ramdam ko ang pagngiti niya at hinalikan ako pabalik.
At nang maghiwalay ang mga labi namin ay nagkatitigan kami. Kahit ganito lang kami ay kontento na kami sa isa't-isa. Masaya lang at mas sasaya kapag dumating na si Baby.
***********
"Happy Birthday Madison! Happy Birthday! Happy Birthday, happy birthday! Happy birthday Madison!"
"Salamat sainyo.."
"Blow the candles na Maddie.."
Agad ko nang hinipan ang mga kandilang nandoon, medyo hiningal pa ako kasi isang hipanan lang sa thirty candles.
Nagpalakpakan na ang mga bisita ng matapos na paghipan ko.
Nang kumakain na ang lahat ay tinawag ko si Chase para samahan akong mag-CR. Naiihi na kasi ako...
Habang inalalayan niya ako papunta sa CR ay nagmamadali na talaga ako.
"Chase, ihing-ihi na ako. Bilisan na natin.."
"Wait, maddie..hindi pwedeng magmadali tayo baka madapa ka..."
"Ihing-ihi na ako---yan tuloy na paihi na ako..."
Nakaramdam kasi akong para may tubig na lumabas sa akin kaya baka napaihi na talaga ako.
"M-Maddie....sobrang dami naman yatang ihi yan...hindi kaya waterbag na yan..."
"Huh? Anong waterbag?"
"Panubigan mo..."
"Suss....hindi, ihi nga ehh--ah! Aray!!!"
Agad namang nakasalubong namin sina mama at mama Cath na may dalang pagkain. Nakita nilang ganuun ang sitwasyon namin..
"Jusko! Madison manganganak ka na!"
Agad na pinahanda ni Chase ang sasakyan kay Zero na dumalo sa birthday ko. At si Chase naman ay binuhat ako...
At nang nasa sasakyan na kami ay panay ang daing ko sa sakit.
Pinupunasan naman ni Chase ang pawis ko at hinahalikan ako sa noo. Lihim akong napangiti sa ginagawa niya.
Napansin ko na may luhang tumulo sa pisnge ko. Hindi naman ako umiiyak...
Agad akong napatingin kay Chase na siya pala ang umiiyak.
"Chase....umiiyak ka ba?"
"Kung ganitong sakit ang mararamdaman mo sa pagbubuntis ay sapat na sa akin ang isang anak at ikaw..."
Napangiti ako sa sinabi niya. At nang nasa delivery room na ako ay pinasama ko si Chase para suportahan ako...
Sa kanya ako kumukuha ng lakas sa tuwing iiri ako. At nang sa huli kong pag-iri ay parang naginhawaan ako sa bagay na lumabas sa akin at lalo akong nasiyahan ng makarinig ako ng munting iyak...
"It's a boy..." sqbi ng doctor na kinasaya naming pareho...
"Baby.....baby natin..."
"Baby Azril Chase..." sabi ni Chase na kinangiti ko, may binigay na siyang name ng baby boy namin. Agad kong hinalikan sa noo ang baby namin...
"Welcome to the world....Baby Azril Chase Zain Johnson..."
......
BINABASA MO ANG
CS3: My Playful Ex
Ficção GeralClarkson Series 3.... EROS CHASE CLARKSON JOHNSON Hunk.. Handsome... Rich... Kind....Nahh! .. Stupid.. Playboy.. Magulong kausap... kulang sa aruga... Baliw... Sinto-sinto... ano pa ba?..basta ganyan ang pagdescribe ko sa kanya salungat sa iniisip...